The promise
of tomorrow
will only come true
if we stand up
and grab
the chance of
taking risks./16/ Nobody Will Save Us
[LOUELLA]
FAR from the usual trope in telenovelas, Lysander's family is very warm. The Vireos are an old rich family and a well-known line of politicians and business magnates that's why I'm expecting them to be somewhat like an aristocrat.
Lee's mother, who insisted to call her Tita Lorisa, is a petite small woman is also very bubbly. Hindi na niya ikinaila ang labis na tuwa na makita kami.
Well, Lee introduced me as her girlfriend, katulad nang napag-usapan namin kanina. Saka ko lang nalaman na kaya naman pala tuwang-tuwa ang mommy niya ay dahil ngayon lang daw may dinala at pinakilala ng personal sa kanila ang anak nila.
Nagkatingnan na lang kami ni Lee dahil alam namin parehas na hindi naman talaga 'yon totoo. If only they knew how badly the situation we're in.
Sinalubong din kami ng dad niya na si Mr. Alexis Vireo, ang kasalukuyang vice-governor ng probinsya nila. Like his wife, Mr. Vireo also got an upbeat energy, abot tainga ang ngiti at halos hindi na makita ang mga mata nito.
I also met Lee's younger sister, Allie, who seems very sweet. She innocently asked me what I liked about his brother and all I can answer is a shy smile.
After the introductions, kaagad kaming dinala sa dining area kung saan naghihintay ang tila isang piyesta. Paniguradong may expert chef sila dahil karamihan sa mga putahe ay hindi pamilyar sa'kin.
"Hay, I wish, Cassy's also here," sabi ni Tita Lorisa.
"She's very busy," komento naman ni Mr. Vireo. "Working in the law firm is her priority right now. Should we set her up? Baka mamaya mauna pang mag-asawa 'tong si Lysander." Sumulyap siya sa anak saka sabay silang natawa ng asawa. I awkwardly smiled while Lee didn't say a thing.
Katulad nang inaasahan ay nagtanong sila tungkol sa'min. Kung paano ba kami nagkakilala? Anong nagusuthan ko sa anak nila? Gaano na kami katagal? Kamusta ang family ko? At ano ang mga hobbies at interests ko.
I am no writer but I was also surprised at how I weaved a fake story about us. Kinuwento ko na nagkakilala kami ni Lysander sa isang minor class, I told them he first approached me to get my name. And the rest was fake history.
Ang tanging totoong kinuwento ko lang sa kanila ay 'yung tungkol sa family ko at sa influencer career ko. Hindi ko maiwasang mapangiti nang purihin nila ang achievements ko. How I wish my own family was happy like that for me.
Pagkatapos kumain ay nagpaalam si Lysander para kausapin ang dad niya. Habang si Tita Lorisa naman ay nagpaunlak ng house tour or should I say mansion tour.
BINABASA MO ANG
Alpas
FantasyDespite fame and success, Louella Starling is in deep melancholy for she believes that she's an impostor. One day she discovered that there's a mystical bird called Alpas that gives miracles and extraordinary courage to break free. Louella recruits...