CHAPTER 3

4 1 0
                                    

ARGUS POV

Sa Loob ng Palasayo

Naglalakad ako sa mahabang pasilyo ng palasyo habang nasa likod ko ang aking personal na kawal.

Sa bawat tatlong metro ng pasilyo ay may mga sulo ang nakabitin sa pader upang mailawan ang daan.

Tahimik na ang kabuuan ng palasyo sapagkat malalim na din ang gabi. Tanging mga yabag lang ng aking paa at ng aking personal na kawal ang maririnig sa kahabaan ng pasilyo.

Medyo may kalayuan sa aking kwarto ang silid ng Mahal na Hari kung saan siya ay tumatanggap ng bisita. Ang silid na iyon ay kung nasaan din ang trono na inuupuan ng Hari.

Tumigil kami ng aking kawal sa harap ng isang malaking gintong pinto.

Makikita sa gintong pinto ang iba't-ibang ginawa ng mga mahuhusay na arkitekto noong panahon na magawa ang palasyo.

Kumatok ang kawal sa pinto at inanunsyo ang aking pagdating.

"Mahal na Hari, nandito na po ang Mahal na Prinsipe." Saad ng kawal.

Binuksan niya ang malaking gintong pinto at ako ay naglakad papasok sa loob ng silid. Malawak ang silid, makikita sa bawat sulok ang mga gintong dekorasyon, nalalakihang mga kurtina na kulay bughaw at pula.

Makikita ang Mahal na Hari na nakaupo sa kaniyang trono sa gitnang dulong bahagi ng silid habang may nakalatag na pulang alpombra sa gitna ng silid na katapat ng trono ng Mahal na Hari.

Makikitang madaming ginagawa ang Mahal na Hari sapagkat kahit kalaliman na ng gabi ay kausap pa din niya ang kaniyang kalihim.

"Mahal na Hari, pinapatawag niyo po ako." Pagbati ko sa Mahal na Hari.

"Prinsipe Argus, may kailangan tayong pag-usapan." Saad ng Mahal na Hari sa akin.

"May magaganap na malaking pagpupulong kinabukasan ng umaga, at iniimbita kita upang dumalo sa pagpupulong na ito." Sabi sa akin ng Mahal na Hari.

Masaya ako ng marinig ko ang sinabi ng Mahal na Hari sa akin.

Sa wakas ay makakadalo din ako sa isang pagpupulong na kasama ang mga namamahala sa aming kaharian.

Isang malaking karangal sa akin ang mapasali dito sapagkat ito ang kauna-unahan kong pagpupulong na dadaluhan.

"Hindi lang iyon, may ipapagawa din ako sayong mahalagang bagay." Dagdag pa ng Mahal na Hari.

"Ano po iyon Mahal na Hari?." Hindi maitago sa aking boses ang tuwa na nararamdaman ko ngayon.

Sa wakas ay makikita na din ng Mahal na Hari ang aking abilidad sa mga ganitong bagay.

"Uuwi na si Prinsipe Aramis kinabukasan upang dumalo din sa pagpupulong." Saad ng Mahal na Hari.

Ang tuwang aking nararamdan kanina ay naglaho na parang bula nang marinig ang inanunsyong balita sa akin. Naguguluhan ako, bakit ngayon pa?!

"Nais kong samahan mo siya at maging gabay sa loob ng palasyo, sapagkat ilang taon din siyang nawala sa kanyang tahanan." Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi ng Mahal na Hari.

Ilang taon siyang nawala at naglaho na parang bula, wala man lang pasabi. Tapos ngayon basta-basta na lang siyang babalik. Ha!

"Malamang ay naninibago siya kaya nakikiusap ako na gabayan mo siya sa palasyo. Sabihan mo na din ang ilang katulong na uuwi siya upang maiayos ang kanyang silid tulugan. Sabihan mo din sila na maghanda ng magagarbong pagkain at ayusan ang bulwagan upang sa pagdating ni Prinsipe Argus." Tuloy-tuloy pa din ang pagsasalita ng Mahal na Hari.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 06 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Cave of Hope (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon