MARRYING MR. BILLIONAIRE (Part Four)
Zianna Pov's
Nagpipigil tawa ako habang nakatingin kay Zech na parang binagsakan ng langit at lupa.pft!
"Ang galing mo magluto sa sobrang galing muntik ng masunog buong kitchen"mahinang saad ko na nagpipigil ng tawa.
"Shut up Zianna"saad niya at tinignan ako ng masama.
Pano ba naman nanghamon ang loko na siya na daw magluluto ngayong umaga pero abot hanggang kwarto ang amoy ng nasusunog tapos naabutan ko dito sa kusina sunog yung oven HAHAHAHAHAHA LT.
"Tsk! Kasalanan ng oven yan,sinunog niya yung pagkain na niluto ko"he said,sinisi pa si oven amp HAHAHAHA
"S-Sige na ako na magluluto"pigil tawa kong saad.
Napaisip naman ako bigla,hindi ko din siya masisisi,masyado siyang mayaman para mag aksayang matuto magluto.
"Tsk! Alam kong natatawa ka,go ahead,tumawa ka lang tignan natin kung masarap kang magluto"inis nitong saad.
"Kalma Mr.Billionaire,umupo ka,watch and learn"i said then winked at him,napaiwas naman siya ng tingin kaya napasimangot ako.
Niready ko na ang lahat ng ingredients na kailangan ko at nagsimula ng magluto,tinignan ko muna si Zech na hindi pa din tumitingin sakin,masyadong madamdamin ang isang to hmp!
Dalawang araw ko na siyang kasama dito sa Korea at masasabi kong hindi na ako naiilang sakanya simula ng magkasama kaming matulog,ewan ko pero parang kilalang-kilala ko na siya noon pa lang.
Siya yung tipo ng taong seryoso kapag nasa labas o kaharap yung tauhan niya,napaka-bossy,pag tinignan siya ng marami sobrang perpekto niya,pero kapag kami lang dalawa nakikita ko yung mga side niya na hindi makikita ng iba.
Napaka-isip bata niya,mahangin,sweet,makulit at ang kinaiinisan ko ay ang pagiging mapang-asar niya.
"Hoy pandak! Matagal paba yan?"tanong niya napairap naman ako,yan ang kinaiinisan ko ang tawagin akong pandak duh! Cute size tawag dito psh!.
"Opo mahal na hari saglit lang"sarcastic kong saad.
Simple lang ang niluto ko.lutong kakainin kapag breakfast na,gumawa din ako ng dessert para may panghimagas,nilapag ko na ito sa table at ang loko lumamon agad hmp!
"We will go home to the philippines tomorrow"saad nito na nagpasigla sakin.
"Talaga?"
tumango naman ito,yieee makikita kona ulit si papa.
"Pack all your things,mamaya byahe natin"he said na nagpatayo sakin.
"Tapos nako kumain,hahanda na ako para ready na mamaya"saad ko at dali-daling pumunta sa kwarto.
Gusto ko na talaga umuwi dahil namimiss ko na si papa,hindi kasi ako sanay na malayo sakanya lalo na't ngayon na may sakit siya.
FAST FORWARD...
Nang makarating kami sa Pilipinas pumunta agad ako sa bahay namin nauna akong lumabas sa kotse at susunod nalang daw si Zech dahil may biglang tumawag sakanya.
Pagpasok ko sa bahay ay bumungad sakin ang isang malutong na sampal,gulat akong napatingin sa step mom ko.
"HOY BABAE BAKIT HINDI MO SINABI SAKIN NA KINASAL KA NA?AT KAY MR.ALINSKY PA HINDI MO MAN LANG KAMI INIMBITA?! AT TSAKA BAKIT KA PINAKASALAN NG MAYAMAN NA YUN?! NAGPABUNTIS KA SIGURO NOH!!"sigaw nito sakin
"Ay sure yan mah sa sobrang landi ba naman ng babaeng yan"dugtong ng kinakapatid ko,napahawak ako sa pisnge ko dahil sobrang hapdi nito.
"MANA KA TALAGA SA INA MONG MALANDI,KATING KATI KANA SIGU---"
"How dare you say that to my wife"seryosong saad ni Zech na nasa likuran ko.nagulat naman ang step mom at step sister ko.Lumapit sakin si Zech at hinawakan ang pisnge ko.
"I'm sorry Mr A---"
"Shut up!!get out of this house you have no right to live here"Galit na saad ni Zech,hinawakan ko naman ang kamay niya para patigilin siya.
"Mr. Alinsky sa amin ang bah--"
"No,this is my house,I bought this house for Mr. Falcone, and based of your attitude you have no right to live here"he said at pinakita ang pisnge ko.
"Pack all your things and get out of this house now!!"he said,nandun na naman ang authority sa boses nito.
Tinignan mo na ako ng masama ng step mom at step sister ko bago umalis sa harap ko.
"Zech hindi mo na dapat ginawa yun"nakayuko kong saad,pinaharap naman niya ako sakanya.
"No,my job is to protect you,ayaw kong saktan ka ng kahit sino"malumanay na saad nito then he kissed my forehead.
Because of what he said may naalala akong isang tao,pero impossibleng siya yun.
PAGKATAPOS ng nangyari,pinuntahan ko na si papa at si Zech naman nagpaalam na dahil may emergency sa company nito,sinabi niya ding pwedeng dito ako matulog kay papa ng dalawang araw at pagkatapos nun uuwi na kami sa magiging bahay namin.
-
KINABUKASAN maaga akong nagising dahil may pasok pa ako,apat na araw na kasi akong hindi pumapasok kaya kailangan makahabol ako sa lesson.
Hindi na ako nagpahatid sa personal driver ni Zech dahil ayaw kong pagtinginan ng mga tao.
Ngunit pag pasok ko pa lang sa school bumungad sakin ang bulungan,at ako yung pinagtitinginan.
Psh! Nakalimutan kong naka live pala yung kasal namin nun ni Zech.
Nang nasa locker na ako may biglang bumato sakin ng basang papel,tinignan ko ito at nagmula sa isang campus bubuyog sa school namin psh!
"Hey dear balita ko kinasal kana at sa isang bilyonaryo pa"panimula nito
"Ah baka buntis"
"oh di kaya nagpabuntis ew"As usual ay kasama nito ang mga alipores niya at ang boyfriend niyang kapre.
"Maganda yung araw ko kanina pero pumangit nung kayo agad sumalubong sakin,BTW Kim kumusta naman ang pabago bago ng lalaki,masaya ba?"mahabang saad ko na kinainis niya,tinignan naman ako ng boyfriend niya kuno.
"Aba matapang ang isang to ah"saad nito,magsasalita pa sana ako ngunit may bumato sakin ng itlog at sunod-sunod na ito,napaatras nalang ako at akmang tatakbo na pero hinarangan ako ng ibang studyante,shet! ang dami nila.
"Yan bagay sa malandi"
"Si Zech pa talaga pinuntirya"
"Slut"
"Bitch"Anong gagawin ko?hindi ako makaalis dahil ang dami nila.
Ito ata kabayaran sa pagpapakasal sa isang sikat na bilyonaryo.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Billionaire (SHORT STORY)
Historia CortaTungkol ito sa babaeng magpapakasal sa isang bilyonaryo dahil sa malaki ang utang ng kanyang ama. WARNING(!):This story contains grammatical,typos,and erros.If you're looking for a story with a correct wording,grammar,and spelling,this story is not...