Pinas na kami, Harry potter pa tawag sakin ng mga pinsan ko kasi ganun daw ako magsasita.
NAKAKAMISS SI BRENDON, sa isip isip ko. Di ako masaya, pero di ako umiyak kasi naexperience ko ang Fairytale sa kanya, hindi nga lang happy ang ending. Mommy ko din hindi masayang umuwi, kasi mahal na mahal niya yung step dad ko kahit gano pa kagrabi ang mga nagawa niya.
Sa madalit salita bumalik si mommy sa Africa, at ako bumalik na naman ako sa step 1 , yung pakiramdam ulit na walang ngmamahal sakin, iniwan ako ng mommy ko, na sa US pa din lola ko, wala akong contact sa daddy ko, forever alone na ulit ako tulad nung bata pa ako.
Umulit ako ng Grade 5 at 6 dito sa pinas, kasi iba daw ang curriculum ng science ng grade 5 and 6 ng Africa. Lagi ako ngddaydream sa klase na marami ngmamahal sakin, na di ako nagiisa pag-uwi sa bahay, na masaya ako, pero by the end of the day. Wala naman, panaginip lang.
Medyo naging tibo tibo ako, nagpaboy's cut ako ng buhok medyo pasiga siga ako sa class room. Paglalakwatsa ako para akong rakista manamit. Itim na itim ung pasligid ng mata ko, mukha na akong panda, in short MISERABLE buhay ko. :)
Dumating na ang araw na gagraduate na ako ng grade school, umuwi ang lola ko para lamang dun, dinala niya ako sa parlor pata naman maging mukhang babaena daw ulit ako. Nagulat mga kaklase ko, may isa pa nga na nagsabing, "maganda ka naman eh tinago mo lang".
Oo, siguro nga tinago ko. Siguro dahil takot akong magmahal dahil sa nangyayare sa mommy ko, o sadyang sanay lang ako namiserable buhay ko.

BINABASA MO ANG
A Vow On Forever
RomanceAlam ko sa panahon ngayon medyo skeptic na ang mga tao sa term na FOREVER, they feel na myth na lang talaga siya sa panahon ngayon. Me on the other hand, nasa sa tao naman na yan kung kaya nila i-maintain yang so called FOREVER na yan eh. Halika, ma...