Sa Susunod na Kabanata
"Carmela! Hay naku, bumangon ka na! May pasok ka sa school hindi ba?"
Agad akong naalipungatan sa malakas na sigaw ni mama. Naku! Ang aga-aga pa. Paniguradong paglilinisin niya lang ako. Dinamay pa ang pasok ko eh mamaya pa yun. Mama talaga!
" Nandiyan na po!" Dali-dali akong tumayo mula sa pagkakahiga at nagtungo sa kusina. "Kakain na ba, ma?" Pabiro kong tanong kay mama.
"Tigil-tigilan mo ako Carmela. Magwalis ka muna."
Sabi ko na eh! Paglilinisin niya ako kaya niya ako ginising. Nakabusangot ang mukha ko ng kumuha ako ng dustpan at walis. Para hindi ako maboring sa pagwawalis, hindi ko tinigilan ang pagpapantasya sa crush ko. Tuwang-tuwa ako ng tawagin na ko ni mama para kumain.
Kakapasok ko pa lang sa pintuan ng classroom namin ay sinalubong na agad ako ng maingay na sigawan ng mga kaklase ko. " Bakit ang ingay niyo?"
"Kailan ba kami tumahimik, Carmela Villaluel?" Pabirong sagot sa akin ng aking kaibigan bago sila muling naghagikhikan. " Hindi nga? Bakit sobrang kinikilig kayo?""Hindi mo alam? May magiging kaklase tayong hapon! Ang gwapo beh!" Napairap ako sa kawalan. Akala ko ba yung hapones sa kabilang building yung tipo nila? Hay naku! Basta ako? Si Josiah lang ang gusto ko! Natahimik na kaming lahat pagkadating ni ma'am. Nasabi sa akin kanina ni Felicia, isa sa kaibigan ko, na hindi raw pumasok si Josiah kasi nilalagnat daw. Sayang, gusto ko siyang alagaan. Wala tuloy akong gana. Pakiramdam ko aantukin ako anumang oras.
" Magandang umaga sa inyo. Siguro naman alam niyo ng mayroon kayong bagong kaklase." Agad na nagtilian ang mga kaklase kong babae at bading na pinangungunahan ng mga kaibigan ko.
"Pasok ka, ijo. Introduce yourself to the class." Kabubukas pa lang ng pintuan ay naghiyawan agad ang mga kaklase ko. Napairap ako sa kawalan. Naalala ko pa na ganyan din sila kung makahiyaw noon doon sa hapones sa kabilang building.
At bilang loyal na taga-ibig ni Josiah,
hindi na ako nag-abalang lumingon. Narinig ko kanina na purong hapones din daw itong bagong kaklase kaya wala talaga akong interes. Paano naman kase? Lagi kong nakakasalubong yung hapones sa kabilang building at hindi naman guwapo! Singkit lang at maputi! Mas tipo ko talaga si Josiah na moreno. Nasyonalismo nga 'di ba? Mahalin ang sariling atin! Hahahaha! Napangisi ako. Iniisip ko pa lang na dadaan ako sa kanila mamaya para bumisita at magdala ng prutas ay kinikilig na ako. Napangisi pa akong lalo."Ehem."
Bigla akong napabalik sa ulirat ng makarinig ako ng pag-ubo. Pakshet! Nakakahiya! Napalingon ako sa gilid upang tignan ang lalakeng umubo. Halos lumuwa ang mata ko ng makakita ng nakatayong Adonis sa harap ko! Adonis ba o anghel? Hindi ko din alam! Ito ba? Ito ba yung langit na sinasabi nila? Pero paano? Nasa klase lang ako kanina! Ba't nasa langit na agad? Ito ba?Hahahaha. Biro lang. Ito ba yung bago naming kaklase? Malamang. Nagulat ako ng may bumatok sa akin.
"Gaga ka. Nawiwirduhan na sayo! Tutunawin mo pa! Yan ba ang walang pake? Naglalaway?" Sinamaan ko ng tingin ang bakla kong kaibigan. Nasa harapan ko lang siya kaya nagawa niya akong batukan. Umupo ako ng maayos bago muling nilingon si Mister Hapon.
"Sorry. 'Di kita agad napansin. Nagulat lang ako! Oo! Nagulat lang ako! Hahahaha." Pinagtaasan niya lang ako ng kilay. Ay? Suplado.
Umupo na siya sa bakanteng upuan na nasa gilid ko at ewan ko ba pero medyo nainis ako na ganun lang ang naging reaksyon niya.
"Is that so? I thought I need to call a psychiatrist or what 'cause you're drooling like a mad dog."
Natigilan ako sa pag-aayos ng buhok ko ng bigla siyang nagsalita. Ano daw?
"Ha?" Bigla siyang napalingon sa akin dahil sa naging tugon ko. Pinagtaasan na naman niya ako ng kilay. Aba't! Bakla ata 'to eh.
YOU ARE READING
Sa Susunod na Kabanata
Fiksi Sejaraha story inspired by binibining mia (UndeniablyGorgeous)