Minamahal kong Vito,
Masaya akong nakilala kita. Masaya akong mas makilala ka at makausap ka ng ganito. Masaya akong makasama ka sa mga alaalang aalagaan ko.
I have your letters. I took it even though it's hard for me to sneak around now. Aaminin ko Vito na nanghihinayang ako na hindi tayo nakapag kita. But I guess maybe that day is not for us. Maybe we're meant to see each other for some other time.
Thank you, Vito. For being honest with your feelings. For taking a big step. Dahil sa'yo mas lalong lumakas ang loob ko.
I like you, too, Vito. I like you so much... Pero kailangan ko nang umalis.
Gustong gusto kita pero hindi pa ganoon kahanda ang puso ko. Masyado pa itong mahina para sa'yo.
Kung hindi man ito ang tamang oras para sa atin, baka sa ibang pagkakataon ay maaari na muli.
Alam kong wala akong karapatan para sabihin 'to sa'yo, pero sana, Vito, hintayin mo ako. Sisiguraduhin ko na sa muling pagbabalik ko ay wala ng takot ang babalot sa akin kundi isang kasiyahan lamang na makita kang muli, sa aking harapan.
Sa ngayon, ito na muna ang huling mensahe ko sa'yo. Ayaw kong mag paalam. Ayaw kong putulin ang naging tulay natin. Sadyang sa oras na ito, ito na muna ang huling liham na matatanggap mo.
Hanggang sa muli, Vito.
Nagmamahal,
C
BINABASA MO ANG
Huling Liham
RomanceIsang papel. Isang lapis. Isang salita. Isang liham. Isang kuwento ang nabuo sa ating dalawa. ㅡ Language: Tagalog and English Started: February 9, 2022 Ended: February 11, 2022 © emnixx 2022