Characters
Mitchellein Amonte
Charlene Fraye Riyalez
Athena Rienne Sarmiento
Shannen Aireeze Rueva
Jenine Yuri Lauvrind
Seryne Madeline Menarez
Minara Sylie AlejoKlaidzen Faliman
Kenzo Yhael Sarmiento
Tomas Rhaylier Riyalez
Marcus Quirino
Kyro Zamiel Luesta
Zyro Claude Luesta
Gavin Sean Orense—
This is a pure work of fiction.
—
Started: February 10, 2022
Reminder: Every chapter seems to be have a different POVS/characters that have a lot flaws and imperfections, different perspectives, immature mindset, and sudden decision in every events and situations.
(Enjoy reading)
—
Athena Rienne's POV
—
Walang gana ko siyang tiningnan nang papalapit siyang muli. Umiwas ako ng tingin dahil ayan na naman yung nakakaawa niyang mukha, na at the same time nakakainis!
Nakakainis dahil bakit hindi ko siya matiis?!
"Sandali lang..." Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko dahilan para umangat ang tingin ko sa kaniya. "Promise, saglit lang." Napabuntong hininga ako tsaka tumango sa kaniya. Ngumiti siya sa'kin at ginulo nang bahagya ang buhok ko bago siya umalis.
Naglakad ako papunta sa waiting shed. Dito kami madalas naghihintay ng masasakyan, medyo malayo rin sa school ko — napatalikod ako at napatingin sa kabilang side nang makita ko si Shannen na papunta sa direksyon ko at the same time nakita ko rin si Rhay sa hindi kalayuan.
Huh? Ang alam ko sa isang side siya dumaan? Bakit siya nandoon?
Agad kong kinuha ang cellphone ko at dinial ang number ni Rhay. Mabuti naman at agad niya itong sinagot. Nagsimulang mamawis ang kamay ko at palakas nang palakas ang tibok ng puso ko. Malamang dahil sa kaba! Nandito lang ang pinsan ko 'no! Baka isumbong pa 'ko sa parents ko!
"Mauuna na 'kong umuwi, baka makita tayo ni Shannen. Bye." Saktong pagkababa ko ng tawag ay siya namang pagtawag sa'kin ng babaita pero hindi ko siya nilingon, tinitigan ko ang side profile ng babaeng kasama ni Rhay. Medyo malayo na rin sila kaya hindi ko mamukhaan.
Sino 'yon? Pero parang kilala ko ata...
"Bakit dito ka naghihintay? Tara, kain na lang muna tayo sa bagong shop." Tiningnan ko siya at pinagsawalang bahala na muna ang nakita ko. Nagsimula na rin siyang maglakad sabay hawak sa kamay ko, wala akong nagawa kun'di sabayan siya sa paglalakad. "Ayun, oh." Sabay nguso niya rito.
Halata ngang bagong bukas ang shop na 'yon dahil marami-rami din ang tao. Tsaka mukhang mura lang rin ang tinda. All goods sa'kin 'yon kung gano'n, lalo na kay Chelle. I-refer ko nga rin sa kaniya 'to kung sakaling masarap.
Pinunas ko ang kamay sa suot kong uniform. Okay, mukhang kailangan ko ng shake pangpatanggal ng kaba kahit na okay naman ang lahat.
Iniisip ko tuloy kung sasabihin ko kay Shannen na may boyfriend na 'ko na... kaibigan slash classmate pa ni Kuya! Tinignan ko si Shan at napabuntong hininga.