Chapter Fourteen

2 2 0
                                    




"Alam mo ayaw na ayaw ko yung ganiyang tinitignan mo ako William" saad ko habang inaayos ko ang damit ko, ngayon ay pupunta kami sa isang bayan kung saan gaganapin ang isang event, at alam ko na ayaw ni William ang ganitong mga event at ako din pero ito yung tamang panahon para makita ko muli ang dati kong mga kaibigan, at alam ko din na pupunta ang aming mga kaibigan kaya ang saya saya ko, ang ayaw lang namin sa tuwing may event kaming pupuntahan ay may mga guests na pinapakita nila kung gaano sila kayaman, at kami ni William ay hindi namin pinapasikat ang aming kayamanan, umupo ako sa tabi ni William nung pagkatapos ko na ayusin ang mga damit ko sa aking bag na dadalhin.

"Lahat ng lalaki doon ay tumitingin sila ng magiging asawa nila" saad niya habang siya ay tumatawa.

"Maswerte pala ako" saad ko sakaniya.

"Madaming mga lalaki ang lalapit sayo Gwen, at ang ganda mo" saad nito kaya bigla biglang namula ang aking pisngi.

"William alam din natin na ang lahat ng babae ay lumalapit sayo sa tuwing pumupunta tayo sa mga events" sabi ko dahilan para humagikgik siya at dali dali niya akong niyakap.

"Ano gagawin ba natin ang dati nating plano?" tanong niya, ang dating plano namin ni William ay pag pupunta kami sa iba't ibang events ay magpapanggap kami na may gusto kami sa isa't isa para walang lumapit sa amin na mga lalaki at babae pero ngayon ay hindi ako sigurado kung gagawin ko ba o hindi.

"Siguro, depende kung may makita akong lalaki na pde ko maging asawa" saad ko sakaniya at siniko ko ang kaniyang braso, ang alam ko ay tatawa siya pero bigla siya naging seryoso at hindi ko alam kung anong rason.

"Sisiguraduhin ko muna na ang mapapangasawa mo ay mabuti at mamahalin ka at hindi ka sasaktan" saad ni William.

"Andito na ang karwahe" sigaw ni Paps sa may labas, agad agad kaming lumabas sa bahay at inilagay ang mga gamit sa may karwahe.

"Mamimiss ko kayong dalawa" hinila niya kaming dalawa at niyakap kami ng mahigpit.

"Mamimiss din kita Paps" saad ko habang pasakay na kaming dalawa ni William sa may karwahe.

"Hindi na ako makapag-hintay na pumunta sa party" saad ni William habang siya ang nakatingin sa bintana ng karwahe habang kami ay bumabyahe.

"Nakalimutan ko na meron palang party" saad ko habang tumatawa, naalala ko na sa tuwing may party ay andiyan ang mga inumin at sa laging masaya kaya nakakamiss maging kabataan.

"Pakiramdam ko na byumahe tayo ng ilang araw" saad niya habang dahan dahan niyang inilapag ang kaniyang ulo sa aking balikat sabay kuha ng aking kamay.

"William, wag ka mag alala malapit na tayo" saad ko sakaniya at tumango naman siya.

"Gusto kita palaging kasama Gwen" saad ni William.

"Gusto din kitang kasama palagi William" isang malungkot na ngiti ang nasa aking mukha, alam ko na ang kaniyang sinabi ay sobrang mahalaga para sa akin habang ang sinabi ko sakaniya ay parang wala lang para sakaniya, pinayagan ko ang aking sarili na mahulog na sakaniya ng tuluyan kahit na alam ko na masasaktan ako dahil hindi niya ako gusto sa paraan na gusto ko siya.

"Sawakas andito na tayo" saad ni William, agad agad niyang iniunat ang kaniyang braso at lumabas na kami sa may karwahe, at agad agad na kaming pumasok sa may hotel kung saan muna kami ay tutuloy habang ang mga gamit namin ay kinukuha na ng staffs ng hotel at agad agad na naming kinuha ang susi ng kwarto para makapag ayos.

"Bat iisa lang ang kama?" bumuntong hininga ako, agad na tumalon si William sa may kama at nagkibit balikat siya.

"Parang hindi naman tayo natulog magkasama sa isang kama" saad ni William, alam ko na natutulog kaming dalawa ni William sa isang kama pero ngayon kinakabahan ako, nasanay naman ako na kasama ko siya matulog sa kwarto ko sa bahay na may mga bisita, katulong at ang aming lolo pero sa hotel hindi ko sanay na kasama siya matulog baka kasi may maisip ang mga tao, agad agad naman akong umupo sa kama at niyakap ako bigla ni William.

