Prologue

294 7 3
                                    

Prologue:

KRIS's POV:

Wala na kong paki-alam kahit malakas pa yung ulan! Kahit pa magkasakit ako. Ang importante sakin, maka-usap ko sya at makapag-paliwanag ako ng maayos. Kahit pa nakakahiya na sumisigaw ako dito at umiiyak, wala na kong paki-alam sa sasabihin ng iba. Gusto ko, maging okay kame. Hindi ko kakayanin kung mawawala sya sakin. Mahal na mahal ko sya.

"Joyce, Mag-usap naman tayo! Please. Kahit saglit lang! Hindi ako aalis dito hangga't di mo ko binibigyan ng Chance na magpaliwanag. Sorry na! Di ko naman talaga ginustong sabihin o gawin yun eh. Please! Labasin mo naman ako dito. Sorry na talaga! Mahal na mahal kita."

Maya-maya lamang, tumila na ang ulan. bigla kong nakita si Joyce na lumabas ng Gate nila. Niyakap ko sya agad, Pero inalis nya din yung kamay ko sa pagkakayakap ko sa kanya. Napansin ko din na kaka-iyak lang nya. Ayoko syang makitang ganun. Alam ko, kasalanan ko naman eh.

Joyce's POV:

Pagkalabas ko ng gate, nilapitan ako ni Kris at niyakap nya ko agad pero inalis ko yun. Sobrang galit at nagtatampo talaga ko sa kanya. Di ko nga alam kung mapapatawad ko pa sya dahil dun sa mga nangyari eh.

"Pwede ba, Kris. Umalis ka na! Wag ka ng mag-eskandalo pa dito! Nakakahiya sa mga kapitbahay eh! Umalis ka na!! Ayaw na talaga kitang makita!" pagalit kong sigaw ko sa kanya..

"Joyce, Magpapaliwanag lang naman ako! Please. Pakinggan mo naman ako. Di ko sinasadyang gawin yun. Di ko din gustong sabihin yun pero kaylangan kong gawin. Hindi mo kasi ko naiintindihan."

"Ano?! Ano pa bang dapat mong ipaliwanag? Sobrang linaw na lahat ng sinabi mo. Naintindihan ko na lahat. Ayaw mo na sakin diba? Sana sinabi mo na agad. Hindi yung kaylangan na dumating pa talaga sa point na yun eh. Hindi mo lang alam kung gano kasakit yung ginawa mo. Sobra! Sobrang sakit! Alam mo ba, Kung may araw man na pinagsisisihan ko, siguro yun yung araw na nakilala kita at dumating ka sa buhay ko, Sana di na lang nangyari yun. Sana di na lang kita minahal. Edi sana, hindi ako nasasaktan ng ganito. Hindi ako umiiyak dahil sayo at dahil dun sa nangyari! Alam mo, Tama nga siguro yung iba.. Hindi talaga tayo pwede para sa isa't-isa. Halos lahat pati nga yung oras, hindi pabor sating dalawa eh. Lahat na lang pag dating sayo, inintindi ko. Tiniis ko lahat. Ganon kasi kita ka-mahal. Pero.. Ikaw? Bat ka ganyan? Bat mo pa kaylangan gawin yun? Bat kaylangan mo pang sabihin? Akala mo ba, di ako masasaktan? Na pati yun, matitiis at makakaya ko pa? Siguro nga, dapat na nating tapusin 'to! Tama na! Nakakasawa na eh. Mabuti pa, maghiwalay na lang tayong dalawa."

"Joyce, Huwag naman. Please! Di ko kakayanin kung mawawala ka sakin. Ayoko! Di ako papayag na makipag-break ka sakin. Di ko kakayanin. Ayusin na natin 'to. Please. Give me one more chance. one another chance. Pagbigyan mo lang ako. Please. Mahal na mahal talaga kita."

"Di mo kakayanin pero ginawa mo yun? Sinabi mo yung mga salitang masasaktan ako? Sana kung totoo yan, Nag-isip ka muna bago mo yun ginawa. Sorry! Ikaw na gumawa ng paraan na mangyari satin 'to eh. Siguro, hindi lang talaga tayo para sa isa't-isa. Tanggapin na lang natin. Hindi na talaga natin maaayos. Ito na talaga yung right time para i-give up natin yung relation natin. Wala na talagang pa-asa eh."

Pagkasabi ko nun, pumasok na agad ako sa Bahay at dumiretso sa kwarto ko, ni-lock ko yung pinto at dun ako umiyak ng umiyak. Hindi ko na kasi talaga kaya eh. Kahit ayoko ng umiyak, di ko pa din kayang pigilan yug sarili ko. Basta-basta na lang pumapatak yung luha ko.

Sila Mommy, kinakatok yung pinto ng kwarto ko at tinatawag ako. Pero, ayoko talagang lumabas. Sa ngayon, Gusto kong mapag-isa. Ayoko ng may kausap.

"Joyce. Anak! Buksan mo yung pinto! Mag-usap tayo." sigaw ni Mommy.

"Mhie, Pwede po bang sa susunod na lang? Gusto ko po munang mapag-isa. Please! Hayaan nyo na lang po ako."

"Hindi pwede. Kayangan nating mag-usap. Pag-usapan natin yang problema nyo."

"Please lang po. Kahit ngayon lang. Hayaan nyo na muna kong mapag-isa. Kakausapin ko naman po kayo tungkol dun. Pero, wag lang ngayon! Haayan nyo na po muna ko. Wala naman po akong gagawing masama eh. Pangako po yan."

"Okay. Sige. Basta kapag kaya mo ng makipag-usap at humarap saming lahat. Nandito lang kami. Di ka namin papabayaan."

"Thanks, Ma! Love you po. Sorry po kung nagkakaganito ko."

Maya-maya lang, narinig ko ng umalis na sa labas ng kwarto ko sila Mommy.. Si Kris naman, Narinig ko na yung sasakyan nya na pinaandar na nya.

Masisisi nyo ba ko kung bakit di ko na sya binigyan pa ulit ng chance na magpaliwanag? Yung tipong wala ng oras sayo yung mahal mo, pero lahat naman yun tiniis mo at nagawa ka pa nyang itanggi sa lahat.. Hindi ka ba masasaktan nun? Makakaya mo pa bang bigyan sya ng "One More Chance"?

-----------------------------------

A/N: Lahat po yan Flash back lang :))))))))) Update ko soon ang First Chapter! :)

Medyo naiyak ako habang tinatype ko ang prologue. Hahaha

AT Please LAHAT PO YAN AY KATHANG ISIP LAMANG. Wala pong katotohan yan. Hindi po ito kwento na kagaya ng sa Magpakailanman o MMK na tunay na kwento talaga ng buhay ng isang tao. Inuulit ko, Kathang Isip lang po ito ni Author :))))))

Please Comment, Vote and Be a Fan! Love you all :*

----

@jhonaishdneym

ONE MORE CHANCE (KrisJoy Fanfics) <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon