CHAPTER 2

16 2 9
                                    

CHAPTER 2

Calyssa POV

Nakita namin si Itay na papasok na ng bahay, mukang ngayon lang din nakauwi si Itay galing sa bukid. Nagmadali kami ni Cosmo upang salubungin si Itay para magmano. Lumabas din si Inay sa bahay upang salubungin si Itay.

"Andiyan na pala kayong lahat, oh Calyssa, Cosmo pumasok na kayo at maghain ng hapunan. Nang tayo'y makakain ng lahat."

"Opo Inay." tugon naming parehas ni Cosmo.

Pumasok na kami ni Cosmo upang maghayin ng hapunan gaya ng sabi ni Inay sa amin. Ang bahay namin ay isang kubo, ang pa-ilaw sa gabi ay mga lampara. 

Sa pagpasok ng bahay mapapansin ang malamlam na sinag ng ilaw na nagmumula sa lampara upang mailawan ang ihahaing pagkain sa aming lamesa at para makita ang daan sa loob ng bahay. 

Nasisinagan din ang ilang gamit malapit sa hapag-kainan, walang din kaming ganoong gamit na makikita sa loob ng bahay. Mga kagamitan lamang na talagang kinakailangan namin sa aming pang-araw-araw ang meron kami. 

Salat man kami sa buhay ay nagsisikap kami upang malagpasan ang bawat araw na dumadaan.

Pumasok sina Inay sa may bahay namin at saktong tapos na kami maghayin ni Cosmo ng mga pagkain.

"Inay, Itay kumain na po tayo." saad ko sa kanila. 

Umupo na sila sa lamesa, ang lamesa namin ay kwadrado nasa dulo si Itay, katabi ni Itay sa kanan ay si Inay at ako naman sa Kaliwa samantalang katabi ko naman si Cosmo.

Tahimik ang unang minuto ng aming pagkain ng basagin ito ni Itay at inanunsyo ang masamang balita.

"Nawawasak na naman ang ilang pananim, madami na ang namatay. Mukhang mahihirapan muli tayo ngayong taon, ito na ata ang pinakamahirap na taon ang dadaan sa atin. Hindi pa nag-uumpisa ang taglagas ngunit namamatay na ang mga pananim sa bukid, nangangamba na din ang palasyo ng dahil sa problemang ito." malungkot na saad ni Itay, mapapansin sa boses niya ang pag-aalala.

Hindi man nagsasalita si Inay ngunit mapapansin din sa kanyang mukha ang matinding pag-aalala. Tahimik man kami ni Cosmo ngunit ramdam namin ang tensyon sa hapagkainin ng sabihin ni Itay ang masamang balita.

"Kinakilangan na nating mag-ipon ng mga pagkain natin para sa dadating na tag-lamig." saad ni Inay "Calyssa, Cosmo" tawag sa aming dalawa ni Inay, sa tingin pa lamang ni Inay sa amin ay alam na namin ni Cosmo ang ibig iparating sa amin ni Inay. 

"Opo Inay" sabay na tugon namin ni Cosmo. 

Ako man ay nalulungkot sapagkat ang mga libreng oras namin ni Cosmo simula bukas ay mapapapunta na sa pagtulong kay Inay para mag-ipon ng mga pagkain. Mukang matatagalan ako upang marinig uli ang kwento ni Aling Amelia.

Naalala ko ang mga panahon na naghihirap ang aming kaharian. Hindi na bago sa aming mga ganitong problema dahil halos kada taon ay nagkakaproblema kaming ganito. Palala lamang ito ng palala. 

Tag-lamig noon nang magkaroon muli  ng problema sa mga pananim bago magtag-lamig halos ang kabuuan ng mga pananim sa bukid ay maubos at mamatay dahil sa hindi malamang dahilan. 

Iilan lamang sa mga bawat klase ng mga tanim ang naisalba, matindi din ang naging tag-lamig noon, ang mga tubig na imbak ay naging solido dahil sa lamig, walang mga hayop ang pwedeng mapangaso sa kagubatan. 

Ang mga tao ay hindi makalabas dahil sa tindi ng lamig dagdag pa dito ang pagkaubos ng mga pagkain at maiinom. Matapos ang tag-lamig ay madami ang taong namatay ng dahil sa lamig at ang ilan ay dahil sa gutom. 

The Cave of Hope (Slow Update)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon