CHAPTER 1

22 2 9
                                    

CHAPTER 1


"Ate Calyssa! Saglit lang! Intayin mo ako!"


"Bahala ka na riyan Cosmo! Ang bagal mo tumakbo!" Magandang araw! Ako nga pala si Calyssa, labing siyam taong gulang. Isang simpleng babae na may imposibleng pangarap.


"Ate saan ba tayo pupunta at nagmamadali ka?" Ito nga pala ang nakakabatang kapatid kong si Cosmo.Lagi kaming magkasundo niyan. At kung saan man ako pumunta ay nakasunod siya sa akin. Ni ang sabi nga nina Inang at ni Itang hindi kami mapaghiwalay kahit nung mga bata palang kami.


"Anu ka ba Cosmo, malapit ng magtanghali hindi natin maabutan ang kwento ni Tandang Amelia"


"Pero Ate simula palang pagkabata natin lagi mong pinapakinggan ang kwento niya. Hindi ka ba nagsasawa?"


Simula ata noong nagkamuwang na ako ay palagi akong nakikinig sa matagal at laging ikinukwento ni Tandang Amelia. Ang kwento ng aming ninuno tungkol sa pakikipagsapalaran nila noong nawawasak ang aming mundo.


"Alam mo Cosmo, hindi ko alam pero hindi talaga ako magsawa-sawa sa kwento talagang yan ni Tandang Amelia. Intindihin mo na lang ako."


"Hayyy oo na ate"


"Salamat Cosmo! Papisil nga sa pisngi!"


"Ano ka ba ate! Tumigil ka nga malaki na ako!"


"Malaki na. Tuli ka na ba? Patingin nga kung tuli ka na!"


"Ano ka ba ate! Nasa pamilihan tayo! Tumigil ka nga!"


Tung!Tung!Tung!Tung!


"Hala! Ang orasan! Madali ka Cosmo tanghali na!"



*Sa Palasyo*


"Magbigay pugay sa mahal na hari!"


"Mahal na hari, masama na naman po ang lagay ng ating mga panananim ayon sa mga magsasaka.


"Sige magpatawag ng pulong kasama ang mga konseho."

The Cave of Hope (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon