3

30 2 0
                                    

Bumaba na ako at dumiretso sa cafeteria. Pagka-order ay nilibot ko ang paningin sa buong lugar para maghanap ng p'westo. Nang makahanap ay agad akong naglakad patungo roon, sa may bandang dulo sa kaliwa.

Akala ko makakakain na ako nang maayos pero may narinig na naman akong pamilyar na boses kaya naman pasimple akong sumulyap sa harapan ko. I saw the group of guys na nakasalubong ko kanina sa labas ng classroom.

"Where is Mi-Ku?" The guy with a sharped jaw line asked.

"Ewan, biglang nawala sa tabi ko e." Sagot naman nung lalaking mukhang pusa.

"Sa'n niyo ba iniwan?" Tanong nung Ethan. Ewan ko, siya lang natandaan ko kanina e.

"Hindi namin iniwan, siya ang umalis. At saka magkakasama tayo kanina ba't natin iiwanan 'yon?" Pabalik na tanong naman nung mukhang pusa ulit.

"Call him." Utos nung mukhang boss, yung may sharped jaw line. Hirap mag-explain kesyo may pake ako sa kanila.

"Ikaw nalang tumawag, marami kang load."

"Fine. Parang wala kayong pake ro'n sa bata." Bata, tss. Kinuha niya ang phone niya at nagpipindot doon. After a minute of talking with someone, binulsa niya yung phone niya at sumandal sa upuan niya. "He's at the rooftop. Na-lock. Puntahan mo, Ethan, medyo malamig sa taas." Utos niya na kaagad namang sinunod nung Ethan tapos sumama yung isang lalaki.

"Delikado ang batang 'yon. Nakahanap din siya ng katapat. Kawawa." Imbes na umiwas nang tingin do'n sa mukhang pusa ay pinagtaasan ko pa siya ng kilay.

Titingin pa talaga rito. Kasalanan ko bang ma-lock siya sa rooftop? Hindi 'yon kasalanan dahil sinadya ko. Nakakainis naman kasi ang alaga niyo e. Dapat lagi niyo 'yong binabantayan para hindi makawala.

Tumayo na ako at umalis sa lugar na 'yon. Bumalik ako sa classroom dahil wala pa namang tao ro'n panigurado. I check the whole room, checking if someone's inside ba. Nang makumpirmang walang ibang tao ay dumiretso ako sa upuan ko at bumuntong-hininga.

I open my phone and check my social media account. My mom dm-ed me again.

Mom:

Euri, have u eaten na?

I stared at it for a second and chose not to reply and scroll up instead, obviously back reading our conversation.

Mom:

Nak, pauwi na si mommy. Anong want mong ulam?

Mom:

Euri, maaga matatapos ang work ni mommy, kain tayo sa labas.

Mom:

Baby, I'm so proud of u!

Mom:

Euri, anak, may ice-cream sa ref. Pahinga ka rin.

Mom:

Nak, I have a good news! Like u always wish. Magiging ate ka na!

Mom:

It's a baby girl daw anak sabi ni doc. Pauwi na rin kami ng dad mo. I love you.

Mom:

Nak, are u okay lang dyan sa house? Sorry if mommy's not there, mahina kapit ni baby e. I love u.

Mom:

Euri, bumaba ka na.

Mom:

Hindi na galit si mommy, kakain na tayo rito sa baba.

Mom:

I'm sorry, Euri.

I gulped and exit our conversation. I started typing over and over again that semicolon thing. I breathe in and breathe out.

The afternoon class went well again. At gaya nang sinabi ko kanina ay sobrang boring pa rin. Nakakainis din ang pares ng matang kanina pa nakatitig sa 'kin mula sa gilid ko.

Agad akong tumayo at inayos ang gamit ko't tuluyan nang nilisan ang classroom namin. As I expected manong driver was waiting for me infront of our school gate. Agad akong pumasok sa van at sinabing umuwi na kami.

"Wala na po ba tayong dadaanan, ma'am?" Tanong ni manong habang sinisilip ako sa salamin na nasa unahan.

"Wala na po." Sagot ko at tinuon ang paningin sa bintana.

Nang makarating kami sa bahay ay sandali ko munang pinagmasdan ang harap ng bahay namin. It has a lot of memories. Minsan masaya pero madalas masakit. I admit it, I was hurt. Sinong hindi 'di ba? Ikaw na anak, hinahayaan ka lang ng magulang mo at pinapagpasa-pasahan.

Alam kong matagal pang panahon ang hihintayin nila para ma-approve ang annulment nila kaya sisimulan ko na ring tumayo sa sarili kong paa. We owned this house already. Ang mga gastusin lang talaga sa bahay ang problema. Mawawalan na rin ako ng kasama siguro sa susunod na linggo dahil wala naman akong pera pambayad sa mga tauhan namin. I'm all alone. Alone.

I exhale again and entered the house. Dumiretso ako sa kwarto ko at nilapag ang mga gamit ko. I'm planning on going spain and settling there for good. Making a good memories there and just leave this damn country in the past. I just want this to end. Kanina lang ang tapang-tapang ko pang sabihin na kaya ko at hindi ko kailangan ng ibang kasama.

I'm so tired. I'm just seventeen years old yet so tired. Am I so to young to suffer like this? Wala na akong ibang malalapitan. My grandparents only contact us when they have a grand celebration. I'm not close to them.

Problema pa rin pala yung gastusin ko rito sa bahay. I have savings pero naka-save na 'yon para sa college ko. Siguro bukas sasabihin ko na kina manang at manong na hindi ko na sila kayang swelduhan kaya mawawalan na sila ng trabaho. Kailangan ko rin palang maghanap ng trabaho simula bukas. Bukas na rin mag-a-announce si Miss tungkol sa research namin.

P'wede bang magkaroon nalang ako ng normal na buhay? Merong nanay, tatay at maayos na buhay. I hate this but I have no choice. Sarili ko na lang ang meron ako ngayon. Wala na akong ibang aasahan.

LarawanWhere stories live. Discover now