==Eleina's POV==
"Nak! Gising! Gising na nak! Hindi ka ba papasok??"
Binuksan ko ang mga mata ko nang makita kong niyuyugyog na ako ng mama ko, ginigising na ako para pumasok.
"Ma....! 5 minutes.."
"Hay nakooooo! Eleina gumising ka na nga! Nandyan na si Ivan at si Jax sa sala oh naghihintay!"
ANO?!
Bigla kong nabuksan ang mga mata ko, nakaramdam ako ng pagmamadali. Dali-dali akong bumangon para kunin ang tuwalya ko at maligo..
Ba-Ba't ba sila napapunta??
Ligo. Bihis. Prepare ng gamit.labas.
"Nak!! Hindi ka pag nag-almusal!"
Paghahabol ni mama sa akin sa kanto habang naglalakad na kasabay sina Jax."Okay lang po ma!! Kaya ko pa naman rin eh!"
Nakita kong kasama na namin si Ivan ngayon, tahimik, nakapamulsa pa.
"Ivan? Hindi yata kita nakita kahapon? Ang tahimik mo ata ngayonnn?? Hahaha! Huwag mong sabihing......."
"S-Sabihing a-ano???" Kabang-kaba niyang sabi habang umiiwas ng tingin. Nakita ko pang pinipigil ni Jax ang tawa niya...
"Wahhh Ivan grabe ka kung manginig ha! Hahaha para kang pusa kung magulat."
Pang-aasar ni Jax habang pinipigil ang sarili sa kakatawa."Huwag mong sabihing nagconfess ka na kay Cara!"
"Hindi noh! Magbestfriends lang kami period."
Pagrarason niya sabay akbay sa aming dalawa ni Jax.
Hay nako.. Ivan Aux C. Ramos, ang bestfriend naming makulit, half-torpe~ Half-baliw. Kahit kelan talaga hindi niya magawang amining kay Cara ang nararamdaman niya.
Okay lang naman sa amin ni Jax eh pero hanggang ngayon nahihiya parin siyang humingi ng permiso sa aming dalawa ni Jax na ligawan ang isa pa naming bestfriend....... si Cara Marielle L. Dizon.
"Ows? Kung makatanggi ka parang mapupuno ang isang balde sa kakapawis mo." Sabi ni Jax habang kumakawala sa pagkakaakbay sa amin ni Ivan.
Hindi naman sumagot si Ivan, ginulo lang niya ang buhok ni Jax sabay takbo habang humahalakhak sa kalsada.
Ganito kami ka saya palagi kapag magkakasama kaming lahat. Ang problema lang, napagkakamalang bading si Ivan dahil "only girl" lang naman siya sa amin.
"Ivan...." sabi ko sa kanya habang papasok na kami sa gate ng school.
"Ano yun?"
"Hindi ka ba naiilang sa amin? Baka kasi mapagkamalan ka ng iba ng..."
"...ng ano? BADING? SUUS.. huwag mo lang yan silang pagpapansinin. Nandyan lang sila para humusga, pero ni isa sa kanila hindi ko matawag na totoong kaibigan.."
"Hahaha ano ka ba Ivan na-TATS (touch) ako dun ha!"
Oo ganyan talaga si Ivan, siya ay isa sa mga heartthrob ng school namin. Hindi siya ngumingiti, hindi rin siya tumatawa kapag iba ang kasama niya. Rason niya? Napapaplastikan daw siya sa lahat ng lumalapit sa kaniya. Except sa amin syempre.
Alam niyo? May pagkapareho sila ni Arthur...ang kaibahan lang, bestfriend namin si Ivan at mas kilala namin siya.
BINABASA MO ANG
The Promise
Teen FictionMahirap mabigo sa pag-ibig, pero mas mahirap tanggapin ang katotohanang ni minsan hindi mo inakalang darating. Paano mo tatanggapin ang isang pangyayaring Disguise?