Chapter twelve

61 1 0
                                    

Ethan's POV

Habit ko nang pumasok ng maaga para maglinis ng table ko at ng locker ko.

Papunta na ko ngayon sa faculty at nakitang may iilang profs na ang nandoon. Dumiresto ako sa place ko at hindi ako nagkamaling maglilinis na naman ako

"Good morning dude" bati sakin ni Travis, prof sa Math

"tsk what's good in the morning?!"

Kumuha ako ng box at inilagay ung mga love letters, chocolates at flowers na nasa table ko

"alam mo dude, ang lakas ng charms mo sa mga students dito. Biruin mo ah, bago ka pa lang dito at limang linggo pa lang simula nung mag-start ang klase pero nakakatanggap ka na ng ganyan. Samantalang ako..."

"manahimik ka kung ayaw mo isaksak ko lahat ng 'to sayo" nakakabadtrip ang aga-aga ang daldal niya sabayan pa ng maraming kalat na 'to

"chill lang dude, bakit kasi ayaw mo sumama sakin at dadalhin kita sa heaven"

Tumigil ako sa pagliligpit at tinignan siya "hindi ka ba talaga titigil?"

Tinaas niya ang dalawang kamay niya na parang nagsusurrender "ang hot mo naman"

"tsk. Hindi ko malaman kung paano nakakarating ang mga 'to dito. Diba off limits dito ang mga students?!" pagtataka kong sabi sa kanya

Inakbayan niya ko "alam mo dude, sa panahon ngayon maparaan na ang mga kabataan. They have their own ways para lang magawa nila at makuha nila ang gusto nila" tapos tumaas-baba ang kilay niya

"ewan ko sa'yo" at humiwalay ako sa kanya

Lumapit naman ako sa locker ko, i take a deep breath atsaka ito binuksan.

Tumambad sakin ang tatlong medium sized teddy bear, flowers and love letters na naka-heart shaped

Bahagya kong ginulo ang buhok ko "nakakabadtrip?!"

Nilagay ko na lang sa box ung mga nasa locker ko. Medyo napuno nga ung box eh. Tapos lumapit ako kay Travis at ipinatong sa table niya ung box

"oh, anung gagawin ko diyan?" he asked

"ibigay mo sa mga anghel mo sa heaven na sinasabi mo" then i left him

"thanks dude hahaha"

Tinignan ko ung wrist watch ko, its already 7:00. Pumunta ako sa office ni Dean Lurkman

A Love In The Past [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon