Chapter Two

10 4 0
                                    

....

"Sa tingin ko kailangan na natin gumamit ng karwahe para madala itong lahat Pumpkin" sigaw ko sa kaniya.

"Maiksi lang itong lalakadin natin Gwen" ngiti niyang sabi.

Sinuri ko ang lahat ng damit na ayaw ko na muling itago pa sa kabinet dahil madami na akong damit. 

Napagpasyahan kong ibigay ito kay Kirsten at sa mga Kaibigan niya, dahil sinabi sa akin ni Pumpkin na silang apat ay magkakaibigan, lahat ay babae. 

"Sa tingin ko kailangan na natin ng karwahe" natatawa niyang sabi habang tinitignan niya ang dalawang bag na puno ng damit, sapatos, alahas, at iba pa na para kay Kirsten at sa mga kaibigan niya

"Sino ang nakakaalam na mayroon kang ganitong karaming gamit?" ngiti niyang sabi.

"Marami akong oras upang kolektahin lahat ng mga damit na gusto ko" sabi ko at nagkibit balikat ako.

Kumuha kami ng aming dalawang tauhan upang ilagay ang mga gamit sa karwahe para sa maikling paglalakbay patungo sa bahay nila Kirsten. 

Pagdating namin sa kanilang bahay, tatlo na tao ang nakatayo sa may pintuan, na hindi ko kilala, hanggang sa lumabas si Kirsten.

"Hello Kirsten, ikinagagalak kitang makita muli" ngiti ko, hinila niya ako sa isang yakap na hindi ko inaasahan pero tinanggap ko naman.

Lumapit ang tatlong babae at nagsimulang magpakilala.

Una ay isang blonde na babae, siya ay maganda.

"Hello ako nga pala si Luna" nakangiti niyang inilahad ang kaniyang kamay, nakipagkamay ako sakaniya at ngumiti.

"Ako pala si Gwen, ikinagagalak ko na makilala kita Luna" pinagmasdan niya ang aking kasuotan at nanlaki ang mga mata niya.

"Gustong-gusto ko ang iyong mga damit, ang ganda ganda mo" namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"Salamat, napakaganda mo din Luna" sabi ko at ngumiti naman siya.

"Ako si Kate, ikinagagalak kitang makilala Gwen, marami na kaming narinig patungkol sayo mula kay William" ngiti niya at tumingin ako kay William na kausap niya si Kirsten at ngumisi siya.

"Natutuwa ako na makilala ka Kate" nabaling ang atensyon ko sa isang babaeng mas tahimik sa iba ngunit kasing ganda.

"Ako si Gwen" sabi ko at umangat ang kaniyang mata upang makita ako.

"Ako si Ellie" ngiti niyang sinabi.

Isang matandang babae ang naglakad patungo sa amin, maganda ang kaniyang ngiti na sumalubong sa amin.

"Hello Gwen, ako si Mrs. Cursley, nanay ako ni Kirsten pero tawagin mo nalang ako na Mary, kasi yun din yung tawag nila sa akin" napahagikgik siya.

"Ikinagagalak kitang makilala Mary" sabi ko at niyakap siya ng mahigpit.

"Anong meron sa bag" sabi ni Luna, agad naman akong ngumiti.

"Kamakailan lang ay bumalik ako mula sa France, Mayroon akong ilang mga regalo para sa inyong lahat, at tinignan ko ang aking mga damit at ito ang mga nais kong ibigay sa inyo" lahat sila ay tumingin sa akin na nanlalaki ang kanilang mga mata. At inilagay ni Mary ang kaniyang kamay sa aking balikat.

"Hindi namin ito matatanggap Gwen, alam ko kung ilan ang mga presyo ng karamihan na mga damit na ibibigay mo lang sa amin" umiling ako.

"Hindi, madami naman akong gamit dun sa France, magtiwala ka sa akin at may alahas at sapatos pa, hindi ko talaga kailangan ang labis na halaga at tiwala sa akin, mayroon pa akong higit na sasapat para sa aking sarili sa bahay mula sa France, tinulungan din ako ni William kung kanino ko ibibigay yung regalo" sabi ko at ngumisi siya, at habang ang mga babae ay mukhang tuwang-tuwa sila.

Ipinasok namin ang malalaking bag sa loob ng kanilang bahay at umupo kami sa kanilang sofa.

"Karamihan sa mga damit na ito ay ginawa ni Riafa, sikat siya sa France, nakuha ko pa ang karangalan na makilala siya" Napangiti ako nang maalala ang mga araw na pagmomodelo ko sa lungsod ng Paris.

"Napakaganda nila at maganda ang pagkakagawa" sabi ni Kate habang tinitignan niya ang isang asul na gown na nakalagay sa kaniyang harapan.

"Hindi ako makapaniwala na binibigyan mo lang kami ng ganitong kamahalin na mga damit" Nakatingin pa rin si Luna sa isang bag na punong puno ng mamahaling mga gamit. 

Lumipat ang mga magkakaibigan sa isang bag kung saan ang nakalagay ay mga alahas na nasa kahon at mga sapatos, kung saan si Mary ay napa singhal.

"Malamang na mas mahal pa ito kaysa sa lahat ng mga damit na magkakasama" sabi ni Ellie habang may hawak siya na Sapphire Necklace.

"Totoo ba itong lahat?" Natulala si Luna dahil sa dalawang kahon na puno ng totoong mga alahas kagaya ng ginto, silver, emerald at sapphire na mga alahas, at ako nama'y tumango. 

"Ikaw ang pinakamabait na tao na nakilala ko" bulong ni Ellie at nginitian ko naman siya.

"Pakiusap, pumunta na tayo sa mga regalo, dahil hindi ko na kaya pag usapan ang mga damit at alahas" tumawa si William at si Kirsten naman ay tumango bilang pagsang-ayon.

"So ito ay para kay Ellie" sabi ko sabay abot ng makapal na libro patungkol sa musika.

"May nakilala akong isang composer sa France at alam ko na sa libro na iyan ay gawa sa puso yan, at sinabi din ni Pumpkin na gusto mo iyan" napahanga siya at niyakap ng mahigpit ang libro.

"Maraming salamat Gwen, sana balang araw ay makapaglaro tayo ng piano" kitang kita ko sakaniya ang kaniyang pasasalamat.

Pagkatapos ay kinuha ko ang mga libro na kinolekta ko sa France.

"Mayroon ako para sayo Kirsten, ilan sa mga aking kinolekta na libro galing sa France" Inabot ko sakaniya ang mga libro, ngumiti siya bilang isang pasasalamat at ako'y tumango pabalik.

"Ito ay suklay, mayroon itong mga tunay na perlas, sinabi ni William sa akin na gusto daw ito ni Kate" inabot ko sakaniya ang suklay at ang ngiti niya ay kasing liwanag ng araw.

"Ito lang ang pinakamagandang bagay na nakita ko, maraming salamat Gwen" sabi niya, at alam ko na magkakasundo kami ni Kate.

"At para kay Luna, meron ako dalawang regalo para sa kaniya" kinuha ko ang isang canvas mula sa may kahon at nangningning ang kaniyang mga mata.

"Ito ay isang piraso ng art at ginawa ito ni Claude Monet, siya ang pinakamabait at nag pinta na siya ng 10 paintings para sa akin" napangiti ako ng maalala ang mabait na lalaking nakilala ko sa France.

"Ito ang pinaka magandang painting na nakita ko" sabi niya na may ngiti sa kaniyang labi.

"At mayroon akong isang set dito ng pintura na ginawa lamang sa France, at alam ko ay magugustuhan mo ito" lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit.

"Maraming salamat" ngiti niyang sabi

"You're welcome" sagot ko.

"At para kay May, mayroon akong ilang mga pampalasa at herbs galing sa europe, tinitiyak ko sa inyo na madami na silang nailutong pagkain gamit yan" lumapit siya sa akin at niyakap ako ng mahigpit. 

"Salamat sa paggawa nito sa aming lahat" sabi niya.

Pagkatapos ko silang makilalang lahat ay nagsimula ako makaramdam ng pagod at napagtanto ko na si William at Kirsten ay laging magkasama halos parang kami dati, gayunpaman maaari kong pag isipan ito, at alam ko na ang pagseselos ay hindi tamang paraan para gawin.

Magkahawak kamay kami ni William pabalik sa aming tahanan, noon pa man ay magkahawak kamay kami ngunit sa pagkakataong ito ay iba ang pakiramdam.

"Salamat sa pagpapakilala mo sa akin sa mga kaibigan mo Pumpkin" ngumiti ako at hinigpitan ko ang paghawak ko sa kamay niya.

"Kaibigan na natin sila ngayon, my queen" inikot niya ako gamit ang kamay niyang nakahawak sa akin, bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa tinawag niya akong 'my queen', mula nang marinig niya ang tawag sakin ni Mr. Kirke sa edad na  anim na taong gulang, at ipinagpatuloy iyon ni William. 












Tales of the HeartsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon