Hi Vito,
Thank you, I guess? Kidding! Malakas ba talaga ako sa'yo? Eme mo lang yata 'yan hahaha.
Hmm... Paano kita nakilala? Entrance exam day. I was almost late at that time at halos maiyak na ako kasi hindi ko makita 'yong room ko. Hanggang sa may bumunggo sa akin mula sa likod. And it was you. Running and panting.
Nainis ako sa'yo noon kasi mas lalo mo lang kinuha ang oras ko at hindi mo man lang ako napansin na bumagsak ako dahil sa'yo.
You just said sorry without even looking at me. You're busy looking for something and mumbling a familiar word. And that's when I realized that we're in the same room. Mabilis kitang sinundan hanggang sa pareho tayong dumating sa room natin ng sakto sa oras. Luckily, the proctor was still not there.
I was so crazily panting at that time that I thought my heart would come out. I wouldn't be in that much of a hurry if you weren't for you. But I was still glad.
You made me reach my dream university.
After that exam, nagulat ako nang lapitan mo ako. You said sorry again, this time, sincerely. You extended your hand as you introduce yourself to me. Wala akong masagot sa'yo noon kasi nag buhol-buhol ang utak ko nang maharap kita ng malapitan. Hanggang sa parang tanga ako noon na mabilis na umalis hahahaha.
That's how I met you. Short and simple but will always live within me.
Anyway, ang daya mo. Hindi naman porket kilala kita eh talagang kilalang kilala kita. Gusto rin kitang makilala ng lubusan. But I wouldn't push you that much. Baka masyado na akong umuusisa sa'yo.
Ang importante sa akin ay ang makausap ka ng ganito. Malaya at walang iniisip na kung ano pa man.
-C

BINABASA MO ANG
Huling Liham
RomantikIsang papel. Isang lapis. Isang salita. Isang liham. Isang kuwento ang nabuo sa ating dalawa. ㅡ Language: Tagalog and English Started: February 9, 2022 Ended: February 11, 2022 © emnixx 2022