"Mom, do I really need to go and stay there? I mean.." Malungkot na tanong ni Chontelle sa mommy niya habang nagiimpake siya ng mga gamit niya.
"Yes, kailangan talaga. I'm really sorry, Chontelle. But.. you know why." Ti-nap ng mommy niya ang balikat niya at tsaka ito lumabas ng kwarto.
Napabuntong hininga na lang si Chontelle. Kailangan niya na kasing tapusin ang pag-iimpake niya dahil mamayang hapon ay dadating na ang tita niya para sunduin siya. Pansamantala muna kasing titira si Chontelle sa tita niya. Ayos lang naman iyon kung sa maayos na tirahan siya mapupunta pero ang tita niya ay nakatira sa isang squatter's area sa Quiapo.
May kaya sa buhay sina Chontelle, may-ari ng isang clothing brand ang mommy niya pero hindi naman siya ang tipo ng tao na maarte at hindi marunong gumawa sa mga gawaing bahay ng dahil lamang mayaman sila. Palaging nagvovolunteer work si Chontelle sa mga feeding program o di kaya ay mga paglilinis ng ilog. Isa siyang volunteer social worker in any way possible kaya wala lang sa kanya ang pagtira sa isang squatter's area. Pero kahit ganito si Chontelle, iba pa rin kapag lumaki ka sa ginhawa at bigla-bigla mong ititira sa isang Squatter's area.
Pinagbawalan din siya ng mommy niya magdala ng masyadong maraming gamit at lalong-lalo na ang mga bagay na mamahalin na mayroon siya. Pinalitan din ng mommy niya ang cellphone niya sa isang unit na hindi kasing mahal ng kasalukuyan niyang cellphone. She can't possibly imagine how she would survive there. Alam kasi ni Chontelle na ibang klase ng mga tao ang nakatira sa Squatter's Area. Araw-araw niyang nadadaanan ang mga bahay ng mga ito at palagi siyang napapailing sa twing nakikita niya ito.
How can she possibly survive there?
* Chontelle's POV *
Kanina pa ako nasa kwarto ko at hindi ko talaga alam kung pano ako magsusurvive with only one back pack. Magiistay ako doon for a long time and all I get is one backpack. Hindi daw kasi pwedeng magdala doon ng suitcase dahil pagtitinginan daw ako at makakatawag daw ako ng pansin. All I need to do is stay invisible and blend with them as much as possible. Blend with them.
Tinignan ko yung sarili ko sa salamin. Can I blend there? Nagsuot ako ng rubber shoes dahil feeling ko talaga hindi pwede doon ang high heels at higit sa lahat hindi ako nagbaon ng shorts dahil baka mapahamak pa ako dahil sa pagsusuot ng maiikling damit.
* knock *knock
"Pasok po."
Binuksan ng mommy ko ang pinto at sumilip sa loob.
"Andito na ang tita mo, baby. Baba ka na ha."
"Opo." Tumingin ako ng isang sandali pa sa itsura ko. Nakakasiguro akong sa pagbabalik ko dito magiging iba na ang itsura ko. Kinuha ko na yung backpack ko at bumaba sa baba.
"Chontelle, iha. Ang laki laki mo na, ready ka na ba?" Bati sakin ni Tita pagkatapos niya akong yakapin ng sobrang higpit. Ngumiti ako at tumango.
"Annie, ikaw na ang bahala sa anak ko. Wag mo siyang papabayaan. Make her unnoticeable, please" Sabi ng mommy ko kay tita.
BINABASA MO ANG
Squatter's Love Story
Teen FictionTahimik? No. Sariwang Hangin? No. Privacy? No. Squatters. Ang dami niyan dito sa Pilipinas, hindi lang dito actually sa buong mundo ang dami niyan. Ito ay istorya ng pag-ibig sa isang lugar ng realidad. Paano nga ba mabuhay sa ganitong lugar? Isang...