ONE MORE CHANCE 2

191 4 1
                                    

"Ano ba kasing pinag-gagawa nyong tatlo at napuyat ka?" 










"Ah, Wala naman po. Kwentuhan.. Asaran.. Nuod ng DVD.. Foodtrip! Ganon po! Hm. Nasan na po pala yung dalawang yun?" 










"Nasa Labas eh.. Naglilibot sa village. Wala daw kasi silang magawa.. Ayaw naman mag-computer o kaya manuod ng TV." 









Tsk! Edi, sila na! Sila na nag gala! Haha! 










"Ang daya naman.. Di ako sinama :|" 










"Ang himbing kasi ng tulog mo.. Di ka na nila inistorbo.. Alam naman daw nilang puyat na puyat ka eh. Hm. Gutom ka na ba?" 










"Opo! Ano po bang breakfast natin ngayon?" 











Breakfast pa talaga natanong ko ah.. samantalang malapit ng maglunch.. Haha! Bakit ba? Wala pa namang 12 noon eh.. Kaya, Breakfast pa din yun o dapat ko yatang sabihin.. Brunch na nga pala ;) 










"Nagpaluto ako kay Manang Lorna ng Lomi eh. Kumain ka na.. Ipapahanda ko na sa kanya yung Breakfast mo. Tara na dun, sa kitchen!" 









Syempre, naglakad na kami papuntang kitchen! Haha. 










"Sige po! Ikaw po, Mhie? Tapos ka na bang kumain?" 










"Oo. Kanina pa. Busog pa naman ako eh. Sige na.. Maupo ka na.. Dun na muna ko sa may Living room. Antayin ko pa sina Tita Amy mo eh.. Ihahatid kasi si Barbie, sinamahan papunta dito." 










Ano daw? Ihahatid? Eh, dati naman.. Kapag napunta yun samin.. Di na nila hinahatid o sinasamahan eh.. Hindi naman kasi 'to ganon kalayo sa kanila eh.. Tsaka, nasa iisang village nga lang kame eh." 










"Ah, Bakit daw po?" 










"Naka-usap ko kasi yung Tita Amy mo.. Sabi nya sakin, kung pwede daw na dito muna mag stay si Barbie for 1 month. Wala kasi siyang makakasama sa kanila. Kasi, Aalis sila ng Tito mo.. Important daw kasi yun. Para yata sa business nila yun eh.. Tapos, yung Ate naman daw nya.. Busy sa work nya.. At isa pa, sa may bandang Biñan, Laguna na daw yun na-assign kaya bihira na syang makakauwi.. Dun na daw yun nag-stay sa relatives nila dun.. At yung Yaya naman nila, Nasa Province.. Nagbakasyon.. Eh, nung kailan lang daw nila kailangan umalis kaya di na muna nila pinaluwas yun agad. Wala pa naman daw kasing isang linggo na nagbabakasyon eh." 









Ang haba ng sagot ni Mommy.. Ginutom na ko :| Chos! Asan na ba yung Lomi?? Gutom na talaga ko. Gusto ko na kumain. Tsk! Takaw! Haha. Uyy, Hindi ah :) Masarap kasi yun eh.. Isa pa, masama malipasan ng gutom. Haha! 










"Talaga po? Wow! Atleast may makakabonding na po ako at makaka-girl talk kapag wala si Ate." 










"Usapang Lovelife?" 










Eh? Sabeh?! Ano daw? Usapang Lovelife? Tss. 










"Si Mommy talaga oh. Kung Ano-ano na lang tinatanong. Hm. Hindi po ah." 











"Teka nga, Anak.. Wala ka pa ba talagang nagiging boyfriend?" 










Tss. Yan na naman yung tanong na yan. Sa totoo lang, ilang beses na kong tinatanong dati ni Mommy tungkol dyan eh. 










"Mommy naman! Yan na naman tayo eh.. Wala pa nga po." 










"Eh, Manliligaw? Sa classmate or schoolmate mo? Wala pa din ba?" 










Tss. Nasa hotseat lang ako? Interview ang peg? Haha. Ang alam ko, kaya nandito kami sa kitchen kasi nga.. Kakain na ko dahil nagugutom na po talaga ko :| 










"Wala din po. As in wala talaga. Mga Bakla po kasi yata yung mga yun, maliban sa Tropa! Haha. Joke. Takot lang po nila sakin. Alam naman nila na ayaw ko pa eh. May mga nagta-try po, pero mga reject or basted po sila eh." 










Oha! Haba ng hair ko! Sumasayad na! Parang kay Rapunzel lang ;) Ingat ah! Baka po matapakan. Haha. Jk. 










"Bakit? Wala ka man lang bang nagugustuhan sa mga nanligaw sayo?" 










Sa totoo lang, mga Gwapo naman yung mga yun.. Mabait naman, at matalino din sila. Pero, wala eh.. Hindi ko talaga sila nagustuhan higit pa sa Kaklase/Kamag-Aral. 










"Wag po kayong mag-alala kapag meron na po.. Pag tinamaan na ng pana ni Kupido yung puso ko., sasabihin ko po agad sa inyo.. Agad-agad. Hahaha!" 










Pagbibiro ko naman kay Mommy.. Sobrang seryoso naman kasi ng usapan kanina eh. Medyo kakagising ko lang, tapos i-hot seat daw ba ko. Haha! Yung mga tanong pa. Tss. Tsaka, para lang naman kasi naming Barkada at Bestfriend si Mommy eh. Ang swerte nga namin sa kanya eh. 










"Naku! Tama na nga ang biruan.. Hm. Teka, diba gutom ka na?" 










Opo! Kanina pa ko nagugutom :| Buti naalala mo pan yan, Mommy. Haha! Syempre, di ko yan sinabi sa kanya. 










"Opo." 










"Teka, Tawagin ko na si Manang Lorna." 










"Manang Lorna!" 










Sigaw ni Mommy, pero di naman ganon kalakas.. Yun bang, sakto lang. Pagkatawag nya dito, ay pumunta naman ito sa kitchen at lumapit sa amin. 










"Ma'am, Bakit po?" 










"Paki-handa na po yung pagkain at inumin ni Joyce." 









."Ah, sige po.. Ihahanda ko na po, Ma'am." 










"Thank you, Manang. Punta na muna ko dun sa Living Room." 










Pagkasabi nun ni Mommy kay Manang ay pumunta na sya sa may Living Room At Inihanda na nga ni Manang Lorna ang Brunch ko.. 










"Sigurado, masarap 'to ng Manang. Ikaw pa! Ang galing mong magluto eh." sabi ko kay Manang, tapos nginitian ko sya.. Totoo naman kasi eh.. Masarap talaga syang magluto.. At isa pa, isa sa mga specialty nya ang Lomi. :) 










"Ikaw talaga.. Nangbola ka pa.. Pero, Salamat. Sige na, Kumain ka na." 










"Hindi po ah. Panigurado naman po, Masarap 'to eh." 










Tapos, tinikman ko na.. Tama nga ako.. Ang sarap nga ;) 











"Manang, Kumain na po ba kayo? Kain po tayo" 










"Salamat. Tapos na. Sige na. Kumain ka na dyan, punta na muna ko dun. Iwan mo na lang dyan pag tapos ka na. Ako ng bahala magligpit." pagkasabi nun ni Manang, umalis na sya. 










Bata pa lang ako, nagtatrabaho na samin si Manang Lorna.. Sobrang maalaga at mabait sya samin.. Pamilya na nga ang turing namin sa kanya eh. Nasa Kwarenta Anyos na siya. 





------------------------------------


COMMENT, VOTE and BE A FAN :) Thank you :)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE MORE CHANCE (KrisJoy Fanfics) <3Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon