Chapter One

21 4 0
                                    

....

Huminto ang isang karwahe sa pamilyar na bahay, halos tumalon ako sa tuwa nang makita si Mr. Kirke na naghihintay na nakangiti sa pintuan.

Naalala ko ang araw na kinuha niya ako sa kanyang malugod na mga bisig, sa edad na apat na taong gulang, na walang mga magulang ang buhay ay maaaring napakahirap para sa akin, ngunit binago ng lalaking ito ang lahat sa pamamagitan ng pagpapalaki sa akin kasama ang pagpapalaki sa sarili niyang apo. Namiss ko siya ng husto sa nakalipas na tatlong taon, ang paninirahan sa France kasama ang aking Tita ay isang napakaganda na karanasan.

"Gwen" ngiti niyang sinabi at naglakad ako papunta sakaniya at niyakap siya.

"Namiss kita ng sobra Gwen" niyakap ko siya ng mahigpit, hindi pa rin siya nagbabago

"Halika na sa loob" ngising sabi niya, ang sarap sa pakiramdam kapag may taong nagmamahal sayo.

Gayunpaman isang bagay ang naguguluhan sa akin, hindi ko pa nakikita ang aking matalik na kaibigan. Nag usap kami tungkol sa aking mga natutunan, tungkol sa kung paano ako 'lumaki nang husto' gaya ng sinabi niya, at tungkol sa aking buhay sa France. 

"Nasaan si William" tanong ko habang natigilan kami sa aming pag uusap, tumingin sa akin ang matanda na may mahinang ngiti, kitang kita niya sa mukha ko ang sama ng loob na wala siya doon para batiin ako sa aking pagdating.

"Ang alam ko ay-" Naputol si Mr. Kirke ng bumukas ang pinto.

Nilingon ko ang aking ulo upang makita ang isang lalaking nababalutan ng niyebe.

"Gwen?" gulat niyang sinabi habang iniangat niya ang ulo niya.

"Pumpkin?" ngiti ko

Tumayo ako at lumapit sa lalaking halatang nilalamig

"Labis kong ikinalulungkot na hindi ako pumunta dito sa iyong pagdating" sabi niya habang tinatanggal niya ang kaniyang jacket at hinila niya ako sa braso niya upang yakapin ako.

Lumayo kami sa isa't isa at ang kaniyang mga mata ay tinitignan niya ang aking kulay asul na damit, isang espesyal na ginawa para sa akin ng isang taga-disenyo sa France. 

Naisipan ko na huwag ko muna sabihin sakanila ang karanasan ko sa pagmomodelo sa France.

Ilang minuto na ang nakalipas at pareho kaming natigilan sa paguusap dahil sa malakas na katok sa may pinto.

Sumama ako kay William para tignan kung sino yung kumatok at ngumiti siya ng makita niya ang babae na hindi ko pa nakilala.

"Kirsten" ngumiti ito at mas lalo pang binuksan ang pinto para makapasok siya

Habang siya ay pumapasok biglang nagtumagma ang aming mga mata at ito'y nagkunot ng kaniyang noo. Halos mapahiya ako, parang wala akong karapatan na tumira sa sarili kong tahanan.

"Kirsten siya si Gwen, Gwen siya si Kirsten" ngiting sabi ni William

Inabot ko ang aking kamay, at masaya niya din itong kinuha.

"Nagagalak ako na makilala ka Kirsten" sabi ko sakaniya at tumango siya.

"Ikaw din Gwen, marami na akong narinig tungkol sa iyo kay Pumpkin" 

Natigil ang isip ko nang gamitin niya ang palayaw na 'Pumpkin', ang palayaw na ibinigay ko sa kaniya noong kami ay mga bata pa.

Nagpasya akong lumayo nalang sa sitwasyon na kinakaharap ko.

"Kailangan ko ng pumunta sa aking kwarto at ayusin yung mga gamit ko, ikinalulungkot kong naabala ko si Pumpkin, ikinagagalak kong makilala ka Kirsten" Ngumiti ako at nagsimulang maglakad papalayo sa kanilang dalawa.

"Sumama ka sa amin, pupunta tayo sa kanilang bahay" Hinila niya ako pabalik, ramdam na ramdam ko ang lamig nang kaniyang kamay dahil sa kaniyang biglaang paghawak.

"Paumanhin William, pagod na pagod ako sa mahabang biyahe ko" sabi ko ng may mahinang ngiti, at tumango lang siya at lumingon kay Kirsten.

Nakita ko sa aking mga mata na malagkit ang kaniyang tingin sa napakagandang babae, sa hindi ko malamang dahilan ay nakakaramdam ako ng selos.

Agad na akong umakyat sa aking kwarto para hindi ko na sila makita.

Inayos ko ang mga gamit ko at gumugol ako ng maraming oras dahil sa pag aayos ng aking mga damit at gamit na aking iniuwi.

Ang araw ay lumubog na at ang buwan at bituin ay kitang kita sa langit.

Umupo ako sa may upuan malapit sa may bintana at tumitingin sa malawak na kalangitan. Habang nasa France ako ay tumitingin, ako sa langit para sa kaginhawahan.

Napatigil ako sa pag iisip ng biglang bumukas ang pinto.

"Pumpkin?" tanong ko pagpasok niya, ngumiti siya at umupo sa tabi ko.

"Namiss kita ng sobra" sabi niya at nilagay niya ang kaniyang ulo sa aking balikat.

"Ako rin namiss din kita ng sobra sobra" sabi ko sabay ngiti ko sakaniya.

"Pasensya na kung hindi ako nakakapag padala sayo ng mga sulat, dahil minsan nauubos yung oras ko" dahil sa sinabi niya ay nagdulot ito ng pananakit ng aking dibdib.

Naalala ko yung araw na tumigil siya sa pagsusulat, akala ko nakalimutan na niya ako.

"Akala ko nakalimutan mo na ako" bumuntong-hininga ako habang tumitingin ako sa mga bituin.

"Paano ko makakalimutan ang best friend ko?" umupo siya ng maayos at sabay nginitian ako at hinawakan ang kamay ko. 

"Meron akong regalo para sayo" sabi ko habang nakangiti, dali dali akonh pumunta sa lamesa ko at sinundan niya ako.

"Pikit mo mga mata mo" sabi ko sakaniya, na ginawa niya din agad. 

Inilabas ko ang isang libro.

"Alam ko na gustong gusto mo itong libro na ito" sabi ko at inilagay ko ang libro sa kaniyang kamay.

"Moonlight" binasa niya na halos kumikinang ang mga mata niya.

"Salamat Gwen" tumalon siya sa tuwa at hinila niya ako at niyakap ng mahigpit.

"Nagdala ako ng maraming regalo, ang ilan ay maaari kong ibigay kay Kirsten? may mga kapatid ba siya? Kaibigan?. Mayroon akong mga damit na halos di na ginagamit" nauutal ako habang nagsasalita, napagtanto ko na ginagawa ko iyon at napatigil ako dahil sa kahihiyan.

"Ang cute mo pa rin hanggang ngayon" sabi niya habang naka ngisi siya, dahilan kung bakit ngayon ay ako'y namumula.

"Thank you Pumpkin" napahagikgik ako at ipinatong ko ang aking kamay sa kaniyang balikat. 


Tales of the HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon