==Arthur's POV==
I really don't like badminton that much. Actually second time ko pang maglaro nun which is sa court kasama si Eleina.
My father was the last one to play that sport to me. At hanggang ngayon sa tuwing naglalaro ako, naiisip ko si papa.
"Wooow,, ang galing...."
"Naglalaro pala si Arthur sa P.E time?"
"Grabeh sila kung maglaro...hindi pa bumababa ang shuttlecock."
Ganyan ang naririnig ko habang naglalaro kami ni Eleina. Actually, expected ko naman na expert siyang maglaro nito.
Naalala ko nung pumunta kami sa bahay nila, niyaya niya akong maglaro ng Badminton pero tinanggihan ko ito kasi ayaw kong makipaglaro sa kanya.
Hahaha. ang nakakatawa lang eh, nakakalaro ko na siya ngayon kahit tinatanggihan ko siya noon.
PRRRRRRRTTTTTTT!!
Last strike ko at unang bumaba sa kanya.
Narinig naming nag-whistle na si Sir Ramon kaya tumigil kami sa paglalaro.
"Okay! Nice game everyone! Nice game!"
Napansin kong napangiti sa akin si Eleina matapos nun, sabay lapit sa akin..
"Hindi ko alam na magaling ka pala! Hahaha ikaw talaga." sabi niya sabay tawa.
"I know." Pagmamayabang ko sa kanya.Ewan ko pero kahit kelan puro nalang pang-aasar at pagmamayabang ang ginagawa ko sa kanya. For once, I thought, hindi niya na siguro ako makikilala pag biglang bumait ako sa kanya.
"Hahah hay nako! Milkboy! Kahit kelan hindi ka nagbabago." Paghahalakhak niya sabay palo sa akin ng mahina aa braso.
Pshhh ayan nanaman siya. Tumatawa. Teka..ano ulit yung sinabi niya??!!
Milkboy?!!
"PSSHHH, MILKBOY KA DYAN! Nang-aasar ka lang ba talaga? Hanggang ngayon hindi mo parin yan makalimutan."
Tawa lang siya ng tawa, and this time mas lumakas pa yung tawa niya.
Ughh, nakakainis. I hate that name.
"Ang bilis mo naman mapikon.. heh! Sorry na..ikaw talaga...hahahaha!" Pagsasalita niya habang pinipilit ang sarili na tumigil sa kakatawa.
"Eleina...!"UGH. BA'T DI KO KAYANG MAGALIT?!! Dapat galit na galit na ako sa kanya tulad noon!
Dapat nga sinasabi ko na sa kanya ang mga masasakit na salita ko tulad ng..
"Shut up.Loser." o kaya ng.. "INSECURE."
Alam kong maiinis na siya kapag sinasabi ko yun.
Nakakainis. Bumabalik nanaman itong mixed feelings ko.
Nauna na akong naglakad sa kanya, hindi ko nalang siya pinansin. Naglakad ako papunta sa room nang makita ko siyang pumunta muna sa ibang direksyon...saan naman kaya yun pupunta??
==Eleina's POV==
Nagtataka siguro ang marami nang tawagin kong Milkboy si Arthur.
Ganito kasi yan, nung bata pa kami, eager na eager na ipa-audition ni Tita Joy si Arthur para sa isang commercial at ang product ? Gatas. HAHAHAHA maputi raw kasi siya at sa gatas daw ipinaglihi ni Tita Joy si Arthur kaya nung ikwento niya sa amin yun tawa lang kami ng tawa ni Ina habang si Arthur naman nagmumukmok sa labas.
Paglabas ko ng court, hindi muna ako dumiretso sa classroom. Gusto ko pa kasing pumunta sa canteen kasi nagugutom parin ako.
*******
"Uhm, ate isa nga hong orange juice at burger.."
Habang bumibili nakita kong magkausap sina Jax at Gian malapit sa H.E building namin, nagtatawanan, napa ngiti naman ako mula dito.
"Iha oh..." pag-aabot sa akin ni ate sa binili ko sabay abot ko rin ng bayad sa kanya..."salamat :)"
Naglakad na ako pupunta sa room...habang kumakain. Pansin kong bago pa ako umakyat sa stairs, sinalubong ako ng mga kaklase kong si Jenny, Andrea at Rachel.
Hindi ko nalang sila pinansin, at naglakad lang ng naglakad..
Nang mapansin kong bigla nila akong harangan..
"May problema ba tayo?" Tanong ko sa kanila habang tinitingnan sila ng maigi.
"HA! Tinatanong pa ba iyon? Alam mo bang sobra na kaming nalalandian sayo?? Una si Ivan, ngayon si Arthur....sino naman ang isusunod mo? Si Lawrence? YOU Slut." Sabi ni Jenny sabay tingin sa akin from head to toe.
Grabe naman sila makasalita. Kailangan ko pa bang iexplain sa kanila na walang malisya ang lahat? EH KUNG TITINGNAN MAS SLUT PA NGA YUNG MGA MUKHA NILA EH.
"Jenny, bestfriend ko si Ivan, at mas lalong-lalo na... childhood friend ko si Arthur kaya kung mararapatin wala akong nilalandian sa kanila." Pagpapatuloy ko sabay hakbang ulit pataas sa stairs.
"Grabe ka rin noh??!!" Napansin kong kinuha ni Rachel sa akin yung orange juice ko, iiwas na sana ako nang makita kong napatulala si Rachel.
Tiningnan ko yung direksyon kung saan siya nakatingin, tumingin ako sa likod at nakita ko si Ivan, seryoso ang mukha, habang nakalagay ang mga kamay sa bulsa.
Napatingin sa Ivan sa amin. At ako rin sa kanya.
Pinuntahan niya ako sabay ngiti.
"Anong problema dito Eleina?"
"W-wala naman!"
"Ahhh, ganun bah" sabi niya sabay akbay sa akin.. hay nako... ito talagang si Ivan oh..
"Sayo yang juice?" Tanong niya kay Rachel habang tinuturo yung juice sa kamay niya.....
"Ahh, ehh-- oo."
Mula sa ngiti, biglang suminangot si Ivan, oo, ganyan siya kapag nay nase-sense siyang mali sa isang tao.
"Liar. I saw everything. Hali na Eleina, let's leave these.....sluts." humina na ang boses niya pagdating sa huling word pero sakto na para marinig nilang tatlo.
Nagulat ako sa sinabi ni Ivan, hindi naman sa hindi ko alam ang ugali niya, ngayon ko pa kasi siyang nakitang nagsalita ng ganyan sa isang tao.
Hindi kasi nagsasalita ng masama si Ivan kahit na may napapansin na siyang iba, hindi niya lang ito pinagpapansin.
Hanggang ngayon akbay-akbay parin niya ako..
"Sinaktan ka ba ng mga yun??"
Akala ko bah... I saw everything?? Hahahahahah
"Heh! Hahaha ikaw ha! May pa I saw everything ka pa dyan! Di naman nila ako sinaktan. Pero paano mo nalaman na hindi sa kaniya yung juice?
"Ahhh, hahahah! Yun bah? Natapos ko lang kasi basahin kagabi yung Psychology book na bigay ni Ate kahapon."
Ah, kaya naman pala. Oo ganyan si Ivan, matalino, mahilig magbasa. Kahit sing kapal pa ng Atlas ay natatapos niya agad basahin within 1-2 days, depende kung busy.
Nagtataka nga ang lahat eh kung bakit hindi siya napunta sa "FIRST SECTION" daw. Sabi niya sa akin, magkaklase daw sana kami ngayon pero since nalaman niyang maraming.... mayayabang at plastic na tao sa amin, nagpalipat siya.
Ayaw niya din kasi ng competition.
"Sa susunod, mag-iingat ka ha..kung pwede itext mo ako or tawag!"
Hay nako... Ivan talaga, napatawa rin ako sa sinabi niya. Napakapalad ni Cara sa kaniya kung sila ang magkakatuluyan.
Mula dito tinitingnan ko ng maigi si Ivan, tumatawa.Masasabi kong ang bait talaga ng bestfriend ko...kailan kaya ako makakakita ng tulad niya?"Sige, mauuna na muna ako ha? Ingat byeee." Pangiting sabi niya sabay kaway.
Pumasok na ako sa room, umupo sa Armchair sabay kain. Hindi ko namalayan na lahat ng mga babae nakatingin sa akin.
PATAY AKO NITO.
BINABASA MO ANG
The Promise
Teen FictionMahirap mabigo sa pag-ibig, pero mas mahirap tanggapin ang katotohanang ni minsan hindi mo inakalang darating. Paano mo tatanggapin ang isang pangyayaring Disguise?