PROLOGUE

697 63 61
                                    

PROLOGUE

Please be advised that this story contains TRIGGER WARNINGS, sensitive content, mature themes, and strong language that are not suitable for very young audiences.

The art is not mine credits to the owner<3

DISCLAIMER : This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, eventsincidents are either the products of the author's imagination or used in a fictional manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. THIS STORY IS JUST FANFIC. 

---

NATASHA POV

Ano nga ba ang kahulugan nang buhay para sa isang tao? ano nga ba ang saysay nang tao sa mundo? bakit may mga ordinary na tao at meron naman mga taong may kapanyarihan. ano nga ba ang silbi ko sa mundong ito bakit ako nabuhay? 

minsan ba napapatanong din kayo sa sarili niyo kung bakit kayo nasa mundo? totoo nga bang may kahulugan ang ating buhay kaya tayo sinilang? sa totoo lang Wala ng bago sa buhay ko, mula nagkaisip ako dito ako napunta sa aking tita at tito. wala rin naman akong mapupuntahan kaya kahit mahirap tinitiis ko. 

kasi normal na tao lang naman ako wala naman akong kapanyarihan, hindi rin ako mayaman. kung mayaman lang sana ako kaya kong gawin lahat nang gusto pero hindi eh. walang mag-babago kahit lumuha ako nang dugo. 

hindi ko alam kung bakit napaka-untrust sakin nang tita at tito ko, May anak din sila na si marga na nagiging reyna sa tuwing umaalis sila tita at tito at naiiwan kaming dalawa.

Hindi kona naabutan ang mga magulang ko pero palagi kong naririnig kay tita at tito na dapat hindi nila ipaalam sakin na ang mga magulang ko ay mga engkanto, hindi naman ako maniniwala dahil kung totoo iyon edi sana kinuha na ako ng mga magulang ko edi sana sinama nalang nila ako.

Hindi katulad ngagon naghihirap ako sa mga kamay ng aking sariling angkan.

dahil para sakin wala nang engkanto sa panahon ngayon dahil anong taon na baka kung ano ano na lang ang gawin nila lalo na ngayon na maraming gumagawa nang edit, ieedit lang nila ang isang bagay para masabing katotohanan.

Malaki ang galit ko sa magulang ko, sinisisi ko sila sa tuwing may nanyayari sakin na hindi maganda. Kasi kung kasama kolang sila na umalalay sakin sa pag laki ko edi sana hindi ako naghihirap. 

Hindi ako naiinggit sa tuwing parents ang usapan, edi sana sila ang nagsasabit sakin ng mga medal ko sa school.

Life is unfair. Lalo na sakin. Alam kong hindi ko dapat sinisisi ang magulang ko pero ayun ang ginagawa ko. Wala akong masisi kundi sila. I'm still student and I'm only 18, hindi na ako nagdebut o kahit na ano basta 18 na ako ganon. Ni hindi nga ako naghanda para sa birthday ko dahil tinitipid ko talaga.

tinitipid ko kasi wala naman gumagastos para sa pag-aaral ko. kailangan ko pang mag part-time job para lamang may pangtustos sa kakainin ko. kahit na minsan wala na akong makain basta may bahay na tinutuluyan, okay na sakin yon. basta ang mabuhay ako. 

kahit na minsan iniisip ko 'na sana hn=indi na lang ako binuhay.

---

napasinghap ako nang buksan ni tita ang kwarto ko at hinila niya ang aking buhok dahilan oara mapakapit ako sa sheet nang kama ko. "Wala kana ngang ambag dito sa bahay nagawa mo pang makipaglandian sa kaklase mo?" Sigaw ni tita habang pinapakita sakin ang edited na picture namin ng kaklase ko. ayan na nga ba ang sinasabi ko. ang edit na yan puro edit na lang. 

Kasalanan ko nanaman, ni hindi man lang nila pakinggan ang side ko. Porket ba sila ang tumayong magulang ko dapat na nila akong pagsabihan ng ganito? sila lang ang tumayong magulang ko pero hindi sila ang nagpapakain at nagpapaaral sakin. mabuti na nga lang may lakas pa 'rin sila nang loob pag sabihan ako nang ganyan.

The Enchanted Casita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon