SIYAM

2 1 1
                                    

Nakalipas ang isang buwan at dumating na ang araw na dadating si Oliver at ipakikilala ang kanyang mapapangasawa.

Buong pamilya ay nasa bahay ng mga magulang ni Oliver upang ma-meet ang ikakasal.

Ilang oras ang nagdaan nang makarating si Oliver at ang babaeng mapapangasawa.

"Hoy, Alex!" narinig ni Alex ang pagtawag ng pinsan niya na kakatapos lang batiin ang iba nilang mga kamag-anak.

"Hoy! Ano na?" bati pabalik ni Alex nang tumayo mula sa kinauupuan.

Nang makita ni Alex ang babaeng kasama ng kanyang pinsan ay tila ba gumuho muli ang kanyang mundo.

Nanigas ang katawan niya sa kinatatayuan at nanlaki ang mga matang hindi makapaniwala sa nakikita.

Naramdaman niyang muling nahulog ang kaniyang puso ay nawasak sa pira-piraso.

"Si Trixie nga pala, mapapangasawa ko. Love, si Alex nga pala, siya yung palagi kong nakukwento sa'yong pinsan ko na parang kapatid ko na rin," pagpapakilala ni Oliver sa dalawa.

Nanahimik ang dalawa.

Bumalik lahat ng emosyong naipon ni Alex nang makita muli ang dating kasintahan.

...

Kaligayahan MoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon