8

928 14 2
                                    

Tila akong bata na minanduhan at walang magawa kung hindi ang sumunod. 

wala ng tanong na namutawi sa akin dahil alam kong kahit anong gawin kong tanggi sa pagsama kay sir Maxim ay walang mangyayari. This man can clearly do anything that he want and now i am under his mercy.

"Come here" ani sa akin ni sir Maxim ng makita niya akong nakatayo kasama ang mga bag na bibitbitin ko. nasa sulok lang ako habang suot-suot ang gayak namin kapag aalis. 

isang cream colored na tila bistidang damit at ang belo namin sa ulo. 

lumapit na ako sa kanya ng nakayuko. kahapon pagkagaling namin sa opisina ay hindi niya na ako kinausap. 

"bid farewells to your nun friends, we are in a hurry" ani niya sa akin. tipid na tumango ang lalaki sa mga madreng nasa likod ko bago kinuha ang mga gamit ko at inilagay iyon sa likod ng sasakayan. 

mangiyak-ngiyak pa ako dahil hindi ko alam ang mangyayari. kung makakabalik pa ba ako dito o hindi na?

matapos ang ilang pamamaalam ay sumakay na ako ng kotse at umandar na ito papalayo mangiyak-ngiyak kong tiningnan ang tahanan ko ng ilang taon.

They save me during the times that i need the saving, they protected and sheltered me at ngayong sila naman ang mapapahamak ay handa akong sumunod sa kahit sino para lang hindi sila madamay.

Madamay. Dahil rin naman sa akin kung bakit sila mapapahamak kaya ayos lang.

Napabuntong hininga ako ng matanaw ang isang bahay sa gitna ng kakahuyan.

Alam ko namang hindi sa panibagong bahay ampunan niya ako dadalhin dahil humigit kumulang 3 oras ang biyahe na ginawa namin.

"Get out." Ani niya sa akin. Ang mababang boses nito ay nagdala ng kilabot sa aking kaibuturan.

"T-this is kidnapping" mahina kong saad matapos ang mahabang oras na pananahimik at panaka-nakang pagpupunas ng luha habang nasa biyahe.

Tiningnan lang ako ni Maxim at tila walang narinig at walang gana itong lumabas ng sasakyan, lumipat sa kabilang pinto at ipinagbukas ako.

"Really?" He said before leaving me to get my things at the back part of the car

"Get inside quickly, its getting cold" aniya at dirediretsong pumasok na sa loob ng bahay.

Madilim na ng dumating kami sa bahay kaya hindi ko ganuong naaninagan ang paligid, basta ang alam ko ay halos nasa bundok na kami at napapalibutan ng mga puno ang bahay.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin dito at hindi magiging madali kung tatakas ako dahil nasa mataas kaming lugar at walang ibang bahay dito, walang mahihingian ng tulong.

"Vittoria, i said come inside" narinig kong muling saad ni Maxim kaya pumasok na ako sa loob.

Hindi ko na namalayan halos kung ano ang nangyari kagabi pagkapasok ko ng bahay. Hinatid lang ako ni Maxim sa kuwarto kasama ang mga gamit ko, tumanggi akong kumain ng hapunan at nakatulog na. Ayokong makasabay si Maxim sa pagkain ng hapunan dahil sumasama lalo ang panlasa ko at wala rin akong gana.

Napakagat ako sa pang-ibabang labi at muli nanamang naging emosyunal, namimiss ko na ang bahay ampunan at kumbento.

Naputol ang mga iniisip ko ng narinig ko ang ilang katok sa pinto bago ito bumukas "hija, gising kana pala, bangon kana dyan at kakain na tayo" ani ng isang babae sa harap ko na sa palagay ko ay nasa mid 50's na

"S-si Maxim po" tanong ko dito.

"nasa baba na, halika na" ani nito sa akin. Akmang aalis na sana siya ng muli itong lumingon.

"Ako pala si Tes, hija. Nana ang tawag sa akin ni Maxim, iyon nalang din ang sa iyo" nakangiti niyang sabi. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko dahil pakiramdam ko ay nagkaroon ako ng kasama kahit papaano.

"Sige po n-nana" napangiti ang babae at lumapit sa akin.

"Napakaganda mong bata hija" aniya saakin bago hinaplos ang buhok ko.

"Halika na sa baba, kanina ka pa inaantay ni Maxim"

"Kasabay po ba namin kayong kumain?" I asked her kasi kung oo, ayos, kapag hindi ay mamaya nalang ako kakain.

"Iyan ba ang gusto mo?" Tumango-tango ako dito "hamo at ako ay sasabay, halika na"

Bahagya ko lang inayusan ang sarili ko bago sumama kay nana Tes. Ang mahaba kong pantulog ay disente namang tingnan para sa hapag.

"Ayos na iyan, mamaya kanalang maglinis ng katawan ha? Hindi rin kasi kumain si Maxim ng hapunan ng hindi ka bumangon kagabi" ani nito.

"Gutom na rin yun" ani ni nana sa akin. Tumango ako dito at sumunod na dito. Puti ang kulay ng bahay at brown naman ang kulay ng sahig ba gawa sa kahoy. Maganda ang bahay at moderno, sakto ang gamit sa paligid at mahahalatang lalaki ang nakatira dito.

Nang makababa kami ng hagdan at makapunta sa hapag ay bumungad sa akin ang salamin na ding ding sa paligid, kitang kita tuloy ang aliwalas sa labas at ilang halaman at puno na nakapaligid sa amin.

Ililibot ko pa sana ang paningin sa paligid pero natigilan na ako sa nakita. Si Maxim na nakaupo na sa sentro ng upuan ng mahabang lamesa, walang pang itaas at nakasuot lang ng puting string pants.

"Maxim, magdamit ka nga hijo" sabi ni nana sa lalaki na hindi naman nito pinansin. Nakatingin lang ito sa akin ng mariin na tila ba tinatantya ako

"Teka at ikukuha kita ng damit, kumain na kayo ni Ria" ani ni nana. As much as i want to come with her hindi pwede dahil hindi ko na maigalaw ang katawan ko dahil sa kaba.

"G-good morning" nakayuko ko ng saad sa kanya, natalo mula sa pakikipagtitigan sa mga mata nita

"Morning" aniya na tila namamaos. Kung gaano kawarm ang paligid ay siya namang kinalamig niya.

"Sit down" utos niya sa akin. Kahit ayaw ay sumunod ako sa kanya.

Pang waluhan ang upuan ng lamesa. Tig tatlo sa mahabang gilid at tig-isa sa maikli. Dahil sa sentro nakaupo si Maxim at ayaw ko siyang makatabi ay hindi ko inukupa ang nasa gilid nitong upuan, nag iwan ako ng isang bakante at sa katabi nito naupo.

Sa hapag, kahit mabango ang mga lutong pagkain at kahit nagugutom ako ay hindi ko napagtuunan ng pansin ang mga yun nakayuko lang ako sa upuan at tila takot na gumalaw o tumingin kay Maxim.

Napabuntong hininga si Maxim at walang sabi sabing tumayo sa upuan niya at lumipat sa tabi ko

"Really?" Ani ni Maxim sa tila nagtitimping boses.

Napakagat ako sa pang-ibaba kong labi. Ramdam na ramdam ko ang init ng balat niya sa akin.

"You think you can avoid me?" Bulong niya sa akin.




9/12/23

BondageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon