5

9 1 0
                                    

Athena Rienne


"I'm sorry... mahal." Pag-suyo niya sa'kin pagkatapos ihinto ang minamanehong sasakyan ng Daddy niya. Tinanggal ko ang kamay ko na hawak niya, tiningnan ko lang siya. Hangga't maaari ay ayaw kong ipakita ang emosyon ko dahil alam ko, rurupok na naman ulit ako. "I'm sorry, please... forgive my mistakes." Nagmamakaawa siyang tumingin sa'kin at naghihintay na mapatawad ko siya.

"Kinalimutan mo, e... Monthsary natin kahapon, kinalimutan mo..." Tumingin ako sa itaas para pigilan ang nagbabadyang luha ko. "M-Mahal mo ba talaga ako?" Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Bigla na lang niya 'kong niyakap at hindi ko alam kung mapipigilan ko pa ang pag-agos ng luha ko sa balikat niya. "Mahal mo ba 'ko? Bakit ganito ka?"

"Shhh... I'm sorry. Nakalimutan ko, okay? I'm really sorry that my mind yesterday is busy on the other important things. Shh, mahal. Sorry... I love you..." Hinaplos niya ang likod ko at mas hinihigpitan pa ang pag-yakap sa'kin, hinalik-halikan niya ang pisngi ko at kinakapa ng kaliwang kamay niya ang mukha ko para punasan.

"At ano ang mas importante?" My voice broke as I keep on telling him what's on my mind. I want an assurance... for my heart that isaching for him right now because of what he did yesterday. "Hindi ba 'ko importante, ha? I... I feel like you do not love me anymore." Wala na akong pakialam kahit mapuno pa ng uhog ang damit niya.

Ang sakit ng ginawa niya kahapon. Gusto ko nga siyang sampalin ngayon kaso ay hindi ko magawa dahil hindi naman ako gano'n. Mas lamang sa akin ngayon ang kagustuhan kong ilabas ang sakit na nadarama ko kaysa sa galit ko sa kaniya.

"No. Don't say that. I love you, mahal. And I always will. Stop crying... please?" Malambing niyang bulong. Hinaplos-haplos niya pa ang buhok ko bago umalis sa pagkakayakap niya sa'kin, hinawakan pa niya ang magkabilang pisngi ko. "Sobrang busy ko lang talaga sa school works nitong mga nakaraang araw kaya inaya kong lumabas ang Kuya mo. Iyon lang at wala ng iba, okay? Wala na 'kong ibang ginagawa. Please, maniwala ka sa'kin." Magkasalubong na magkasalubong ang mga kilay niya at halatang naghihintay ng magiging reaksyon ko.

"Sinungaling. Sinungaling ka pa rin!" Sigaw ko sa kaniya. Frustrated niyang hinilamos ang mukha at tiningnan ako nang ilang segundo bago tumawa and it makes me think that he's not serious about this. "Makaka-ilang oras ba ang pag-pindot mo sa cellphone bawat isang letra?! Matagal ba bago ka makapag-paalam? Ano, hindi lang monthsary ang nakalimutan mo? Pati girlfriend mo?!"

"Mahal, alam kong mali ko. Please naman kanina pa tayo pabalik-balik ng explanation mula sa school mo hanggang dito sa bahay namin." Napauwang ang bibig ko at tiningnan ang paligid. B-Bahay nila 'to? Bakit ang laki?

Shit. Hindi pala talaga ako bagay sa kaniya. Napayuko tuloy ako sa naisip at kinalikot ang mga daliri ko, napapahiya at hindi alam ang gagawin. Narinig ko siyang bumuntong hininga tsaka kinuha ang mga kamay ko. Doon lang ako dahan-dahang tumingin sa kaniya. Napakurap-kurap ako nang ngumiti siya.

"Bakit? Bakit tayo nandito?" Tumingin siya sa mga kamay namin at pinagsalikop 'yon.

"Mahal..." Tiningnan niya 'ko nang mainam habang nakangiti. "Gusto ko nang gawin 'to, gusto na kitang ipakilala sa mga magulang ko." Mas lalong napauwang ng malaki ang bibig ko, hindi makapaniwala.

Naalala kong nasabi sa'kin ni Kuya na wala pang ipinapakilalang girlfriend si Rhay sa bahay nila at ako... ako ang una. T-Teka naman sandali?! Totoo ba?! Para akong nag-lo-loading sa sinabi niya...

Hindi naman kasi ako kagandahan, maputi lang ako at average ang mukha ko. Hindi rin ako kasing talino ni Kuya at ni Shan at hindi kami mayaman katulad nila Rhay. Parang hindi naman kami bagay? Parang ang layo?

If Tommorow You and I Where stories live. Discover now