16

4 1 0
                                    

One gloomy morning like a normal day for me. Lakad lang ako hanggang sa may guard house at nag-aabang na ng jeep.

I was holding my materials for my portrait. Maybe I'll take some time thinking what would be my next subject. I'll spend my time thinking at the garden. Sana lang ay walang manggulo sa 'kin. I need peace!

"Goodmorning." I'm just talking about peace a while ago pero ngayon ay nasa harapan ko na ang delubyo!

"Walang good sa morning."

"There is. Try mong tumingin sa salamin, gaganda araw mo." I glared at him for a moment but he gave me a smile for that. What's wrong with him?! Hindi pa ba sapat na pinapagtabuyan ko siya dahil hindi ko siya gusto?!

"Hm, about what happened yesterday... sorry if I did something wrong. Pero hindi mo na talaga mababago ang isip ko. No one can stop me, Eurika."

"Mahal mo ba talaga ako?"

"A-ah—"

"If you really love someone, you will obey what they say." I stopped again from walking dahil nasa tapat na kami ng room.

"Y-yeah." Humarap ako sa kaniya at tumingala.

"Then, if you love me, tigilan mo ako dahil 'yon ang gusto ko." I emotionless said and walked inside the room. May mangilan-ngilang kaklase ang nakatingin sa akin na animoy sinusubaybayan ang bawat galaw ko.

"She's so delirious"

"Akala niya ba gusto talaga siya ni Yriko?"

" Girl, look at her! There's nothing special about her."

"Baka ginayuma lang talaga niya si Yiko kasi walang pumapansin sa kaniya."

"Hoy! 'Yang mga bunganga niyo pakitikom! Kanina pa ako naririndi sa bulungan niyong halata namang gusto niyong iparinig! Mga papansin kayo!" I was just staring at Irene how she scolding our classmates. Pagkatapos non ay dumiretso siya sa mesa ko at nginitian ako.

"Okay ka lang? Anong ginawa sa'yo nung Yiko na 'yon? Mukhang nag-aaway kayo kanina sa labas ah?"

"Can you tell him to stop bothering me? Hindi ba niya naririnig ang mga bulungan ng mga kaklase natin?" I said then she sat on the chair beside me.

"Alam mo kasi, mabait talaga 'yang si Yiko. Kaya hindi rin kita gets kung bakit ayaw mo sa kaniya."

"I am not like those girls na kung makatili kala mo naman artista." Depensa ko.

"Ngayon ko lang nakitang ganyan 'yan, tapos sa babae pa! Alam mo ba, alaga kami niyan kasama ko yung ate niya tapos yung bunso nilang kapatid. He's a jolly guy, kahit na minsan halatang may problema pero 'di niya sasabihin. You know what, Eur, if I were you, I'll give him a chanxe. He's a nice person." Mahaba niyang sabi.

But... he's not safe with me! I'm a dangerous woman! Delikado, hindi ko siya pwedeng ipahamak. Ayokong mandamay ng ibang tao. I wanted to die alone. They left me alone. I'll stand alone. I'll die alone.

Hours passed, I stayed in the room habang ang lahat ng kaklase ko ay nasa canteen. Napatingin lang ako sa pinto dahil may pumasok do'n. I saw him... carrying a brown paper bag.

"Kain tayo."

"No—"

"Ops! Bawal tumanggi sa grasya. O baka naman gusto mo pang subuan kita?" He squinted his eyes.

Nakipagtitigan muna ako sa kaniya bago ko simulang kainin ang pagkain na dala niya. I don't know, maybe Irene's right. Maybe I should have him a chance. There's nothing wrong with it. I should be careful not to hurt him. Kailangan ko lang siyang ingatan. Para hindi siya mapahamak.

Pansin ko ang pagsulyap niya sa'kin habang kumakain kami kaya tinanong ko na siya kung bakit.

"Wala lang, bawal ba?"

"What if I said yes? Titigil ka ba?" Tanong ko habang umiinom ng tubig.

"No." Proud niyang sabi. Pupunta ka ba mamaya sa club? May activity tayo ah, sabay na tayo."

"Why would I?"

"Sasabayan kita."

"I can walk alone." Pagpupumilit ko pero sadya atang may isang salita ang taong 'to. He insisted! Kaya hindi na ako sumagot. Hindi ko rin naman alam kung pa'no ko sasabihin na bibigyan ko siya ng pagkakataon.

"May gagawin ka ba mamaya? After ng last activity natin sa club?"

"Wala." Wala naman talaga.

"Great. Hatid nalang kita hanggang house niyo. Sa villa ako uuwi."

"May problema kayo ng tatay mo?" Walang pakundangang tanong ko at pinagsisihan ko
'yon sa huli nang makita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya. "Bakit hindi ka umuwi sa bahay ng mama mo?"

"A-ano kasi... walang tatao sa villa mamaya kaya ako muna." I saw how he avoided my gaze. "Tapos ka na? May pupuntahan lang ako ah? Bye."

Hindi ko na dapat tinanong! So what? Damn this! Sa umpisa palang alam ko nang tampo siya sa tatay niya! Ghad, Euri! You're so insensitive! Should I say sorry? But why would I?

"U-uhm... " Napatingin ulit ako sa pinto dahil bumalik siya. "Sasamahan nalang siguro kita dito. Sorry."

"For what?" Bakit ka nagsosorry? Tanga ka ba?

"Kasi iniwan kita dito. Btw, may bagong bukas na 7/11 sa subdi natin, sama ka? Bibisitahin ko mamaya."

After that long interaction, I found myself walking with him papunta sa sinasabi niyang bagong bukas na 7/11. Nakahoody talaga ako kasi malamig na sa labas. It's almost Christmas na, malapit na ang Christmas break, ang balak ko lang ay magbasa sa loob ng bahay.

Pagkapasok ay agad na binati kami ng babae sa counter.

"Goodevening, sir and ma'am. We have our opening promo for couples baka gusto niyo pong i-try. Kapag bumili po kayo ng ice-cream in cup ay may libre po kaming another cup of ice-cream, yung bago po naming flavor."

"Sorry, we're not couples—" tanggi ko pero agad na tinabunan ni Yriko ang bibig ko gamit ang kamay niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Oh, sure!"

I stared at him while he's eating the promo ice-cream. Hindi ako makapaniwalang magsisinungaling siya na magjowa kami para lang sa ice-cream! I hate him! Bakit nga ba sumama ako sa kaniya?!

"Ayaw mo? Masarap! You should taste it! Lasang macapuno na may avocado."

"Ew, gross. I don't eat avocado." The taste is disgusting!

"Luh? Masarap kaya ang avocado! KJ mo!" Parang batang saad niya.

"It taste poop. Ew!"

"Oh? Nakatikim ka na ba ng tae?!"

"What the hell?! Of course not! Sinong tanga naman ang kakain ng tae?"

"Ako! Kapag sinabi mo." Pahina niyang sabi at agad na tumaas ang kilay ko. "Joke lang! Gagstok!"

Bobo naman niya kapag kumain siya no'n. He's crazy if he'll do that!

Sinamahan niya pa rin ako hanggang sa tapat ng bahay namin. We walked silently, adoring the bright moon and the cold wind.

"Goodnight, Eurika. I-lock mo ang pinto at bintana. Don't hesitate to chat and call me if anything happens. Nasa kabilang street lang ako kaya mapupuntahan kita agad. Rest, not only your body but also your mind. For healthy thoughts. Goodnight."

"Hm."

"For the last time I asked this, would you give me a chance to prove myself?" He chuckled bitterly. "Sorry, makulit lang talaga. Sige na, 'yung mga bilin ko ah. Aalis na ako, mag-iingat ka. Bye, goodnight."

Pagkapasok sa loob ng bahay ay agad kong kinuha ang cellphone ko at umakyat sa kwarto. Sumilip ako sa bintana kung saan tanaw ko si hapon. He's on his phone, probably composing a message for me again.

Bago pa 'yon ay nagsend na ako ng message for him causing him to stopped walking and I don't know, he's just staring at his phone and then he started punching in the air. Baliw.

To 09*********:
Prove yourself, pursue me. Goodnight.

LarawanWhere stories live. Discover now