Prologue

23 0 0
                                    

Disclaimer muna.

Bago po magsimula ang lahat, nais ko lamang pong sabihin na sa istoryang ito ay makakabasa po kayo ng mga hindi magagandang uri ng pananalita at mga eksenang tunay na nangyayari sa isang squatter's area. Kung maari lamang po ay maging bukas po ang inyong mga isipan. 

 Pero kung hindi niyo trip ang ganung mga uri ng pananalita ay wag niyo na pong basahin pa ito dahil gaya nga ng title SQUATTER'S AREA. Magtaka naman po kayo kung walang nagmumurahan doon. 

Lastly, heavily influenced ang istoryang ito ng isang indie film dito sa Pilipinas. Kaya po some scenes are basically based from it. 

Spread the love. 

 -- Prologue --

"T*ngina pare! Muntik na akong mahuli nung parak. Hindi niyo man lang sinabi sa akin na may nakatamaby pala doon sa kanto. Buti na lang talaga andun si Otek para back upan ako." Sabi nung lalaki habang nilalabas sa bulsa niya yung mga alahas na nahablot niya. 

"Pare! Ang dami niyan ah, o yung hatian wag mong kakalimutan. Hating kapatid tayo dito." Nagsimula ng ilabas pa nung dalawa yung mga nahablot din nila. Pinagsama sama nila ito at nilagay sa isang plastic. Alam na alam ko na kung saan pupunta ang mga yan pagkatapos. Ibebenta nila yan kay Mang Robert, yung bumibili ng alahas at binabayaran sila depende sa kung ano ang gusto nila, pera ba o bato. 

"Wala na ba? Yan lang yong inyo? T*ngina pare, tignan niyo naman yung sa akin. Sobrang dami at halata mong mamahalin. Tignan niyo naman yang inyo. SILVER! Wala wala. Hindi ako papayag na hating kapatid. Lugi ako. Hindi pwede." Nakita kong sinauli niya sa bulsa niya yung mga nakuha niya at nagsimula ng maglakad palayo.

"Hindi ka pala marunong tumupad sa usapan eh. Hoy! P*tangina mo bumalik ka dito!" Nagsimula na silang maghabulan. 

Napailing na lang ako habang pinagmamasdan ko sila. Ilang buwan na nga ba ako dito? Ang bilis masanay sa mga nangyayari sa lugar na ito. Feeling ko nga dito na ako lumaki pero ito ako ngayon, isang linggo na lang at aalis na ako sa lugar ito. Ayoko pa sanang umalis pero kailangan na. 

Mamimiss ko ang mabahong amoy ng kanal tuwing umuulan, ang mga sigawan ng kapitbahay tuwing umaga, ang mga hile-hilerang nagiinuman araw-araw, ang mga nagkalat na bata, mga babaeng nagtumpukan dahil nagtsitsismisan, mga nagtatakbuhang lalaki galing sa labas dahil hinahabol sila ng mga pulis, mga poster ng mga babaeng modelong walang damit, mga poster ng mga kandidato noong 1998 pa ata, mga kandidatong namimigay ng 200 para iboto sila, mga kabataang sumisinghot ng rugby na nakalagay sa supot ng yelo at marami pang iba... 

Pero ang talagang mamimiss ko ay sila. 

Siya. 

--

Squatter's Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon