5

18 1 2
                                    

Lumabas ako sa classroom namin at nagtigil naman dito sa garden area. Nakita ko pa nga yung tropa ni hapon na nagdidilig e.

"Won! Pasok na raw!" Sigaw sa kaniya nung kaklase niya ata.

"Oo, saglit lang! Didiligan ko lang 'to!" Sigaw niya pabalik.

Won naman pala pangalan nito. Kung ano-ano pa pinangalan ko sa kaniya. Ano bang dinidiligan niya ro'n? At ano naman bang pakialam ko?

Kung pwede lang lumabas para hindi maubos ang oras ko rito at makapaghanap ng part time job. Class hour kasi kaya bawal talaga, school policy whatever.

Suddenly my phone rang. I answered it without checking whose the caller. Hindi ako nagsalita hanggang siya na nga ang umuna.

["Hi, Euri."] I dropped the call after hearing his voice.

Napapikit nalang ako dahil sa kaba. No. Pa'no niya nalaman ang number ko? Should I change my number again? Or my phone? Alam niya ba kung nasaan ako? No way.

Humigpit ang kapit ko sa phone ko habang pinapakalma ang sarili. It can't be. Calm down, Euri. Calm down.

Matapos pakalmahin ang sarili ay blinock ko ang number na tumawag sa 'kin. No way in hell. Not again.

Yriko Miyamura sent you a message request.

Nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko ba 'yon pero sa huli ay wala akong nagawa.

Yriko:
Hi :)

Isang walang kwentang message na naman. I was about to block him but he sent another messages.

Yriko:
Are you busy?
Hellooo?
Where r u rn?
Nakita na pala kita.

I creased my forehead on his last chat. At maya-maya lang ay nasa harapan ko na siya.

"What do you want?" I asked him.

"Sinusundo lang kita."

"For what?"

"Parating na kasi si miss. Baka mapagalitan ka non." he said and smiled at me.

Tumayo ako at nagsimula nang maglakad habang ramdam ko pa rin ang presensya niya sa likod. I stopped infront of our classroom and intently looked at him. Pero ang kumag na 'to, nagawa pang ngumiti. Agad na binalot ng inis ang buong sistema ko kaya pumasok nalang ako sa loob.

After I sat down on my chair, he grabbed a chair and sat infront of my desk. His palm under his chin and grinning like he already lost his mind. I gasped in air and looked at him.

"What do you need from me?"

Umiling siya na lalong nagpakulo sa dugo ko. He's really testing my patience. Maiksi lang ang pasensya ko kung alam niya lang. I clenched my fist and ready to punch him when our Miss entered the classroom. I glared at him while his walking back to his seat. Ang hapon na 'to talaga. Baka maitapon ko siya sa Japan ng wala sa oras.

"Good morning, class. I heard your research already started. So, being your favourite Miss and you're my favorite class. I'll give our vacant today. So, good luck! Have a nice day."

Dahil sa announcement ni Miss ay agad na nagdiwang ang mga kaklase ko. Maliban sa akin. Mas gugustuhin ko pang may klase kesa naman makita ang pagmumukha nang hapon na 'to na nasa harapan ko na naman.

"Okay, okay. Calm down. Ms. Clavida," She said. All of my classmates looked at me. "Can I talk to you for a second?"

"Hala ka, anong ginawa mong kasalanan, huh?" Pagbuyo sa 'kin nitong hapon na nasa harap ko.

Tumayo ako at kinuha ang mga gamit ko. I followed her to her office.

"You may sit down." I obeyed what she said and sat on the couch.

"Anak, how are you?" Oo nga pala. Bakit ko nga ba nakalimutan?

"I'm okay po." I said and looked at my hands.

"Ikaw yung unang pumasok sa isip ko habang nagkwekwento sa 'kin yung gaga mong nanay." She's my mother's bestfriend also my ninang. "Are you with your father right now?"

I looked at her, confused. Didn't my mother tell her that I was alone? That they both left me in that fucking house? Magkwekwento na nga lang kulang-kulang pa. I didn't answer. I stayed silent, calming myself.

"Hey, are you okay? You want me to call your mom and change her decision?"

"No. No po. Hihintayin ko nalang po yung desisyon ng korte."

"If ever, where do you want to stay? To your mom or to your dad?"

I gulped, not expecting that she'll ask me those. I don't know what to say. Kahit ako, hindi ko alam kung kanino ako sasama at kung sino ang pipiliin ko.

"Mag-e-eighteen na rin naman po ako. I'm not a minor anymore." I said. She looked worried and I can see in her eyes that she... she pitied me. And I hate it. Seeing someone pitying me.

"I'm so sorry." I just smiled and looked away.

My eyes darted on him when I leave the office. He's leaning on the railings meters away from me. Once he saw me, a smile plastered again on his lips. Hindi ko alam pero bigla akong nainis. Presensya palang niya.

"Anong ginawa mong kasalan. Ba't ka pinatawag?" Agad niyang tanong nang makalapit siya sa 'kin.

"Chismoso lang?" I sarcastically said.

"Siguro may ginawa kang kalokohan 'no? Ikaw ha, shy type pero marami ka rin palang alam na kalokohan. Share mo sa 'kin baka nagawa ko na 'yon dati hahaha." His laugh, it was... never mind. I didn't realize that I'm staring at him kaya naman umirap nalang ako sa kaniya.

"Uyyy, ano 'yan ha? Ikaw ha, anong kalokohan ginawa mo? Seryoso nga, anong kalokohan ginawa mo? Haaaa?" Pagkukulit niya pa.

"Seryoso rin, wala nga." I answered and when I realized that he's not responding I quickly walked away papunta sa cafeteria. Tapos nakasalubong ko pababa ng hagdan si Irene.

"Oh, nagkita na ba kayo ni Yiko? Sabi niya kasi siya nalang daw maghihintay sa 'yo. Tagal niyo kaya sumunod na ako. Discuss tayo about research. Free ka?" I nodded at her saka sabay na kaming bumaba at naghanap ng pwesto sa cafeteria.

"Iniwan niyo 'ko ah." Agad kaming napatingin kay Yriko nga magsalita siya. I don't like saying Yriko. It cringed me. Mas okay pa na hapon ang tawag ko sa kaniya.

"Tagal mo e, ano bang ginawa mo sa taas? Sabi mo ikaw na maghihintay kay Euri pero hindi naman kayo magkasama kanina." Tanong ni Irene pero tumingin lang sa 'kin si hapon at ngumiti.

"Kinilig ako e." He said that made us confused. Ano raw?

LarawanWhere stories live. Discover now