Tagong Mensahe

28 5 7
                                        

Para sa isang babaeng nagbigay alaala sa akin, 

Walong daan, tatlumpu't isang araw simula ng huling naging sulatan natin. 

Hi, C! How are you? Hindi ko alam kung makikita mo ito o mababasa pero umaasa akong lahat ng bawat letrang nakasulat dito ay makarating sa'yo. 

Sa bawat araw na nagdaan sa akin, sa ating dalawa, hinding hindi ko nakakaligtaan ang sumulat sa tuwing dumaraan ka sa aking isipan. 

Lahat ng sulat na mayroon ako para sa'yo ay nakatabi sa isang kahon. Naglalaman ng mga nararamdaman ko para sa'yo. Nandoon din ang mga naging sulat mo. Nakatabi at hindi ko hinahayaan na mawala sa paningin ko. Ayaw kong palampasin ang araw na hindi binabasa ang mga iyon para alalahanin ka. Natatakot akong makalimutan ka. 

Ngayon ay napag isipan kong itago itong sulat sa dati nating taguan imbes na itago lamang sa kahon ko. Nagbabaka sakali na matanggap mong muli ang sulat ko. 

I missed you so bad, C. Hindi man kapani-paniwala dahil sa naging tagal din natin na walang komunikasyon pero totoo 'yon. Hindi man kita nakilala ng personal, pero para sa akin ay may parte ka sa puso ko. 

Sana dumating na 'yong araw na muli tayong pagtagpuin. Sa pagkakataon na 'yon, hindi ko na papakawalan ang tsansa'ng makasama ka. 

Thank you, C. For being my hope and strength in fighting my everyday life. Without you, I wouldn't be able to get hold of my memories. 

Masaya akong dumaan ka sa buhay ko. Hanggang sa muli, C. 

Nagmamahal,
Vito

Huling LihamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon