TATLO

4 2 0
                                    

Kinabukasan, nang magising si Alex, napansin niyang wala si Bea sa tabi niya. 

Bumangon siya at lumabas ng kwarto.

Pagkalabas niya ay nakita niya si Bea, may kausap sa telepono.

"Sige mommy, I'll call you back" paalam ni Bea bago putulin ang linya.

"Good morning," bati ni Alex bago halikan sa ulo si Bea.

"Morning," maikling bati ni Bea pabalik.

Ngumiti na lamang si Alex at saka gumawa ng kape.

"Kumusta naman araw mo kahapon?" panimulang tanong ni Alex.

Saglit niyang sinulyapan ang kasintahan na mukhang naiinis.

"Ayos lang. Kapagod." maiikling sagot ni Bea habang nanonood.

"Wala ka bang ibabalita?" tanong muli ni Alex.

"Ha? Ano naman 'yun?" tanong ni Bea pabalik.

"Natanggap ka daw sa internship mo sa Germany sabi ni Jace" sabi ni Alex at naupo sa tabi ni Bea.

"Ahh. Oo nga. Alam mo naman na pala eh" tumawa si Bea at patuloy parin sa panonood. Napangiti na lamang muli si Alex bago sinamahang manood si Bea.

...

Kaligayahan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon