"Ano ba 'yan, nakaalis na't lahat tapos 'di mo man lang pinakilala sa'kin. Sinungaling ka talaga! Paano ko siya mamumukhaan nyan," pagrereklamo nanaman ng pinsan ni Alex.
"Crush mo ata girlfriend ko eh... aminin mo na pre, gaano ka kainterisado sa kasintahan ko?" pabiro na pagtatakang tanong ni Alex.
"Baliw ka ba? Hindi ako gano'n 'no! Accuser ka brad! Ako na nga magbabatay para sa'yo tapos ganyan ka pa," pagsagot ni Oliver, halatang frustrated.
"Eh, paano ko nga mapapakilala sa'yo, busy sa mga kailangan niyang gawin dito bago pumunta diyan. Tsaka ba't ba gustong-gusto mong makilala?" sabat naman ni Alex habang naglalaro.
"Syempre, gusto ko ma-meet yung babaeng nagpapasaya sa pinakapaborito kong pinsan 'no! Tsaka, masama bang kilalanin ha? Magiging parte rin naman na ng pamilya soon," sagot ni Oliver bago matalo sa laro nilang magpinsan.
"Ano ba 'yan?! Binabawi ko na palang sinabi kong pinakapaborito kitang pinsan! Napakasama ng ugali mo, Alex!" pagbawi ni Oliver.
Malakas na tinawanan ni Alex ang pinsan at umiling na lamang.
...
BINABASA MO ANG
Kaligayahan Mo
Short StoryPag nagmamahal, kasiyahan nila ang isa sa mga prayoridad natin. Masarap sa pakiramdam at makitang nakangiti ang taong pinakamamahal mo, kaya kahit ano handa nating gawin para lang hindi mawala 'yon. Sabi nga ni Lana Del Rey, "When someone else's h...