3

14 2 3
                                    

Athena Rienne






Warning: Drugs


Paulit-ulit kong pinupokpok sa noo ko ang dulo ng cellphone ko sa inis dahil hanggang ngayon hindi pa rin siya tumatawag. Sinabi niya ring susunduin niya 'ko dito sa 7/11. Tumingin ako sa labas at kakaunting estudyante na lang ang nakikita kong dumadaan.

Napayuko ako at hinawi ang buhok ko. Pinag-iisipan ko kung uuwi na ba ako o mag-i-stay pa 'ko ng isa pang oras dito.

Nakakainis! pinapaasa niya 'ko! Alam naman niyang mahalaga sa'kin ang mga araw na ganito, ang araw ng monthsary namin!

"Hays..." Konti na lang talaga ay iiyak na 'ko. Charot.

Unti-unti napaangat ako ng ulo, nadinig ko ang pagbukas at sara ng pinto.

"Rienne, bakit nandito ka pa?!" Nabawi na naman ang kapiranggot na pag-asa ko. Wala na, hindi na talaga ata siya pupunta. Dahan-dahan akong tumingin sa harapan ko nang maupo si Jenine. "Nag-mall kami ni Seryne, kauuwi niya lang rin. Dapat sinabi mong hindi kayo tuloy ni Shannen, pinsan mo 'yon, 'di ba? Sana sinama natin siya kanina." Pumikit ako ng ilang segundo tsaka naramdaman ang pag-tapik niya sa kamay ko. "Bakit? Anyare sa'yo 'te?" Tinawanan pa niya ako at nagpangalumbaba.

"May..." Kumunot ang noo niya, hinihintay ang sasabihin ko. "May... ano..."

"Ano?" Mas lalo pang nagsalubong ang mga kilay niya.

"Ano... ahm... hays!" Boba! Ba't mo pa kasi sinubukang sabihin sa kaniya?! Ayan tuloy hindi ka na makakawala diyan! Shunga ka talaga!

"Ano 'te?"

"May ano... bagong shop... ano... doon," Sabay turo ko pa kung saan ang daan. "Gusto mo kumain na lang tayo ro'n?" Salamat naman at hindi ako nautal... Hindi ko alam ang gagawin ko kung masabi ko sa kaniya ang tungkol sa'min ni Rhay.

Tiningnan ko siya at mukhang mas lalo lang siyang na-curious sa inaasta ko. Bwisit kasi 'tong bibig na 'to, e! Hindi marunong mag-sinungaling!

"Ayoko, busog na 'ko. Nakita lang kita kaya ako pumasok dito," Umirap siya sa'kin. "Ano nga? Yung sasabihin mo, ano?" Napatigil ako ng ilang segundo, pinag-iisipan kung sasabihin ko ba sa kaniya o hindi.

Pero siguro naman itatago niya rin 'di ba?

"Sikreto lang... Jen, ha? Ha?" Pag-kumbinsi ko agad sa kaniya.

"Hatdog," Tumawa siya habang ako seryoso lang na nakatingin sa kaniya. "Sige. Oo na nga, sikreto na. So ano 'yon?" Umayos ako ng upo kaya malapit na rin ang mukha namin sa isa't isa. Huminga muna ako ng malalim, tiningnan ang magkahawak kong mga kamay tsaka binaling ang tingin sa kaniya.

"May... boyfriend ako," Tumango-tango siya.

"Boyfriend lang naman pala, e," sabi niya na parang hindi manlang ikinagulat. "Pero gaano na kayo katagal? Sino 'yan? Ha?" Ngumiti-ngiti pa siya ng pang-asar. Akala mo naman kikiligin ako. Tsk.

"Six months..." Napasinghap siya. Akala ko pa naman hindi magugulat, gantong sagot lang pala ang gusto niya. "Tapos hindi niya 'ko sinipot ngayong sixth monthsary namin." Ngumuso ako at sa totoo lang, malapit na 'kong umiyak, totoo na talaga. Para akong nagsusumbong sa kaniya, isa na rin siguro sa dahilan na siya ang pinaka-unang nakaalam nitong sa amin.

"Sino 'yan?" Biglang tumapang ang awra niya, nakataas pa ang isang kilay niya. "Bubugbugin ko 'yan kapag nakita ko! Baka hindi niya alam na white belter ako sa taekwondo, huh! Pwes, ipapakita ko sa kaniya!" Mariing sabi niya, parang naghahamon pa ng away.

If Tommorow You and I Where stories live. Discover now