05

428 54 276
                                    

We're here now for dinner and I'm still silent
How did that happen ?! Carmen and I are sisters




"We have been looking for you for a long time" my mother would have held my hand but I avoided I knew they were all looking at me but I wasn't comfortable
Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa sitwasyon na ito kailangan ko sila, pero ang awkward sa feeling.



"After 18 years hinanap niyo talaga ako? Hindi ako naniniwala after 18 years na pangungulika hinanap niyo talaga ako? Sa tingin niyo maniniwala ako?" wala sa sariling sagot ko Ramdam ko ang paghawak sakin ni mirabel





"Ate natasha ikaw pala ang aking kapatid matagal kana na-" hindi natuloy ni carmen ang sasabihin niya ng tignan ko siya nang masama



"Hindi ko kaylangan marinig ang kaplastikan mo" sabi ko
Oo gusto kong magkaroon nang pamilya pero hindi sa gantong paraan hindi ganitong unexpected ang nanyayari, namumuo na ang luha sa mata ko habang hindi nadin napigilan ni carmen at agad siyang tumalikod at umiyak.





"calm down natasha" sabi ni camilo umayos ako at saka huminga ng malalim



"Naghirap kaming hanapin ka natasha makinig ka naman samin anak"


Bahagya akong napatayo at halos tumulo na ang aking luha
Sa galit ba o sa sakit?



"Kung alam niyo lang din ang paghihirap ko! Halos magpulot nako nang basura upang makakain lamang ako at halos isugal kona ang buhay ko para lamang makipaglaban sa angkan natin! At nagkakasakit ako walang tumutulong sakin, hindi ako galit nasasaktan lamang ako matagal kong hinintay ang araw na magkaroon ako ng ina, ama at kapatid" i said while sob now



"Lagi akong napapatanong ganon ba ako kasama? Sa tuwing nakakakita ako ng masasayang pamilya napapatanong ako masaya ba? Napapaisip ako palagi kung ano kaya 'yong nagawa ko sa buhay ko? Kasi okay naman 'yong mga tao sa paligid ko. They have a Family at the right time. Masaya sila, p-paano naman ako?" Nanginginig na ang kamay ko sa panghihina, nalabas ko lahat ng hinanakit ko, agad napatayo si camilo at hinila ako para sa isang comforting embrace.


"Anak.. anak ko.. patawarin mo kami.. patawarin mo kami kung ngayon lang ulit tayo'y nagkita... patawarin mo si nanay anak, ilan beses kitang hinanap ngunit hindi ka mabigay bigay sakin ng tita mo dahil nga'y natatakot sila na maengkanto ko sila, anak.. matagal ko ng hinihintay na makasama ka, ang ama mo ay taga dito. Sa encanto habang ako taga lupa, nag-ibigan kami hanggang sa nabuo ka nga namin lumaki kadin dito sa encanto at nung 5 years old kana pumunta tayo sa mundo ng mga tao ngunit sa masamang palad ay nalaman ng angkan natin, isang gabi habang yakap yakap kita at natutulog ako, kinuha ka nila sakin hanggang sa hindi na kita nakita, halos magluksa nako sa sakit at mabaliw habang gusto kitang angkinin dahil anak kita ngunit pinagbubuntis kona noon si carmen"



Mangiyak ngiyak na sambit ni mama medina, hindi ko mapigilan ang sarili ko at dahan dahan kumawala sa yakap ni camilo at tumakbo sakanya at niyakap siya ng mahigpit

"Ina.. ina ko" iyak ko habang yakap yakap siya ng mahigpit, naramdaman ko din ang yakap niya kung kaya't lalo akong naiyak


Ilan years kong hinintay to, ilan araw, taon At minuto ang hinintay ko
Isang yakap ng ina.


✭ ✭ ✭ ✭


Nandito nako sa kwarto ni mirabel, halos hindi padin mapigil ang luha ko lalo na ng ibalita sakin ni ina medina na namatay na ang aming ama ni carmen dahil sa pagliligtas sakin sa mundo ng tao, nasaksak siya at hindi siya lumaban dahil hawak ako ng masasamang tao at paglumaban siya ay mamamatay ako.




The Enchanted Casita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon