PROLOGUE

19 2 2
                                    

PROLOGUE



Limangpung taon na ang nakakaraan isang magandang mundo ang napakasaya at napakaganda. Payapa ang makikita at maririnig sa kapaligiran. Luntiang paligid, ibong umaawit, at mga taong masayang namumuhay.


Ngunit dumating ang araw na natapos ang lahat. Ang dating masaya at magandang mundo ay nawala. Mga ibong nagsisiawit ay biglang naglaho, wala ng tao ang makikita sa paligid. At ang dating luntian na kapaligiran ay nagkulay abo at nawala na ng buhay.


Ang mundo naming inalagaan upang yumabong at gumanda sa isang kisap mata ay nabaon sa limot ng tuluyan. May magagawa pa kaya ako?


Pangarap kong ibalik ang dati nitong ganda. Pangarap kong marinig muli ang awit ng mga ibon. Pangarap kong makitang masayang namumuhay ang mga tao. At pangarap kong makita muli na maging luntian ang paligid.


Patuloy na lang ba akong mangangarap? Mananatili na lang bang pangarap ang isang pangarap? Hindi ko alam. Yan ang tanong na di ko mahanapanan ng sagot.


Hanggang sa isang araw, sa kabilang dulo ng kweba may nakita akong liwanag. Sa kabila ng kadiliman ng langit sumikat ang araw. Sa kabila ng kadiliman sa gabi nagpakita ang buwan at mga tala.


May pag-asa pa. May paraan pa para ibalik ang dati. Hindi ko alam kung paano. Hindi ko alam kung kailan at saan. Pero ramdam ko at naniniwala ako, maibabalik ang matagal ko ng inaasam.





Ang istoryang ito ay hango sa malikot na isipan ng manunulat. Isinulat at isinatitik upang ibahagi sa mga mangbabasa. Ang mga pangyayari ay kathang isip lamang. Mag-enjoy sana kayo sa istorya. Plagiarism is a crime punishable by law.

The Cave of Hope (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon