==Eleina's POV==
" Okay ka lang ba?" Tanong sa akin ni Ivan habang tinitingnan ang mukha ko ng maigi. Naglalakad kasi kaming dalawa pauwi ng bahay.
Magbestfriends lang kami. PERIOD.
Ito na nga ang pinaka maligayang araw ng buhay ko kasi ngayon pa kami nagka time para makapaglakad-lakad kahit papano.
Masyado kasi siyang busy sa basketball, soccer at swimming lessons niya. At ngayon plano niya namang magdriving lessons kasi malapit na daw siyang magdebut at bibilhan na daw siya ng bagong sasakyan.
" Hahaha ano ka bah!" Sabi ko sa kanya sabay palo sa kanya ng mahina.. " Ayos lang ako noh. Ba't mo natanong?" Sagot ko sa kanya habang kumakain ng ice cream na binigay niya kanina.
" Kasi eh, parang may nag iba sa mood mo...nag-away nanaman ba kayo ni Cara?"
"Hindi naman, ewan ko lang nga eh kung magbabati pa sila ni Jax matapos niya kaming lokohin."
Tumahimik muna ang paligid ng sandali. Pakiramdam ko kami nalang dalawa ang naglalalad dito.
" Uhm, Eleina..."
Biglang nasira ang moment of silence nang bigla siyang magsalita. Hay buti nalang at nagsalita siya, hahhaha mahirap kasing magsalita sa kanya eh, nauutal ako. Wala akong masabi,ewan ko kung bakit.
" Ano yun?"
"Pw-Pwede ba--"
" Pwede ano?"
Ano kaya ang gusto niyang sabihin? Atsaka ba't parang pinapawisan pa ata?
" Pwede bang... ikaw na ang umubos ng ice cream ko? XD"
Hay nako itong si Ivan talaga oh! Kala ko kung ano na!! Eeehh sarap batukaaaannn.
"IVAN NAMAN OHHHH.."
" Oh? Haha diba paborito mo naman ang ice cream? Oh, sayo nah... 3 days nalang before summer. Kita nalang tayo bukas.. byeee."
Sabi niya sabay abot sa akin ng ice cream niya na hindi ko man lang ma-ayawan. At binatukan pa ako ng mahina sa ulo. Magulo na nga tong buhok ko ginulo pa niya =__=
Oo nga pala.. 3 days na summer na namin.
Hindi na namin makikita ang isa't-isa araw-araw.
******
RIIINNNNGGG!
" 2 days nalang! 2 days nalang! Hahaha" tuwang-tuwang sigaw ni Jax habang naglalakad sa hallway.
" Hahaha ano ka ba Jax? Ba't ganyan ka ka-excited? Magbabakasyon kayo sa ibang bansa noh??"
"Heh! Ano ka ba? Syempre hindi noh, excited ako bess kasi hindi ko na makikita yung Cara na yun."
Pag-aakbay niya sa amin ni Ivan habang hirap na hirap na naglalakad.
Nagsingitian lang kami lahat. Hay nako ito talagang si Jax kahit kelan.
" Oh, Jax kumusta naman kayo ni Gian?" Tanong ni Ivan sa kanya na dahilan para tumahimik bigla si Jax.
Unti-unti niyang binaba ang mga braso niya sa pagkaka-akbay sa amin.
"H-Hehehe ewan ko dun! Masaya na yun kay Cara kaya huwag na natin yun alalahanin."
Hay nako.. Jax. Biglang nag-iba ang mood niya. Syempre bilang mga kaibigan niya. Pinatawa namin siya ni Ivan.
Alam kasi naming napakalungkot para sa kanya na isipin na 2 dalawang araw nalang at hindi pa sila nagkakausap ni Gian.
"Jax, saan mo gusto pumunta? Dali! Sabihin mo lang sa amin! Half day lang naman din tayo diba?"
" hahaha ano ba Eleina? XD sige na nga! Gusto ko sa... MALL!"
" Sigurado ka? " tanong ni Ivan
Grabeh, hindi ko maisip na magiging ganito kami ka close ng mga kaibigan kong mga toh. Salamat sa kanila at medyo hindi mahirap sa akin tanggapin ang lahat.
"Oo naman syempre!" Hahaha
Okay back to reality.
" Eleina? Tumahimik ka ata? May something ba dyan sa isip mo?" Tanong sa akin ni Ivan. Ba't ganon? Lagi nalang si Ivan ang nakakapansin kung may iniisip ako, dinadamdam oh ano? Hahah ganyan talaga siguro ang mga sensors kapag bestfriends.
" Iniisip mo nanaman siya noh?" Singit naman ni Jax habang ngumingiti..
"H-Hindi Jax noh!"
" Hay nako..halata kaya sa mukha mo pag iniisip mo siya, babalik lang yun Eleina. Summer siya babalik dibah? Hintayin nalang natin yung balik niya" pangiting sabi ni Jax sabay akbay sa akin.. nakita ko ring palihim niyang sinenyasan si Ivan para sumingit rin sa usapan.
" A-Ah oo tama si Jax! Babalik din yun sigurado.." payuko niya namang sabi.. hahaha
Hay..hahah kayo talaga oh..
==Ivan's POV==
"Sa Arcade nalang kaya tayo?"
Pagsa-suggest ni Eleina sabay hila sa mga braso naming dalawa ni Jax.
Ang saya namin tatlo, hindi nga ako makapaniwala na mangyayari toh.. matagal-tagal rin kasi kaming walang bonding kasi magkakaiba ang mga section namin.
Iba't-iba ang mga kabusihan ang ginagawa namin araw-araw.
Mabuti naman at sumaya na rin si Eleina, alam kong miss na miss niya na si Arthur. Pumunta kasi sila ng England for 6 months, alam naman rin ng school na ganoon ang mangyayari kaya hinayaan nalang nila.
Mula dito tinitingnan ko ang mukha niya, minsan tinatanong ko sa sarili ko kung may oras ba na hindi niya iniisip si Arthur kapag siya lang mag-isa o kaya kahit kasama niya kami ni Jax.
6 months.6 months na walang kakompetensiya. Siguro naman madali nalang para sa akin na iparamdam kay Eleina na gusto ko siya. Pero hindi, hindi pala. Hanggang ngayon alam kong sa likod ng mga masasayang mata niya ay iniisip parin niya si Arthur.
Nakaupo lang ako sa may bench sa labas. Tinitingnan ko sila mula sa glass window habang naglalaro ng kung ano-ano.
Napansin kong napatingin sa akin si Jax.
Patay. Huli ka na Ivan...Huling-huli ka na... >_Nakita kong nagpaalam muna siya kay Eleina, lalabas ata siya.
Umupo siya sa tabi ko. Ewan ko kung bakit pero bigla nalang ako kinabahan.
"Ivan, may gusto ka nga kay Eleina noh?"
Patay. Buking. Paano ba yan? Magrarason pa ba ako?
" J-Jax eh.."
"Ivan, huwag mo na itanggi. Hindi ko naman sasabihin sa kanya. Ba't ayaw mo pang aminin? Takot ka ba na baka aminin ko sa kanya? Ivan kilala na kita, magbestfriends na tayong tatlo since grade one."
Hay, oo nga pala. Hehehe sa sobrang kaba ko na baka malaman ng ibang tao pati tuloy ang bestfriend kong si Jax hindi ko nasabihan sa mga sikreto ko.
" Ewan ko Jax eh, ba't ganun? Alam ko namang walang feelings yun si Arthur kay Eleina pero bakit siya pa ang napili ni Eleina?"
"Ivan, maniwala ka man o hindi...alam ko na iba si Arthur. Aaminin ko, isa siyang selfish, mayabang, masungit at pranka na tao, tahimik lang siya pero top 1 parin, kahit busy at Hindi na nakakapag-aral parang madali lang sa kanya ang lahat. Magkakaiba tayong lahat. At alam ko na sa kabila ng mga kasungitan niyang ipinapakita, bestfriend parin natin siya at alam kong mahal niya tayo lahat."
"Yun nga ang nakakapagtaka eh..sa sobrang sungit niya ba't nagkagusto pa si Eleina sa kanya?"
"Malay mo, may nakita si Eleina sa kanya na hindi madaling makita ng iba. Sabi nila....Love is Blind,pero para sa akin hindi mismo ang mga nagmamahal ang bulag sa pag-ibig, kundi tayo lang mismo ang bulag sa kanilang pagmamahalan."
BINABASA MO ANG
The Promise
JugendliteraturMahirap mabigo sa pag-ibig, pero mas mahirap tanggapin ang katotohanang ni minsan hindi mo inakalang darating. Paano mo tatanggapin ang isang pangyayaring Disguise?