A/N: Mature Content Inside.
"Chontelle!!!”
*knock *knock
Ano ba yon? Ang ingay naman.
“Yaya! Wag kang maingay please. Natutulog ako.” Bumiling ako sa kama at nagtakip ng unan.
“Ano? HAHA. Chontelle, si Kate to. Yaya ka diyan.”
Bigla akong napamulat ng mata. Bumungad sa akin ang isang boring na kisame na gawa sa kahoy. Medyo madilim na. Bakit walang ilaw? Nasaan ba ako at bakit nandito si Kate?
Napakunot ang noo ko, wala nga pala ako sa bahay. Na kay na tita nga pala ako.
“Chontelle. Kanina pa ako dito. Ano ba oy!” Katok ni Kate sa kwarto ko.
“Ayy! Sorry sorry Kate. Nakatulog kasi talaga ako. Medyo nanibago pa saglit.” Sabi ko kay Kate pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto.
“Tss. Okay lang. Tara na sa baba, kakain na ng hapunan.”
“Oo sige.”
Sinuklay ko saglit yung buhok ko gamit ang kamay ko tska ako sumunod sa baba.
“Hello po, tita. Pasensya na po, nakatulog po kasi ako.” Bati ko kay tita na nagaayos ng lamesa.
“Ayos lang yon. Buti nga at nakapagpahinga ka na. Bakit hindi ka man lang muna nagbihis? Kanina mo pa suot yan. Hindi mo kailangang magjacket dito sa bahay at wala namang masyadong makakakita sayo dito.”
“Mamaya na lang po. Di ko rin po kasi namalayan na makakatulog ako.”
“O siya sige. Halika na at kumain. KATE! Mamaya ka na magtext ng magtext diyan.” Sigaw ni Tita kay Kate na halatang kinikilig sa kung sino man ang katext niya.
Padabog na tumayo si Kate at naupo sa upuan niya. Nagulat naman ako sa inasal ni Kate, hindi naman ganyan ang batang yan noon. Napatingin na lang ako kay tita at nakatingin din siya sa akin na halata mong nahiya na ganon ang inasal ng anak niya sa kanya.
“Tara po tita. Kain na po tayo.”
Umupo na ako at nanalangin sandali tska ako nagsimula ng kumain. Nakita kong nakatingin sa akin si Kate na parang naweweirduhan siya sa akin. Nginitian ko na lang siya.
In fairness sa luto ni Tita, ang sarap! Ano bang ulam to? Hindi ko na lang itatanong baka mpahiya pa ako. Ksalukuyan akong kumakain ng biglang may kumatok sa bahay nila.
“Tao po? Andiyan po ba si Kate?” Lalaki yung boses. Sino kaya yon?
Bigla namang napatalon sa upuan niya si Kate at nagmamadaling pinuntahan yung pinto at binuksan.
BINABASA MO ANG
Squatter's Love Story
Teen FictionTahimik? No. Sariwang Hangin? No. Privacy? No. Squatters. Ang dami niyan dito sa Pilipinas, hindi lang dito actually sa buong mundo ang dami niyan. Ito ay istorya ng pag-ibig sa isang lugar ng realidad. Paano nga ba mabuhay sa ganitong lugar? Isang...