Donny's POV
"Happy birthday to you, happy birthday to you...., happy birthday happy birthday, happy birthday to you" masayang awit sa akin ng tatlo kong anak. Lumapit sila sa akin at isa-isa akong hinalikan.
"Happy Birthday Daddy" sabay sabay na bati nila sa akin "Love you" mahigpit nila akong niyakap
"Thank you anak" isa-isa ko silang hinalikan. I'm so lucky having them in my life, yung isa balak mag artista, yung isa naman Doctor, tapos yung isa naman balak mag Lawyer.
"where's momma?" I asked them
Biglang bumukas ang pinto at nakita ko doon si Belle, may hawak siyang cupcake at may kandila ito sa ibabaw. Dahan-dahan siyang lumalapit sa akin para hindi mamatay ang ilaw sa kandila. Papalapit siya ng papalapit sa akin at naririnig ko na ang pagkanta niya.
"Happy birthday to you, happy birthday to you...., happy birthday happy birthday, happy birthday to you" mahinahong kanta niya. I'm so thankful having her in my life. Siya yung tipo ng babaeng hindi mo kakayanin pag nawala. My chef, doctor, teacher, my love, my happiness and my wife.
"Happy birthday best boy,,...blow the candle" nakangiti siya sa akin, inilapit niya sa bibig ko ang cupcake at hinipan ko na ito. Nagpalakpakan ang mga anak ko pagkatapos kong hipan ang kandila.
"Thank you life" I said to my wife, she's my life.....she is our life, without her I don't know where I am.
Binaba niya sa table ang cupcake at dali-dali akong niyakap. "enjoy your day" she whispered. Humarap siya sa akin at bigla akong hinalikan.
"yie" sigaw ng tatlo kong anak
Bigla kong tinakpan ang mga mata nila, alam kong hindi ko iyon natakpan ng maayos dahil isa lang ang kamay na gamit ko dahil ang isang kamay ko ay nakahawak sa pisngi ni Belle.
"daddy" sabi ni Celestia habang pilit tinatanggal ang kamay ko sa mukha nila.
"dad stop" Celestine said, kinagat niya ang kamay ko
"ah-" mabilis akong tumingin sa kanilang tatlo. Nakangiti sila sa akin, parang tinatakot ako.
"I know it's Daddy's birthday but please just save it for later" sabi ni Celeste sa amin, I mean correct naman siya.
"tsk.." I replied
Biglang kumarga sa akin si Celestia "can we visit kuya Ken nalang then there nalang tayo mag celebrate" maarteng sabi niya, binaba ko siya at pinaupo silang tatlo sa sofa.
"Okay bihis na kayo pupunta tayo kay Kenneth" kalmadong sabi ko sa kanila
Mabilis silang pumanik sa taas at nagsipasok sa kanya kanya nilang kwarto. Naiwan kaming dalawa ni Belle sa baba. Pumunta ako sa kanya at tinabihan siya.
"happy birthday" bulong niya sa akin, humarap ako sa kanya ay hinalikan siya sa noo niya. Pumunta na rin kami sa taas para makapagbihis.
Pagkatapos magbihis ay umalis na kami. Bago pumunta kay Kenneth ay bumili muna kami ng kandila, cake at lobo.
"dito na tayo" tumalikod ako para makita ko sila. Nang marinig nila 'yon ay dali-dali silang bumaba sa kotse at tumakbo papunta sa puntod ni Kenneth.
"kuya!" Sigaw ng dalawang mas bata kay Kenneth at Celeste. Nang makarating sila sa pwesto ni Kenneth ay lumuhod sila at nagdasal. Pagkatapos non ay lumapit na kami sa kanila at nagtirik na kami ng kandila.
"It's Daddy's Birthday Kenneth" Sabi ni Celeste, lumuhod siya at pinunasan ang puntod.
"Hi Kenneth, Mommy's here" naluluhang sabi ng asawa ko. Sa likod ng ngiti niya alam kong hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya.
Inakbayan ko siya "shhh" pigil ko sa kanya, alam kong iiyak na siya. Birthday ko ngayon dapat masaya lang tayo.
Umupo na kami sa paligid non at inilabas na namin ang cake. Inilabas na din namin ang plato para makain na namin 'yon. Isa-isa naming binigyan ang mga anak namin, maging si Kenneth ay meron din.
"thank you dad" masayang sabi ng tatlo kong anak.
Makalipas ang ilang minuto, habang kumakain kami ay may dumapong paro-paro sa balikat ko. Hindi ko ito inalis dahil sa paniniwalang si Kenneth 'to. Nakangiti lang sa akin si Belle, diretsong nakatingin ang mga mata niya sa mata ko.
"he's here" she said, smiling "he's always here"
"yeah...he's always here" sabay turo sa puso ko. Wala man siya sa tabi ko, lagi siyang nandito sa puso ko.
"yeah" she said with weak voice, her eyes glinted with tears.
Nang makita ko ang pagpatak ng luha niya ay dali-dali na akong lumapit para yakapin siya. She's happy but sad, she's smiling but crying.
I never really thought it would be this hard. Ilang taon na kaming magkasama pero bumabagsak pa rin ang mundo ko dahil sa luha niya.Niyakap ko siya mula sa likod "I'm okay don't worry, just enjoy your day" hinalikan niya ang pisngi ko.
"Hindi ko 'to maeenjoy hanggang umiiyak ka" mas hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya.
"tsk.. ano ka ba" hinampas niya ang braso ko "finish your food, uwi na tayo" bumalik na ako sa inuupuan ko at kumain na.
Pagkatapos non ay umuwi na kami dahil dumidilim na din. Saktong alas 8 na kami nakauwi dahil dumaan pa kami sa bahay ni Monmy at ng mga kapatid ko.
Pag uwi namin ay pinagbihis niya lang ang mga bata at pinatulog na rin ang mga ito.
"goodnight mommy and daddy" Celeste said
"goodnight mommy and daddy" Celestia said
"goodnight mommy and daddy" Celestine said
Isa isa nila kaming hinalikan at pagkatapon non ay pumunta na sila sa kanya kanya nilang kwarto. Pumunta na rin kami ni Belle sa taas at nagpahinga na sa kwarto namin.
Nakahiga kaming dalawa, nakapatong ang ulo niya sa dibdib ko habang nakayakap naman sa kanya ang mga braso ko.
"I love you" I said, humarap siya sa akin at ngumiti.
"I love you too, happy birthday" she greeted before kissing me.
Simple celebrations are enough, with your loved ones
Happy Nato Day
_______________________________________________
For Donny,
Happy birthday Dons, enjoy your day and more candles to blow. Wishing you all the best. You deserve everything, enjoy doing what you love and enjoy doing it with Belle.
More birthdays and projects to come.
Bulas love you so much, again Happy Birthday and We love you.Love,
Jesslie
BINABASA MO ANG
Secretly Hers
FanfictionUNDER REVISION Tiktok POV - Wattpad STORY Is it easy to admit that he's Secretly Hers?