Yo, one month walang update HAHAHAHAHHAHAHAHA. Readwell.
Warning: Not edited.
—
Seryne Madeline
—
"Good morning, sunshine!" Masayang bati ko pagkapasok sa room. Napahalakhak sa'kin si Zam at tumabi sa upuan ni Jenine na ngayong nakatingin sa'kin na parang pinagsisisihan na naging kaibigan ako dahil sa ginawa kong pag-bati. Kinakahiya ba niya 'ko?
Naglakad ako papalapit sa kanila at ngayon ko lang na-realize na marami na pala kaming nandito pero makapal naman ang mukha ko kaya keri na.
Napatingin ako sa upuan ni Rienne nang mailapag ko ang bag ko. Wala pa siya?
"Wala pa si Rienne? Si Chelle rin, wala pa?" tanong ko sa kanilang dalawa. Nanlaki naman ang mata ni Jen at hinatak ako paupo sa tabi niya, nadaganan ko tuloy ang bag ko kaya't inayos ko 'yon maging ang pag-upo ko.
"Speaking of Rienne, anong nangyari kahapon?" Nanlaki naman ang mga mata ko nang may maalala rin ako. "Meron kang chika? Ano na? Ambagal naman, e!" Nagmamadaling ani niya. Napanguso naman ako at tumingin kay Zam, tumingin rin siya dito. "Hoy, nakikinig ka ba sa'min, huh? At tsaka bakit pala nandito ka nakaupo?" Nakataas na ang parehong kilay niya.
Natawa ako. "Kanina pa siya diyan ngayon mo lang nakita?" Inirapan niya ako.
"Hindi ko siya naramdamang umupo dito, tsk. Nakatingin kaya ako sa'yo kanina pa."
"Ah, okay pero anyway, eto na..." Nakinig naman sila nang mabuti sa'kin nang mag-kwento ako tungkol sa nangyari kahapon. "Tapos ayun, dumating yung parents ng pinsan niya, hinatid naman ako ni Rienne pasakay. The end na." Sabay kibit-balikat ko.
"Sino naman kaya 'yang lalaking kinukwento mo? Nakaka-curious, ah... teka," Kinagat-kagat pa niya ang kuko habang nagsaslita. Napasinghap siya na parang may malaking revelation siyang naalala. "What if... mag-imbestiga tayo? Hindi ba't ang saya no'n?" Masayang aniya na nakapag-excite rin sa'kin.
"Siguraduhin niyong wala kayong masamang gagawin diyan," singit ni Zam.
"Pababayaan mo ba kami?" Napakunot ang noo niya sa sinabi ko. "Syempre kasama ka dito 'no! No way na kami lang dahil alam mo 'tong gagawin namin." Napahagikgik pa 'ko hanggang sa natigil na rin ang usapan namin nang dumating na ang teacher namin kasabay sina Chelle at Rienne.
"Hala, may report pa pala 'ko diyan!" Napasapo ako ng noo ko, si Jen naman ay natawa lang sabay ngisi ng mapang-asar.
"Deserve mo, beh." Pabiro ko siyang inirapan at nakinig na lang kay Ma'am habang tahimik na nagdadasal na sana ay maging successful ang report ko at mataas ang score na makuha ko.
Mabilis lang rin ang pag-daan ng mga individual reporting sa PerDev, pinaka-mabilis lang na nag-report ay si Chelle na mukhang wala sa mood kaya't lagpas lang siguro ng isang minuto ay tapos na siya. Bukas pa pala ako dahil nahinto lang kami kay Laurine Kalvin, in alphabetical order kasi.
Dumaan ang subject na OrgMa at Creative Writing tsaka nag-bell. Napansin ko naman na parang tahimik yung dalawa kaya lumapit ako sa kanila habang si Zam at Jen ay may pinagtatalunan pa.