24

176 39 0
                                    

"Matagal tagal nadin nung huli kong kita kay josé medjo kahawig niya ang inyong abuelo" pagpapaliwanag samin ni abuela agad akong ngumiti










"Huwag kayong mag alala siguradong dito nalang si josé" wala sa sarili kong sambit sakanila kaya napatingin sila sakin na gulat din pero tumango sila kung kaya't nakakuha ako ng confidence








"Magaganda ang tanawin at lugar dito kung kaya't mahihikayat na tin siyang dumarito na lamang" sabi ni Mirabel kaya tumango ako pang sang ayon







"Isabella pwede kang gumawa ng isang flowers na maganda upang sa magandang style" sabi ni carmen kaya napatango kami saka ng apir kami ni carmen






"Hindi talaga ako nagsisisi na may apo akong katulad niyo" nakangiting sabi ni abuela at napapunas pa siya nang luha kaya agad namin siyang niyakap ni Mirabel Syempre kasama nako sa apo





✭ ✭ ✭ ✭





KINABIGAHAN



"Dagdagan modin sakin" sabi ni camilo May binili pala si Dolores na nail polish at pinag-prapractican niya si camilo at yung iba pa






habang ako nagbabasa lang nang libro na bagong bili sakin ni camilo, Kagani kagani lang






"Hindi pantay" rinig kong sabi ni camilo kaya napatingin ako at hinihipan hipan niya yung kuko niya
Kaya ngumiti ako






"Halika natasha gusto kong subukan ang iyong kamay dahil maganda" sabi ni Dolores kaya ngumiti ako saka tumayo
Napatingin ulit ako kay camilo na hinihipan parin yung nail niya habang nakatingin sakin, Agad akong naupo at binigay kay dolores yung kamay ko



"Maganda sayo ang yellow at red" sabi ni Dolores kaya napatango ako Agad niyang inayos ang aking kamay habang nagbabasa parin ako Maganda ang kwentong binabasa ko ngayon Hanggang sa may bigla akong naisip






Paano kaya nagkilala sila tia pepa saka tio felix saka si tia julieta at tio agustin





"Dolores alam moba kung paano nagkakilala sila tìa pepa at tìo felix?" Sabi ko
Agad napatingin sakin si Dolores saka umiling






"Hindi ko kase matandaan nung bata pa ako may nakwento non si ina kaso lang nawala din sa isip ko" sabi ni Dolores sabay kinuha yung isang kamay ko





"Bakit gusto mong malaman?" Sabi naman ni josé agad akong napatingin sakanya na seryoso






"wala, gusto kolang malaman" i said sabay basa ulit nang libro





Lumipas din ang ilang minuto at natapos nang ayusan ni Dolores ang mga fingernail ko
Agad kong tinignan at nagandahan nga ako hindi siya gaanong makulay dahil ang taste ko kumbaga puro soft baby color ang gusto ko katulad ngayon yellow and red na kinaganda niya



"Ang galing mo na" sabi ko sabay ngumiti kay Dolores agad din siyang ngumiti saka ng kibit balikat
Agad lumapit si josé at pinicturan yung kamay ko






"Pwedeng tumayo ka" pag-uutos ni josé syempre ako naman tong uto uto kaya tumayo ako pero nakasimangot





"Smile 1...2...3 (click)"agad na lumabas na ang litrato ko kaya't tumabi ako sakanya at tinignan Napangiti ako kase parang 90s camera Vintage siya kung kaya't parang nasa sinauna ka.





"Ehem" napangiti kami nang sabay ni josé kay camilo na seryoso nang nakatingin samin kaya tumabi nalang ako kay camilo


Masyadong seloso my hubby




"Halina kayo dito sa lamesa at tayo'y kumain na" rinig namin sabi ni abuela kaya agad hinawakan ni camilo ang kamay ko upang itayo
Sabay kaming tumayo saka pumunta na nang lamesa
Napapatingin ako kay tia pepa habang nakikipagkwentuhan kay tio felix At kay tia julieta din saka tio agustin
Paano ba sila nagkakilala?!






"Ayos kalang ba?" Napatingin ako kay camilo agad akong ngumiti saka tumango






Mukha ba akong hindi ok? Seriously lang ako kung paano sila nang kakilala





"Tìa pepa at tìa julieta saan daw ho kayo ng kakilala nila tìo felix at tìo agustin sabi ni natasha" sabi ni carmen kaya agad akong napatingin sakanya






"Wag monga basahin iniisip ko" pag papagalit ko kay carmen







"Inutusan lang ako ni camilo" sabi ni carmen kaya napatingin naman ako kay camilo na humigop ng juice at nagmamadali pa acting innocent tss tss






Agad tuloy akong napatingin kila tia pepa at tia julieta
Nakangiti naman sila kung kaya't ok lang siguro





"Bakit kaylangan malaman yung sinaunang pagkakakilala nila?" Sabi ni josé kung kaya't agad siyang binatukan ni isabella





"Kung kami ni my dear felix ang tatanungin niyo ikwekwento ko" sabi ni tia pepa kaya napatingin ako nang seryoso





"Nung ako'y 11 years old inaasar ako nang mga tao non dahil may cloud daw sa aking ulo kaya umiyak ako nun at halos umulan na Tumakbo din sila bruno at julieta non at nung hapon na yon tanging ako lang mag isa pero may isang lalaki akong nakita na sumasayaw habang nakatingin sakin" sabi ni tia pepa






"Tapos bigla ka niyang inaya agad nang kasal?" Sabi ni ricardo kaya agad siyang tinignan namin dahil nakasira siya ng moment Agad siyang ngumiti na awkward saka ng piece sign




"Pumunta ako dun sa lalaki halos lahat nang tao natakot dahil nga sa ginawa kong ulan na malakas
Kung kaya't nagtaka ako kung bakit may isang lalaki na sumasayaw Pag kalapit ko dun sa lalaki agad siyang ngumiti sakin at nagpakilala 'ako si felix' ang sabi niya kaya ngumiti ako saka nakipag shake hands sakanya agad niyang hinawakan ang kamay ko saka hinalikan at sabay kaming sumayaw sa ulan na aking ginawa" sabi ni tia pepa kaya napanganga ako saka hinawakan yung kamay ni camilo




"Love story talaga" sabi ko at agad na niyakap si camilo dahil parang naiiyak ako hindi ko alam kung bakit
Siguro dahil buntis ako nasasabay sa emotions ko.





"Ako naman nung 13 years old ako na ang nagiging doctor dito sa ating bayan hanggang ngayon naman
Marami ang nakapila na allergic, Pagkatapos kong ibigay ang ginawa kong gamot sa isang lalaki Ay naagaw pansin agad ako sa kasunod niya, Lalaking may salamin at siya ang lagi kong nakikita na tumutulong sa bayan agad ko siyang binigyan nang tinapay agad siyang ngumiti sakin at may naramdaman akong kakaiba" sabi ni tia julieta kaya nanlaki ang mata ko





"At nung panahon na yun lagi nakong dumadalo sayo upang makita ka kalang" sabi ni tio agustin kaya ngumiti ako kase alam kona yung love story nila




"Ako nga nahanap kona yung babaeng gusto ko ang kaso lang ikakasal na pala" sabi ni josé kaya agad siyang binato ni camilo






"Jokelang." Sabi ni josé sabay tumawa

The Enchanted Casita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon