Epilogue

94 1 0
                                    

Pagkamulat ko puro puti na naman ang nakita ko. Tinignan ko ang paligid, nasa hospital na naman ako. Ang daming swero ang nakasaksak sa katawan ko at nakita ko si Ethan na nakayuko dito sa tabi ko habang si Justin nasa couch at tulog na tulog

Naisip ko ung nangyari kagabi, parang hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko mula sa kanila. Parang ayaw tanggapin ng sistema ko ung mga pangyayaring hindi ko inaasahan, pero may magagawa pa ba ko eh nangyari na.

Pilit kong inalala ang lahat ng mga sinabi nila ngunit wala talaga akong maalala. Muling ikinuwento ni Ethan sakin at sinubukan niyang linawin ang lahat para maintindihan ko.

Totoong nagkaroon ng past ang mga magulang namin. Childhood lovers daw kami at ang witness daw namin ay ung park na pinuntahan namin at ung wishing well doon. Sinabi niyang ung painting ng wishing well na nasa bahay niya at ang nakita ko ay siya ring wishing well na nandun sa park.

Ginawa namin together ung painting na un and after doing it we made our 'love vow', natawa nga ako nung sinabi niya un eh. That time din we are teenagers. Nagpakita din siya ng ilang pictures kasama na rin ung photo album na nakita ko last time.

Ung mga painting materials at panyo na nakita ko sa kwarto ko noon ay siya rin ang nagbigay. Nasabihan ko pa nga siyang korni eh. He told me our happy times together ni hindi niya nga sinisingit si Justin. Mayroon pala silang iringan at selosan. He also explained why he and Justin left me; umalis siya dahil kinuha siya ng Dad niya at dinala sa States para makilala ang fiancee niya, they are in a fixed marriage at tumagal ang pagiging engage nila ng one year but then tumakas siya sa araw mismo ng kanilang kasal. Bumalik siya dito ng hindi nalalaman ng kahit sino.

Si Justin naman pinaghandle ng business na naiwan ng kanyang namayapang Lolo, wala naman siyang nagawa since nag-iisa lang siyang tagapag-mana.

Tommy at Sofie ang tawagan namin, naiisip ko nga na parang kaming dalawa lang ang bida sa kwento niya hindi niya kasi sinasama si Justin. Nang makausap ko si Justin masaya naman siya na bumalik si Tom kahit na nagseselos pa rin siya. Pinaalala niya din sakin ung panahong naaksidente ako, siya kasi ung unang sumagip sakin. Natatawa nga ako habang kinukwento niya, how stupid i am that time. Driving student pa lang ako, hindi pa ko masyado marunong magdrive nun at wala pa kong liscense. Buti daw at hindi ako nahuli.

Tom felt sorry for everything that happened, sabi ko nga hindi ko naman siya sinisisi eh buti sana kung magbalik ang alaala ko baka ilublob ko siya sa kumukulong mantika. Pero he's lucky kasi wala talaga akong maalala, kahit anung push ko wala talaga.

Naikwento ni Ethan ung first day na nagkita kami, bukod sa na-stunned siya sa ganda ko eh nagulat din siya kasi hindi niya inaasahang sa ganoong pagkakataon kami magkikita, student niya ko at prof ko siya. Kaya nga daw panay ang lapit niya sakin kasi namiss niya daw ako.

Pinakita sakin nina Mommy and Daddy ung records ko noon, nagkaroon nga ako ng amnesia at malaking fracture sa ulo dahil malakas ang impact ng pagbagok ng ulo ko sa manibela. Inoperahan ako and we thought its successful but then naging cause un ng sakit ko ngaun.

Sina Andrea at Dr. Paul naman bumalik na raw sa Canada para i-manage ang business nila. Nakakatuwa na relate silang lahat sa story na ito.

Simula kay Dr. Paul na gumamot sakin nung naaksidente ako na kapatid pala ng naging best friend ko na pinsan naman ng special childhood friend ko na frenemy ng taong minahal ko.

Nagkaayos na ang mga pamilya namin, noon ko din nalaman na galit pala si Mommy kay Tita Eliza kaya pala ganun na lang ang reactions ni Mommy kagabi, ang plastic niya lang.

Napaisip ako, kaya naman pala iba na lang ang affection ko kay Ethan. Parang ang gaan ng loob ko sa kanya at mabilis akong nagtiwala sa kanya kasi dumating sa point na minahal ko siya. He told me that he'll never let me go and he'll never leave me again pero syempre kasama si Justin. Pakners in crime kaya kaming tatlo. Parang magkakadikit na talaga ang mga pusod namin at nakatadhanang magkakasama kami.

Ayoko nang maulit pa ung nakaraan, gusto kong gumawa muli ng bago at masayang memory kasama ang mga taong mahal ko, mga taong ayaw kong mawalay sakin.

Nalungkot ako bigla, hindi nga sila ang mawawalay sakin kundi ako ang siyang iiwan sa kanila. Ano kayang mangyayari kung mawala na ko?

Kung kailan ayos na ang lahat tsaka pa ko nagkaganito. Bakit? Siguro naman may reason si Lord kung bakit ako may sakit ng ganito. Do i have to think positive or stay with my negative thoughts?

Ang dami kong iniisip at sa dami hindi ko alam kung saan ko sisimulan at kung paano ko hahanapan ng kasagutan.

Lord, God why can't you give me another life? I'm scared to let the people around me suffer, okay lang na ako wag lang sila. But seriously, i'm scared to die. Hindi ko kasi alam kung saan pupunta ang kaluluwa ko. Hindi naman ako naging masamang tao. Hindi rin ako masyadong naging mabuti. Parang 50:50 lang. Pero may pupuntahan ba ang kaluluwang 50:50 lang?!

Well, ang dami ko pang sinasabi eh. Bakit ba hindi na lang ako maging masaya sa kinahinatnan ng lahat? I should be proud na mamamatay akong malungkot sila at the same time masaya kasi naayos na ang mga bagay na dapat ayusin.

For sure i will have a happy soul and a happy journey sa kabilang buhay.

"hey, Sofia. You okay?" napatingin ako kay Ethan, nagising ko ba siya? Ni hindi nga ako gumagalaw kasi dumadaldal ang isip ko

"i'm fine. Did i wake you up?"

He shrug, "nagising ako ng kusa, bakit ka umiiyak?"

Pinunasan ko ang mga luha ko, "i'm just happy" then ngumiti ako

"your happy 'cause you might die?" tapos naupo siya sa tabi ko

"gusto mo na ko mamamatay? Sino ba namang matinong tao ang magiging masaya kung mamamatay na?!" mataray kong sabi

Natawa siya at bahagya akong niyakap, "just don't die. Marami pa tayong gagawin. Bubuo tayo ng masayang memory"

Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan ay naiyak ako at niyakap siya, "i won't die" i whispered

"Sofia..."

"hmmm"

"wala lang"

"Sofia..." tawag niya ulit

"hmmm"

"wala lang"

Tinignan ko siya, "problema mo? Trip mo ko"

Tinignan niya ko at kita ko sa mga mata niyang malungkot siya, "gusto ko lang banggitin ang pangalan mo at gusto kong marinig ang mga pagtugon mo" at niyakap niya ko muli, narinig ko ang paghikbi niya kaya naiyak lalo ako

Alam ko ang pahiwatig niya, oo lumala na ang sakit ko. Stage 4 na ang cancer ko at gaya ng sabi ni Dr. Paul manghihina lang ako at bigla na lang pipikit ang mga mata ko.

"Sofia..."

"ano ba un Ethan?"

"i love you, i will always love you, i love you so much" at medyo humigpit ang yakap niya habang umiiyak

Tinignan ko siya at hinawakan ang pisngi niya, "i'm sorry but i can't love you. I love you as a friend gaya ng kay Justin"

Inalis niya ang kamay ko sa pisngi niya at ngumiti, "naiintindihan ko" tapos hinalikan niya ko sa noo at niyakap

Ayokong may makatuluyan kahit isa sa kanila, alam ko kasing matatali sila sakin kapag ganun. Mas mabuti nang mamatay ako na walang bf para maging malaya sila sa pagpili ng bagong babaeng kanilang mamahalin

"Ethan..." mahina kong sabi, nanghihina na ko eh

"hmmm"

"i have to rest now, pagod na ko eh"

Medyo lumakas ang paghikbi niya, "Sofia..." banggit niya sa pangalan ko

"basta tatandaan mo kahit wala akong maalala sa nakaraan...ikaw na lang ang wag makalimot, don't forget that we had A Love in the Past" mahabang litanya ko bago ako nawalan ng malay

~The End~

A Love In The Past [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon