Don't you think
it's not fair to think
for others first?
When will you
prioritize your own
feelings?/3/ It's Hard to Say No
[LOUELLA'S POV]
"CONGRATULATIONS, you passed the semester, Ms. Starling," bati ng professor ko sa'kin matapos nitong ipakita ang record ng grades ko sa laptop niya.
"Thank you po, Ma'am." Hindi naman mandatory pumasok ngayong araw dahil nakapag-finals naman na kami last week pa. But since I got nowhere else to go,ayoko rin namang magkulong sa condo buong araw kaya pinili ko na lang pumasok kahit wala na akong gagawin.
"No. You did this, tiga-compute lang ako ng output n'yo. So, you don't really need to thank me. Good job." Napangiti ako sa sinabi ni Ma'am kahit na may pagka-istrikta ang pagkakasabi niya.
How I wish most people around us recognized our efforts, sana maraming nakakapagsabi sa'tin na deserve natin 'yung mga pinagpaguran natin.
Matipid na lang akong tumango at saka umalis ng faculty room. Marami-rami pa ring mga estudyante ang naghihintay sa labas para malaman kung bagsak ba sila o hindi, most of them panigurado'y nanalig sa remedial.
"Uy, si Lou." Nagbulungan sila nang makita ako. Ang iba'y napangiti, 'yung iba'y dedma, may umirap, at may kumuha rin ng stolen picture ko.
Nginitian ko na lang sila kahit na hindi naman talaga ako obligado. I don't want them to think that I'm a snob bitch. Naranasan ko na kasing makatanggap ng tweet noon na sinabihang suplada raw ako dahil hindi ako ngumingiti kapag naglalakad sa campus.
I quickly walked away, avoiding their curious gazes. They're probably wondering if I passed o isa sa mga estudyanteng nanganganib bumagsak.
Nang makalayo ako sa area na 'yon ay tumingin ako sa relos ko. Wala pang lunchtime, masyado pang maaga para pumunta ng mall at kumain.
Bigla akong napatingin sa isang arko 'di kalayuan. Easton University Museum.
Kusa akong dinala ng mga paa ko roon. I never went inside that museum before, huling kita ko kasi doon ay ginagawa palang ito at hindi pa open sa mga students.
Bukas 'yung pintuan at walang nagbabantay sa may reception, nagsulat na lang ako sa log book sa may entrance bago pumasok.
Bumungad sa'kin ang tahimik at malawak na silid. I'm the only visitor at the moment and I don't mind it. I never considered myself a true introvert, but right now, this place is like a haven to me. It's so quiet, my steps are echoing inside the vast hall.
I mindlessly walked around, punom-puno ito ng mga inventions ng mga STEM students at siyempre hindi mawawala ang paintings and sculptures ng mga artist Falconians. Ipinakita rin ng museum ang history ng university at napakarami nitong achievements in academia.
BINABASA MO ANG
Alpas
FantasiDespite fame and success, Louella Starling is in deep melancholy for she believes that she's an impostor. One day she discovered that there's a mystical bird called Alpas that gives miracles and extraordinary courage to break free. Louella recruits...