WALO

1 0 0
                                    

Nakalipas ang isang taon nang naganap ang hiwalayan at hanggang ngayon, hindi parin makapaniwala si Alex sa nangyari.

Patuloy parin siyang umaasa na babalik ang lahat sa dati. Umaasang babalik ang dating kasintahan.

Patuloy pa rin ang pagkukuwestyon niya sa sarili. Sinisisi ang sarili sa nangyari.

\\\

Pagkalipas nang ilang buwan pagkatapos ang nangyari kina Alex at Bea ay ibinalita ni Oliver na may babae siyang niliigawan.

Ilang buwan rin ang nakalipas nang mabalitaan muli ni Alex na sila na ng babaeng nililigawan ng pinsan.

"Tol, naalala mo si Trixie diba? Sinagot na niya ako!" masayang ibinalita ni Oliver sa pinsan ang nangyari.

"Talaga? Buti naman at may pumatol pa sa'yo" pang-aasar ni Alex sa kanyang pinsan.

"Sa itsura kong 'to, walang papatol? 'Kala mo lang. Pinag-aagawan kaya ako dito" masungit na sabat ni Oliver.

Tumawa na lamang si Alex.

"Congrats, tol. Masaya ako para sa'yo" sabi muli ni Alex habang nakangiti.

\\\

Makaraan ang tatlong taon, onti-onti nang natatanggap ni Alex na wala na talaga pero, deep inside umaasa pa rin siya. 

"Hindi na talaga siguro maibabalik lahat..." bulong niya sa sarili habang nakatingala, pinagmamasdan ang mga bituin na maliwanag na kumikinang sa langit.

Napabuntong-hininga siya bago pumasok sa loob at nakipaglaro kasama ang pinsan.

\\\

"Tol! Tol! Tol! Um-oo si Trixie!!!" masiglang ibinalita muli ni Oliver sa kanyang pinsan ang naganap.

"Hoy! 'Di nga?! Congrats!" masayang bati niya sa pinsan.

"Uuwi kami d'yan sa susunod na buwan para ipakilala siya bilang mapaapangasawa ko!"

Laking tuwa ni Alex para sa kanyang pinsan. Hindi niya inaakalang mas mauuna pa ito sakanyang magpakasal.

"Sabi ko sa'yo ako mauuna eh," sabi ng pinsan at tumawa ng malakas.

"Oo na. Para kang bata!" nakangiting sagot ni Alex.

"Kita-kits nalang" dagdag niya.

...

Kaligayahan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon