==Arthur's POV==
"Uhmm, lola eto ho oh.." pangiti niyang sabi habang inaabot sa matanda ang bente..
"S-Salamat..S--Salamat.."
I was waiting 5 minutes looking for someone na lalapit sa matandang pulubi.
Lalapit na sana ako nang biglang lumapit ang isang babaeng naka-uniform, same school as mine.Mula dito alam kong si Eleina yun.
Hindi ko inexpect na siya ang UNANG makikita kong lumapit.
Kahit na konti lang ang kanyang baon nagbigay parin siya ng 20 pesos sa matanda. Nakita kong tumitingin siya sa wallet niya, nagbibilang kung may pamasahe pa ba siyang magagastos.
Eleina Gabrielle Ramirez, magkakakilala na ang parents namin since grade one. Close na close ang mga magulang namin pero kung titingnan...ang mga anak nila ay hindi.
~~~~~~~~flashback~~~~~~~~
"Hi!ako nga pala si Eleina... ikaw?" Pangiti niyang sabi sabay abot sa kamay niya...
"A-Arthur...."
"Hello Arthur! :D hali! Laro tayo dun oh!"
Pagyayaya niya sa akin habang tinuturo ang playground namin. Bigla niya nalang hinawakan ang kamay ko.
"B-Bitawan mo nga a-ako!"
~~~~~~~~flashback~~~~~~~~
Hahaha hindi ko talaga makalimutan ang mga araw na iyon.
Everyday at school lagi ko siyang inaasar, and in return she just apologize with a sincere smile in her face.
Hanggang ngayon hindi ko parin alam ang rason kung bakit iba siya magalit. Inaasar ko na siya pero ngumingiti parin siya sa akin. Pero ngayon... ayaw na niya siguro maulit ang mga panahong yun.
"Tutulo na ang laway mo."
Psssh~Halatang-halata sa mukha niya ang pagka-ignorante... grabe naman to makanganga parang bata.
"Heh!" Masungit niyang sagot.
Pinapasok ko naman siya sa living room namin, para maupo..
"Dyan ka lang muna, tatawagin ko lang si Ate Nena, huwag kang gagalaw na kung ano dyan, hindi yan sayo."
"Psshh, okay po sir! Hindi na ako bata Arthur noh? Di na ako yung dating Eleina na inaasar mo.."
Dating Eleina? Oo, tama nga pala siya. Nag-iba siya...sa akin lang. Hindi niya siguro alam na nakita ko siyang tinulungan yung matandang pulubi na iyon.
Hindi ko masabing friends pero naging close rin kami ng Eleina na iyan, siya kasi ang unang babaeng natagalan kong tiisin, not to be harsh pero di siya tulad ng iba...yun ang ibig kong sabihin.
"Oh! Arthur, nakauwi ka na pala..may kailangan ka ba o ano?"
"Uhm, Ate Nena pwede mo po bang ibili ang lahat ng nasa listahan dito?"
Binigay ko kay ate Nena yung listahan ni Eleina. Malakas na kasi ang ulan kaya hindi niya na yun mabibili.
Bumalik ako sa living room dala-dala ang isang first aid kit nang makita kong may isang babaeng kausap si Eleina..
"Mom?"
"Ay! Arthur, nandyan ka na pala..kinakausap ko lang to si Eleina, so Eleina napaka dalaga mo na tingnan ha..may boyfriend ka na??" Ngiting-asong pagtatanong ni mama habang tumitingin kay Eleina ng maigi.
BINABASA MO ANG
The Promise
Teen FictionMahirap mabigo sa pag-ibig, pero mas mahirap tanggapin ang katotohanang ni minsan hindi mo inakalang darating. Paano mo tatanggapin ang isang pangyayaring Disguise?