Nagising ako kinabuksan ng medyo maaga pa, tinignan ko yung relo ko and it says '5:00 am'. Nawala yung antok ko sa hindi ko malamang dahilan. May narinig kasi akong nagbubulungan. Ano ba yon? Hindi ko naman maintindhan yung words.
Nanggagaling siya doon sa labas. Ayaw ko ng buksan yung bintana ko dahil nadala na ako.
"Ano to! G*guhan!?"
Napabalikwas naman ako ng bangon nung lumakas yung boses.
"Wag kang magulo!"
Ano kaya yon? Sa labas nangagaling eh pero hindi ko talaga bubuksan ang bintana ng kwarto ko. Bahala na kung ano man yon. Napagdesisyunan kong bumaba at magluto na lang ng almusal para kay na Tita at Kate.
*Robin's POV*
Walanghiyang buhay to oh! May girlfriend ka nga, wala namang ginawa kundi ang awayin ka! Hindi tuloy ako makatulog. Eh pano ba ang gagawin!!!? Maganda talaga yung babae eh! Halatang mayaman na ewan. Ay P*T*NGINA!
Bumalikwas ako ng gising. May pupuntahan pa nga pala ang barkada. May haharapin pa kaming kumag.
Lumabas na ako ng bahay, inabutan ko naman si Matteo sa labas ng bahay ko, naninigarilyo. Inaantay ako ng g*go.
"Napakatagal mo, G*go!" Binatukan pa ako.
"Nawala sa isip ko, siraul*."
Naglakad na kami papunta doon sa meeting place ng tropa, doon daw kami kikitain nung kumag. Pagdating namin doon, andun na yung mga mokong. Mukhang kanina pa sila nagsisimula.
"Matteo boy.. Eto pala ang bata natin." Akbay kay Matteo nung kumag.
Pinalis naman ni Matteo ang kamay nung kumag.
"Bitawan mo ko." Nanggagalaiting sabi ni Matteo.
"Ohh. Easy lang boy. Relaks! Andito lang naman ako para ipaalala sa inyo yung usapan natin."
"Hindi namin nakakalimutan." Sabi ko naman. Aba! Matapang ako!
"Sinigurado ko lang."
Ti-nap niya kami sa balikat isa isa at tiyaka siya umalis kasama ang mga alipores niya.
"Argggghhh!! P*tanginang buhay toh oh!!" Sinipa ni Mark yung basurahan doon sa tabi.
"Hoy. Wag ka ngang maingay!" Sigaw naman ni Marcus sa kanya. Kambal yan.
"Pano na? Anong plano?" Tanong ko.
"Dating gawi."
"Dating gawi? Eh itong si Matteo, hindi naman nakakatulong! Ayaw magbenta ng bato, ayaw magnakaw! Pano tayo makakabayad niyan? Pare, papatayin na tayo nung mga kumag na yon pag di tayo nakabayad! Ayaw mo pa ding tumulong!" Sigaw ni Mark kay Matteo.
"Tumutulong naman ako."
"Nagtitinda ka ng sigarilyo doon sa may simbahan? Kulang pa yon sa lola mong may sakit eh!" Dura ni Mark dun sa tabi.
"Hindi talaga ako magnanakaw. Bahala na. Pero gagawa ako ng paraan."
Tumahimik kaming apat.
"May naisip akong paraan." Sabi ko.
Napatingin silang lahat sa akin.
"Ano? Siguraduhin mong matino yan." Sabi ni Marcus.
"Tsk. May kakalipat lang na chicks dito, pare."
Tinitigan lang nila ako na parang tinubuan ako ng isa pang ulo.
"Ano naman ang pakialam namin sa chick na yan!!? Madaming chicks dito na handang bumukaka sa harap mo! Bigyan mo lang ng pangload!" Galit na usal ni Mark.
![](https://img.wattpad.com/cover/37047618-288-k700829.jpg)
BINABASA MO ANG
Squatter's Love Story
Teen FictionTahimik? No. Sariwang Hangin? No. Privacy? No. Squatters. Ang dami niyan dito sa Pilipinas, hindi lang dito actually sa buong mundo ang dami niyan. Ito ay istorya ng pag-ibig sa isang lugar ng realidad. Paano nga ba mabuhay sa ganitong lugar? Isang...