==Eleina's POV==
"Uuwi ka na agad?"
Tanong sa akin ni Cara habang humahabol sa akin sa paglalakad"Oo Cara eh.. kayo ni Jax?"
"Hindi pa kami uuwi ni Cara eh kasi nakakainis tong Voleyball coach namin ayaw kaming ipaabsent sa training..." sagot naman ni Jax habang nakasuot na pang Voleyball atttire.
"Mag-iingat ka ha?" Paalala sa akin ni Cara sabay abot sa akin ng libro niyang Disguise by Glittercake, gustong-gusto ko na kasi yun hiramin eh..
"Hahah tama si Cara, mag-ingat ka nga! Alam naming may pagkatanga ka naman.." singit naman ni Jax.
"Heh!"
Tumawa naman kaming tatlo matapos nun.Medyo kumukulimlim na uulan na ata mamaya. May ipinag-uutos pa kasi si mama sa akin na bilhin kaya kailangan ko munang umuwi ng maaga.
Okayy... patingin ngs sa listahan na binigay ni mama..
1.Carrots(4)
2.Pechay(3)
3.Patatas(5)
4.Red Bell pepper(2)
5.....Hindi ko naipatuloy ang pagbabasa ko nang may mabunggo ako na isang lalaki.
" ayy, s-sorry.." payuko kong sabi sabay lakad ulit paalis.
Nakakahiya naman, mamaya nalang ako magbabasa, tama nga sila bess, may pagka tanga nga ako XD
Usok.Ingay ng busina.maraming tao. Ganito talaga palagi ang nadadatnan ko sa tuwing maghihintay ako ng masasakyan papunta sa palengke. Malayo-layo kasi ang palengke sa amin eh.
"P-Palimos H-ho.."
Habang naghinhintay, isang matandang babae sa likod ang narinig kong nanglilimos pero ni isa sa mga taong dumadaan hindi siya pinapansin..
1.
2..
3...
4....
5.....
Sinubukan kong maghintay ng limang minuto, limang minutong paghintay sa isang taong lalapit para may pumansin sa matandang pulubi.
Hindi ko na to kaya...sa tuwing nakakakita ako ng mga matatanda na napag-iwanan na ng panahon, sumasakit ang dibdib ko.
Lumapit ako sa matanda...kinuha ang wallet ko sabay labas ng 20 pesos..
"Uhmm, lola eto ho oh.." sabi ko habang inaabot sa kanya ang pera .
"S-Salamat..S--Salamat.."
sa totoo lang pamasahe ko yun eh, pero alam kong meron pa akong natitirang allowance dito sa wallet ko kaya---
"H-HOYYY! YUNG WALLET KOOO!!"
NINAKAW ANG WALLET KO!!
hinabol ko yung taong nagnakaw sa wallet ko. Hindi ko na alam kung saan ako mapadpad nito pero yung w-wallet ko...ba't ko pa kasi yun nilabas eh!" HOY! B-Bumalik ka ditoooo!!!"
Takbo.Talon.Hingal.Takbo ulit.
Please naman..
Takbo lang kami ng takbo, hindi ko na iniintindi ang mga taong tumitingin.
H-Hindi ako makakauwi nito.. pleasee..parang awa na..
Isang lalaki,isang lalaki ang tumatakbo kasama ko. Inunahan niya ako. Mukhang hinahabol niya yung magnanakaw.
(BOOOGSH)
"A-Aray.."
Nadapa tuloy ako..ang lampa ko talaga.
"Y-Yung w-wallet ko.."
BINABASA MO ANG
The Promise
Fiksi RemajaMahirap mabigo sa pag-ibig, pero mas mahirap tanggapin ang katotohanang ni minsan hindi mo inakalang darating. Paano mo tatanggapin ang isang pangyayaring Disguise?