"Sana magsimula na ang party" saad niya dahilan para ako ay tumawa at tumango nalang ako bilang pagsangayon.

Naglakad kaming dalawa ni William papunta sa venue kung saan gaganapin ang party, at inihanda ko ang aking sarili dahil sa pagdating namin ay madaming atensyon ang mapupunta sa amin, alam ko na ang lahat ng bisita dito ay tatanungin ako kung maganda ba ang pamumuhay ko sa France, at alam ko din malaki ang ipinagbago ko simula nung napunta ako sa France.

Si William ay nakasuot siya ng tuxedo at aaminin ko na mas lalo siyang gumwapo, habang ako naman ay nakasuot ng pulang dress na at nagsuot din ako ng mga alahas.

"Gwen at kasama nya ngayon si William" sigaw ng lalaki habang kami ay pinapakilala niya sa mga bisita, naglakad kami ni William habang hawak hawak ni William ang aking kamay habang kami ay naglalakad sa may malaking hagdan pababa, lahat ng bisita ay nakatingin sa amin at hindi ako kumportable dahil dun, gayunpaman napagtanto ko na ang lahat ng bisita ay may mga ngiti sa kanilang mukha at guminhawa ang nararamdaman ko, ng nakababa na kami sa hagdan ay napagtanto ko na ang mga ibang bisita ay lumalapit sa amin at nagkahiwalay kami ni William dahil kinakausap siya ng iba at ako din ay kinakausap din nila ako patungkol sa France.

"So kamusta sa France?" tanong ni Kean habang kami ay umupo habang kasama niya ang kaniyang mga kaibigan, si Kean at ang kaniyang mga kaibigan ay sikat sa tuwing pumupunta sila sa mga events.

"Okay lang naman, plano ko na din umuwi ng maaga pabalik sa France" ngisi ko kay Kean at tumango naman ang mga kaibigan niya.

"Gusto ko din sa France, may business din kasi diyan ang tatay ko, sguro mabibisita kita sa darating na taon" ngisi ni Luke habang ang mga kaibigan niya ay nakatingin sakaniya na parang may galit sakaniya, si Blake ay mabuti siyang kaibigan at nagustuhan ko ang ugali niya dahil sa hindi siya nagsisinungaling at dahil siya din ay matulungin.

"Maganda yang naisip mo Luke, andiyan na pala si William" saad ko dahilan para tumingin ang mag kakaibigan kay William, umupo siya sa aking tabi at inakbayan niya ako dahilan para kumunot ang noo ni Luke at Kean.

"Kayo na bang dalawa?" tanong ni Nathan, sasagot na sana ako pero naunahan ako ni William.

"Oo" tawa niyang sabi, tumingin ako sakaniya na may galit sa aking mukha, habang ang magkakaibigan ay tumango na may pagtataka sa kanilang mga mukha.

"Magagalit ka ba pag inaya ko siya na sumayaw?" tanong ni Kean.

"Alam mo kasi pumunta talaga ako dito para yayain siya, kaya sa susunod na araw mo nalang siya isayaw" saad ni William habang kinuha niya ang kamay ko at umalis sa kinaroroonan namin.

"William! ano bang ginagawa mo?" sabi kong galit sakaniya at tumingin siya sa akin na may pagtataka.

"Eh ano yung sinabi mo kanina sakanila?" tanong ko sakaniya habang ako ay galit parin dahil sa ginawa niya.

"Nagbibiro lang naman ako Gwen" saad ni William, agad agad ako umalis pero patuloy niya parin akong sinusundan.

"Alam nilang nagbibiro ako" saad niya, ngayon ay galit na din siya.

"Hindi nila alam William! pinagmukha mo akong tanga, walang tayo William! at hindi hinding mangyayari yon." saad ko, ang sakit lang isipin na sinabi ko yon, tumingin ako sakaniya at nakita ko sakaniyang mukha na malungkot siya, at dahil sa sinabi ko ay dahilan para sumama ang loob ni William.

"Pasensya ka na Gwen, aayusin ko ang lahat" umalis siya sa aming kinatatayuan at ako naman ay umupo sa may sulok habang isang luha ang tumulo galing sa aking mata, kailangan ko siya, kailangan ko siya ngayon at habang buhay.

Tales of the HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon