Hey! Daddy

613 1 0
                                    

SAM POV'S
         Naabutan ako ng umagang araw,  at nakita kong wala na si Cedrick sa tabi ko, kaya ako napabangon, at kumuha ng twalya na, pag balot ko sa katawan kong hubad pa..agad akong pumasok sa banyo, at naligo tsaka ako nag bihis, pagkabihis ko, nakita ko ang pera na nakalagay sa tabi ng Lamp kaya agad kong kinuha at nilagay sa wallet ko..

Agad akong bumababa, at bigla akong nagulat ng nakita ko si Cedrick na naghahanda ng almusal..

“ Good morning baby ” bati niya sa akin at ngumiti, nagtaka ako ng tawagin akong baby..

“ Kala ko ba umuwi kana? ”saad kung ganun at tsaka ako humarap sa mesa na may pagkain..na halatang nag order pa siya at mga iba ay niluto niya..

“ Umuwi ako, pero bumalik ako agad, para sabay tayong mag almusal, tara kain na tayo ” sambit niya sa akin, wala na akong magawa kundi, kumain nalang, kahit di ako kumakain ng almusal...

“ Musta pakiramdam mo ” saad niya sa akin, nagulat ako ng tanungin niya sa akin yun..

“ ayos naman ” sagot kung ganun at sabay subo ng pagkain...

Pagkatapos kami kumain, agad kaming nagtungo sa sala, at nanood ng Tv...

Lumipas ng tatlong Oras ng biglang may tumawag kay Cedrick...agad naman niya ito sinagot. 

Pagkatapos ng kanilang pag uusap ay napaupo sa tabi ko...

“ hmmft Sam, uwi muna ako ah, hinahap kasi ako ni ma'am at kailangan kong papasok sa office ” saad ni Cedrick..

Tumango nalang ako, diko akalain na hahalikan ako ni Cedrick at dali dali siyang lumabas ng bahay....

Narinig ko rin ang pag andar ng kotse niya..kaya ang ginawa ko ay pumasok nalang ako sa kwarto at kunin yung selpon ko......

Nang tatayo sana ako ng biglang may kumatok sa pintuan, kaya dali dali kong binuksan at tumambad ang mukha ni Kuya  Gab sa  akin...kasama niya si kuya Ced, na may dalang maleta...

Diko inaasan napayakap nalang ako , kay kuya...at tsaka bumitaw din agad..agad din silang pumasok sa bahay at umupo sa sofa..

“ Kuya kailan pa kayo umuwi dito sa pilipnas ” tanong ko sa kuya ko, na halatang pagod...

“ah Kahapon,.di kami dumaretso dito sa bahay, sabi kasi ng kuya Ced mo na dun muna kami sa bahay nila dadaretso ” paliwanag ni ate sa akin, at tsaka ako kumuha ng tubig...at nilapag sa mesa na nasa harap nila....

“ Nasabi ni Cedrick sa akin, na dito daw siya natulog kagabi ” agad pang sabi ni ate, na kinagulat ko, at baka nag kwento si Cedrick sa kanila....

“ Ah Oo, may nakwento bang iba ni Cedrick sayo kuya ” tanong ko sa kuya ko....na umiinom ng tubig..

“ Wala naman, meron bang dapat siyang ikwento ” saad ni Kuya, agad naman akong tumango...

“ Ah wala po naman kuya ” tsaka ako yumuko..

Agad namang nagtungo si kuya sa dati niyang kwarto at kami lang naiwan kay Kuya ced sa Salas, kaya napatayo ako at pumunta sa kusina...para mag luto ng Lunch..

“ Kuya Ced, kailan kayo babalik sa New york? ” agad kong tanong sa kay kuya Ced na, nakahiga sa Sofa habang nag lalaro sa kangang selpon...

“ Ah dina kami babalik sa New York, may binili na kaming bahay dito ng kuya mo at tsaka ako kasi mag mamanage ng company namin ” saad ni kuya Ced sa akin....at tsaka ito nagpatuloy sa paglalaro...

“ Ganun ba, di maganda kung ganun po ” sagot ko kay Kuya Ced at tsaka ako, nagpatuloy sa pag hiwa ng sibuyas..

“ tsaka nga pala, Sam, diba Arts ang Course mo, ipasok kita sa Company, bilang Marketing in Chief ” saad ni Kuya Ced sa akin, na dahilan ng paghinto ko sa paghiwa ng sibuyas...

Nagpangiti nalang ako kahit di niya iyon nakikita...

“ Marketing In chief talaga kuya, pwede naman na hanggang Empleyedo lang eii ” biro kong ganun...

“ Bakit ayaw mo ba ”

“ Ahh sige kuya  I try ko, total nag trabaho naman ako sa mga Companies” sagot ko kay Kuya Ced..

“ Si Gab sana, kaso ayaw kung mapagod lang siya, kaya mas gusto ko nalang siya mag Stay sa bahay ” ani Kuya Ced

“ Sweet naman yarn, kuya sana all ” biro kung ganun, at tsaka hinain ang mga pagkain sa table...

“ Kuya Ced, kain na, paki tawag nalang si Kuya Gab ” yaya ko kay kuya Ced..

Agad namang tumayo si Kuya Ced, at nagtungo sa kwarto ni Kuya Gab..agad naman silang lumabas na dalawa, at humarap sa kainin

Ngayon kulang makakasama si Kuya Gab sa kainan kaya sinarapan ko ang pagluto...kaya salo salo kaming kumain na tatlo sa hapag kainin..

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 12, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HEY! DADDY | +SPGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon