First True Love

0 0 0
                                        

Kasunurang araw, inabangan ako ni Joana at ng Kuya niya sa gate ng school, yumakap at bumati si Joana sakin at si Jonathan naman nakangiti, "Kape naman tayo mamaya?" Sagot ko, "Hmm.. hindi pwede eh, kasi --- " biglang sinundan niya ng, "Sige na! Kasama naman si Joana",  tapos ngpuppy eyes naman tongsi Joana bigla sakin at ngmakaawa, "Sige na ate". Sagot ko, "oh sige na nga saglit lang ah". Sabay sila napa-Yes at nag-apiran. Pumasok na kami ni Joana at si Jonathan naman pinaandar na ang sasakyan niya at papasok na din sa eskwelahan niya. Ung uwian na, di ko alam kung naikwento ba ni Joana o coincidence lang na may dala dalang Tatlong Sunflower si Jonathan, at inbot ito sakin.. Naging daily routine na naming tatlo ang pagbobonding after class, di man kape minsan SM, minsan park, minsan sa kotse lang mgrroad trip. Lubusan namin nakilala ang isat isa. Hanggang isang araw ngtext siya sakin, "Lunch tayo sa Bahay hindi busy parents namin today, at lagi k naikwekwento ni Joana sa kanila, gusto ka daw makilala"

  Kinabahan ako kasi naalala ko yung teleserye n napanuid ko noon na Meteor Garden, yung nakakatakot yung nanay nung lalake sa kwento. Yun pala hindi, napaka-down to earth ng magulang niyaat laging pinipilit na kami magkatuluyan ni Jonathan. Dinadaan lang namin sa tawa ni jonathan kasi wala ngang panliligaw na nangyayare mgkatuluyan na agad?

Nung kinagabihan nun, may sunfower nanaman siya tapos tinanong niya, "Pwede ba kita ligawan" . Tinawanan ko lang siya, yun pala seryoso siya. Marami siyang mga nagawa para lng suyuin ako, yung mga kakornihan na susundan ko petals ng sunflower papunta sa isang gazebo na may dinner for two at marami pang iba. After 3 months na panunuyo, i said yes. Umabot na kami ng isang taon bago namin natikman ang First Kiss ko sa lips at first kiss niya sakin, kasi di naman ako ang unang nging girlfriend niya. 14 yrs old ako 17 siya pero wala kami pakielam. Mahalaga mahal na mahal namin ang isat isa. (Para sa mga batang audience, hindi ko na ilalabas lahat ng ditalye, oo bata pa ako nun, pero don't judge)

Malapit na kami mag dalawang taon medyo excited kami. Masaya din ang magulang niya samin, pero ngkaproblema lang dahil sa isang napakaliit na rason. Tumawag ng nanay niya, "Iha lunch tayo sa manila hotel". Binaba niya agad, at yung boses niya tila parang mangiyak-ngiyak dali dali ako pumunta sa manila hotel, nagkita kami, niyakap niya ako ng mahigpit, sumisinghot-singhot siya,

Me: "Hala bakit po"

Mrs.Cinco: "Hindi to alam ni Jonathan pero nagkaproblema sa kompanya, yung loko loko niyang tatay, binenta sarili naming anak"

Me: *Akala ko si Joana* "Ano po?!"

Mrs.Cinco: " We have a parnership in India, naniniwala si sila sa pag aarange ng anak nila inexchange of business. Pumayag si Enrico (Mr.Cinco) fibe years ago na if help is needed sa partners nila, papayag sila basta mgkaron lng ng kasintahan ang only daughter nila".

*una akala ko joke kasi sa teleserye ko lang naman nakikita ung ganun*

*totoo pala talaga*

Pag uwi ko ng hapon na iyon di ko na pinapansin ang text at tawag ko galing kay Jonathan. Uso friendster nun, deleted na din siya. Walang paramdam. Pumunta agad siya sa bahay, di naman ako naginarte at humarap ako sknya. Di niya alam kung bakit ako ngkakaganun. Sinabiko lahat. Gagawan daw niya ng paraan di daw siya papayag ng ganun. Ako daw ang mahal niya, pero sa katangahan ko nun, tinaboy ko siya, siguro dahil bata pa ako nun di ko alam ang dapat gawin sa mga problemang ganun. Kahit anong makaawa niya di ko na siya pinansin, mahal ko siya nun, pero feel ko dapat na ilet go. Makatulong man lang sa tatay niya na namumroblema. Ah basta...immature pa talaga utak ko. Hanggang ngayon parin ata eh. :)

A Vow On ForeverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon