Kfyler POV
Biglang may dumating na lalaki
tumingin sya sakin at pumunta sa babae." A-ano ginawa mo sa kanya " namumugto ang kanyang mga mata.
" Bi-bigla nalang may lumabas na kung ano sa likod ko, hindi ko alam hindi ko ma control " pagpapaliwanag ko.
" Miscreant ka pala, may matutulugan kaba ? " nakangiting saad nya.
" wa-wala "
" kung gusto mo pwede samin " at binuhat nya babae sa likuran nya at naglakad na sumunod nalang ako.
Bigla sya huminto sa tapat nang isang coffee shop at pumasok sya ganun din ang ginawa ko.
Pag pasok namin may apat na taong naka uniporme siguro nag tra-trabaho sila dito.
Lumapit ang kasama kong lalaki sa mga nagtratrabaho, at nag usap sila, Sinabihan ako na sumunod sa itaas.
Nang makaakyat kami may 5 kwarto pumunta sa ikaapat na kwarto ang lalaki at inihiga sa kama ang babaeng karga karga nya. Pumasok ang apat sa ika limang kwarto at sinabihan ako na sumunod.
meron ditong 10 upuan at isang mahabang mesa, umupo ako ganun rin ang ginawa nila, biglang pumasok ang kasama kong lalaki kanina at umupo.
" Hi ako nga pala si Natsuki anak ako nang may ari nitong coffee shop at ang babaeng nakalaban mo kanina ay si Shiro kapatid ko sya " wika nya.
" Ako naman si Hanazawa " wika nang babaeng mahaba at kulay puting buhok, maganda sya.
" Yuichi " nakangiting sabi nang isang babae na naka pusod naman ang buhok.
" Yo, Takayuki here " wika nang lalaki nasa 20s siguro at kumaway.
" Hi Mamuro ang pangalan ko " wika nang isamg lalaki na parang nasa 30s na sya.
" Ano pangalan mo ? " wika ni Natsuki.
" K-kfyler "
" Kapatid ka ni Akemi ? "
" Kilala nyo sya ? "
" Oo, Kaibigan namin sya "
Nag kwento sya tungkol sa papa nya at sa kung ano anong bagay, Nandito ako ngayon sa kwarto ko sabi ni Natsuki hindi libre ang pag tira ko dito mag tra-trabaho ako sa coffee shop para mabayaran ang pagtira ko dito.