17

6 1 0
                                    

Normal na araw, oo, pero hindi ko alam kung may pa-contest ba ng pag-ngiti dahil palong-palo itong katabi ko.

Nakakunot ang noo kong humarap sa kaniya. May ginagawa akong notes at naabala ako ng tingin niya!

"Hm?" Malawak ang ngiting nilabanan niya ang tingin ko. Umirap ako at bumalik sa ginagawa.

"O-oh, pasaan ka?" Taranta niyang tanong dahil sa biglang pagtayo ko, kahit siya ay napatayo. Praning ampota.

"Bibili lang, baliw." Binulong ko ang huling salitang sinabi ko.

"Sama ako." Parang bata niyang sabi. Kahit naman sabihin kong ayaw ko siyang kasama ay sasama pa rin siya! So, what's the point?

"May gagawin ka mamaya? Lunch tayo sa labas."

"Close ba tayo?" Lumiko ako ng daan dahil sa school supplies canteen ako pupunta. Naubusan ako ng ballpen!

"Luh, gagi 'to. Sakit mo ah!" Binalingan ko siya at naabutan sa posisyong nakahawak ang kamay niya sa may bandang puso. Baliw.

Pumasok kami sa canteen. Para siyang bookstore pero nasa loob ng university. Naglakad ako papunta sa stall ng ballpen at biglang namatay ang ilaw.

"Ah!" Gulat akong napabaling dahil sa pagtili nitong katabi ko. I saw him covering his mouth using his hand. Baliw talaga.

Binuksan ko ang flashlight ng phone ko at naghanap ng ballpen.

"Bakit brownout? Nakasarado pa mga bintana nila pota ang dilim." Reklamo nitong katabi ko. Malamang na nakasarado ang mga bintana kasi centralized and buong room! Siguro ay pinatawag ang lahat sa main covered court.

"Pwede ka namang humiram nalang ng ballpen sa'kin, bakit pa tayo pumunta dito?" Reklamo niya ulit.

"Sino bang may sabi na sumama ka?" Natigilan siya dahil do'n.

"H-ha? Wala. Gusto ko, ba't ba?"

Tinalikuran ko na siya at naglakad na para maghanap ulit ng ballpen. Napatigil ulit ako dahil sa paghawak niya sa blouse ng uniform ko!

"Ano ba?" Mahina ngunit may diing sabi ko sa kaniya.

"Huwag mo akong iwanan, wala akong dalang phone." Bulong niya. Madilim talaga, as in. Ewan ko nga kung bakit parang sa pwesto lang namin may ilaw. Hanggang sa sumarado nang malakas ang pinto kaya napahiyaw na naman itong nasa likod ko.

"Shit!" I cussed under my breath.

Nagmadali kaming lumapit sa may pinto.

"Nakalock." Sabi niya kaya naghanap na ako ng contacts sa phone ko.

"Walang signal."

"Great! We're stuck in here." Umupo siya at sumandal sa may pintuan. Madilim pa rin pero bukas ang aircon kaya medyo malamig na. Nakalimutan kong magdala ng hoodie!

Naramdaman ko ang paggalaw ni Yriko sa tabi ko pero hindi ko siya binalingan. Naramdaman ko rin ang pagtama ng isang bagay sa balat ko. Napatingin ako sa pwesto ni Yriko nang mas matagal para maging maliwanag sa'kin ang paligid niya.

He's handing me his jacket. Titnitigan ko lang 'yon habang nakakunot ang noo. Ano namang gagawin ko d'yan?!

"Ano?" Mahinang tanong ko dahil ayokong sumigaw.

"Wear it. Malamig dito." Seryoso niyang sabi. Nang hindi ako kumilos ay siya ang naglagay non sa katawan ko. I can feel his breath on my nape dahil inaayos niya ang pagkakalagay non.

May orientation ba? Sana naman nag-announce sila sa gc para hindi ako pumunta dito at ma-stuck kasama ang hapon na 'to.

He's busy looking at his phone, probably looking for a signal. Sinungaling, sabi wala siyang dalang phone. Paano naman magkakasignal dito? Kahit nga sa library sa may department sa'min, walang signal. Inorient naman kung bakit walang signal sa ibang parte ng campus, they said that it's for us naman. Para daw makapagfocus. At ang ending, wala masyadong tao sa mga lugar na 'yon.

LarawanWhere stories live. Discover now