—
Athena Rienne
—
Binaba na niya ang kamay niya nang tingnan ko lang 'yon nang nakakunot ang noo. Yumuko siya saglit at inangat muli sa'kin ang tingin.
"Anong pakay mo rito?" tanong ko. Nangingiti naman siyang sumagot sa'kin.
"Sinabi ko na..." Irita akong napasinghal sa isinagot niya pero wala naman na 'kong ibang nasabi pa. "'Wag niyo na lang sabihin na dumaan ako dito para i-check siya, ha? — salamat." Bumaling pa siya ng tingin kay Seryne habang nakangiti't tinanguan niya rin ako bago lumabas. Taka akong tumingin kay Shannen. Ano'ng relasyon mo sa kaniya?
"Ah!" Pag-basag ni Seryne sa katahimikan. "Nagugutom ka ba? Gusto mong bumili ako?" Umiling ako.
"Hindi na, kakakain lang natin kanina."
"E, tubig?" Napalunok ako, ngayon lang naramdaman ang uhaw kaya tinanguan ko siya. "Okay!" sabi niya, malawak ang ngiti. "Bibili na 'ko ng wotah, bye-bye!" Bahagya akong napangiti hanggang sa makalabas na siya ng kwarto.
Naupo akong muli sa tabi ni Shan at nagpangalumbaba sa ibabaw ng kama niya habang nakatingin sa kaniya.
"Oh... Shan..." Nanlalaki ang matang sambit ko nang gumalaw ang ulo niya. Dahan-dahan siyang nag-mulat ng mata at umupo, inalalayan ko naman siya. "Kamusta? Kamusta ang pakiramdam mo, Shan? May masakit ba sa'yo?" Tiningnan niya muna ang paligid bago tumingin sa'kin. Umiling lang siya bilang sagot. Pinigilan ko naman siya sa akmang pag-tanggal niya ng oxygen niya.
"Okay lang ako, Rienne. N-Nakakahinga na 'ko nang maayos." Tiningnan ko siya nang maigi bago dahan-dahang tumango, hindi pa rin kumbinsido sa sinabi niya. "Medyo nauuhaw lang ako."
"Bumili na si Seryne." Kumunot ang noo niya.
"Seryne?"
"Yung kaibigan ko, yung kinukwento ko sa'yo na laging kasama ni Jenine? Tanda mo na?" Hinintay ko pa ang sagot niyang pag-tango bago ngumiti sa kaniya. "Mabuti naman at okay ka lang, gaga ka. Pinag-alala mo kaya kaming lahat." Ikinunot kong muli ang noo nang balikan sa isip ko ang nangyari kanina.
"Lahat?" Takang tanong niya pa.
"Oo, kasama ko mga kaibigan ko kanina nung makita ka namin. Kasama rin namin si Claude tapos yung kapatid niya, kilala mo 'yon 'di ba, si Zam?" Bahagya siyang ngumiti. "Hays... ano ba kasing nangyari sa'yo at naghihingalo ka ro'n?" Nanahimik siya bigla, mukhang nag-bi-bring back memories na siya. "Bakit?" Curious na tanong ko.
Umiling siya. "Wala, nainitan lang ako... oo, tama. Ano... kasi naka-jacket ako — oh?" Tinuro niya pa ang suot niya ngayon.
"Halatang hindi ka pa rin nakaka-move on, ah. Suot mo pa rin 'yang binigay sa'yo ng ex mo." Pang-aasar ko pa't natawa. Umiwas lang siya ng tingin at dumiretso sa pinto, gano'n rin ako dahil nag-bukas 'yon.
Dire-diretsong lumapit sa'min si Seryne habang ngumunguya pa ng isaw. Ang isang kamay niya ay hawak ang cup na may lamang tatlo pang pirasong isaw, habang ang isa ay plastic na may laman na bottled water. Kinuha ko naman 'yon sa kaniya at binigay ang isa kay Shan. Naka-oxygen siya ulit at hawak ang ulo niya.
"Gusto niyo?" Pag-alok niya sa kinakain. Binaling ko na lang ulit ang tingin kay Shan.
"May masakit ba sa'yo? Masakit ang ulo mo?" Nag-aalalang aniya ko.
"Tatawag ako ng nurse?" tanong rin ni Seryne pero umiling lang si Shan at tiningnan ang hawak niya.
"Ang... ang baho," sambit niya. Ikinumpas pa niya ang kamay niya.