Kfyler POV
Nagising nalang ako nasa isang kama at may nakakabit na kung ano ano sa akin-- Nasa Ospital ako, may pumasok sa kwarto kung nasaan ako-- Doctor.
" Iho, maari kana umuwi sa bahay nyo " Wika nya habang nakangti.
Sumakay ako nang taxi papunta sa bahay namin, nang maalala ko ang nangyari kahapon kay Ate.
Pumasok ako sa loob nang bahay at nanuod nang TV.
" May mga kumakalat rumors po na nakakita daw kayo nang Miscreant ? totoo po ba ito ? at ano po ang mga katangian nila ? " - Host
" Oo, ang mga Miscreant ay hindi kumakain nang pagkain nang mga tao, kundi tao ang kinakain nila at hindi rin sila tinatablan nang mga kutsilyo o matutulis na bagay " - Guest
Bigla ako nagutom, kumuha ako nang pagkain sa ref at kinain ko ito, di ko ala agad ako napatakbo sa CR at sinuka ang pagkain.
Parang clay ang lasa, kumuha ako nang iba pang pagkain at sunod sunod ko kinain ngunit ganun rin ang nangyari sinuka ko rin.
Hindi kaya isa akong Miscrea-- HINDI hindi ako halimaw.
Kumuha ako nang kutsilyo, tinaas ko ang aking damit at tinusok sa tyan ko. Malakas na pwersa ang binigay ko, nang tumama ang kutsilyo sa tyan ko nabali lang ito.
" Nagiiba nang nagkulay ang kanilang mata pag sila'y gutom, ang kanilang mga mata ay nagiging pula " - guest
" Sir, ano nga ba talaga ang Miscreant ? " - Host
" Mga itsurang tao pero halimaw-- Mga walang awa-- Pumapatay nang Inosen--- " - guest
Pinatay ko ang TV, di maari hindi ako pwede maging halimaw.
" Ate ayaw mo ang luto ko "
" Hindi Diet ako "
" Ang mga Miscreant ay hindi kumakain nang pagkain nang tao "
Si At-ate ay isang Miscreant !?
Di ko namalayan na nasa labas na pala ako nang bahay namin may mga bata,dalaga,binata,magkasintahan,matanda.
" Fle-Flesh " Hindi ko alam, pero bigla nalang hinanap nang katawan ko.
Naglakad lakad ako upang makalimutan ang mga pangyayari, napadpad ako sa isang malawak na alley nang may nakita ako isang Miscreant kumakain sya nang tao.
" Pu-pula yang mga mata mo, gusto mo ? " Pinutol nya ang kamay nang taong kinakain nya at inabot sakin.
Bago pa man makalapit sakin ang lalaki, may dumating na babae at pinutol ang ulo nang Miscreant sa nakikita ko isa rin syang Miscreant dahil sa kanyang mga mata.
Lumapit sya sakin " One-eyed Miscreant" Kinuha nya ang kamay nang tao at nilapit sakin " Kumain kana ba ? " Tanong nya.
" Hi-hindi pa " nanginginig kong sagot.
Bigla nya pinasok sa bibig ko ang kamay, nilunok ko to parang bang nakakain ako nang Som Tam sa sobrang sarap. Pero hindi maari-- pinilit ko idura ang kinain ko.
" Bat mo ginawa yun !? Hindi ako halimaw katulad nyo !! " Galit kong sabi.
"wala ka palang lugar sa mundong to kung hindi ka Miscreant hindi karin Tao." Wika nya " Pwede ka uminom nang kape or tubig hindi masama yun sa mga Miscreant" Dagdag nya at umalis sa harap ko.
" Wala akong lugar sa mundo ? "